Wednesday , July 24 2024
Covid-19 positive

Director ng PNP- AVSEGROUP iba pang opisyal positibo sa CoVid-19

NALAGAY sa balag ng alanganin ang isang mataas na opisyal ng PNP Aviation Security Group at iba pang opisyal nito matapos magpositibo sa nakahahawang CoVid-19, ilang araw nang magsagawa ng Command conference sa Clark International Airport (CIA) lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa isang reliable source, dinala agad sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City ang Director General ng PNP – Avsegroup na si BGen. Florencio Teodosio Ortilla matapos malaman mula sa resulta ng swab testing na positibo sa CoVid-19.

Si Ortilla ay nasa mabuti nang kalagayan habang ang kalahating porsiyento na nakasama sa 30 Avsegroup personnel ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor sa ilang quarantine facilities.

Sa impormasyon, kamakailan ay isinalin sa kapangyarihan ng pamumuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtatalaga kay Ortilla bilang pinuno ng Avsegroup at makalipas ang ilang araw ay nagsagawa ng occular inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Kasunod nito, nagtungo ang butihing heneral kasama ang ilang opisyal sa CIA Pampanga upang dumalo sa isang command conference ukol sa kaligtasan at seguri­dad sa panahon ng pandemya.

Pagbalik ni Ortilla sa Maynila, dito niya nalaman na positibo siya sa CoVid-19 gayon man, hindi mabatid kung saan siya nahawa ng nasabing sakit.

Nagsasagawa ngayon ng contact-tracing ang PNP-Avsegroup mula sa kanilang hanay kaya’t posibleng pansaman­talang mag-lockdown ang ilang himpilan ng yunit pulisya.

About hataw tabloid

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *