NAARESTO ang tatlong most wanted personalities sa Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang mga suspek na sina Irwin Pelina, no. 8 most wanted ng MPD sa kasong robbery with unnecessary violence; Bob Anel Navarro, no. 4 most wanted person ng Moriones Police Station sa kasong rape; at Jason Fullantes, no. 1 most wanted ng Ermita …
Read More »Masonry Layout
4 presong pumatay sa kapwa inmate inasunto sa QC court
SINAMPAHAN ng ka-song murder sa Quezon City Prosecutors’ Office ang apat na inmates ng Quezon City Police Dis-trict (QCPD) dahil sa pagkamatay ng kasama-hang preso na unang napaulat na nilagnat, matapos umanong bug-bugin sa loob ng piitan nitong nakalipas na Mi-yerkoles, 10 Hulyo 2019. Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Lt. Col. Alex Alberto, ang mga kinasuhan ay …
Read More »Pirmado na ng Pangulo… Batas sa 20% student discount inilabas na
MAY 20 porsiyentong diskuwento ang lahat ng estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon alinsunod sa Student Fare Discount Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa sa Republic Act 11314 o Student Fare Discount Act, makakukuha ng 20 percent discount ang mga estudyante sa pasahe basta’t tiyakin na may maipipresentang identification card o enrolment form. Kasama sa discount …
Read More »National Dengue Alert, idineklara ng DOH
NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes, 15 Hulyo, ng National Dengue Alert sa bansa dahil sa mabilis na pagtaas na kaso ng nakamamatay na sakit sa ilang rehiyon. Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na itinaas ang naturang alerto sa bansa. Ang dengue ay pinakamabilis na kumakalat na infectious disease sa buong mundo. Nakaaapekto ito sa daang-milyong indibiduwal at …
Read More »National ID system delikado (IT expert nangamba sa palyadong kompanya)
DESMAYADO at nangangamba ang isang information technology (IT) expert sa pagnanais ng tinawag niyang palyadong IT company na makopo ang supplies ng kagamitan para sa plano ng gobyernong national ID system. Ayon kay IT expert Rafael R. Gutierrez, representante sa bansa ng isang US web security at cloud-based solutions na kompanya, malaki ang mawawala at masasayang na pera ng bayan …
Read More »Relasyong ‘wala-lang’ sa Iceland ‘lusawin’ — Panelo
MINALIIT ng Malacañang ang mga posibleng epekto kapag pinutol ng Filipinas ang pakikipag-ugnayan sa Iceland na maghain ng resolution na nananawagn sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa. Kinuwestiyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang umiiral na relasyon ng Filipinas sa Iceland para indahin ng bansa ang pagputol ng ugnayan …
Read More »Impeachment vs VP Leni ‘deadma’ sa Palasyo
HINDI interesado ang Palasyo na ayudahan ang anomang posibleng impeachment complaint na isasampa laban kay Vice President Leni Robredo dahil mas maraming mahahalagang isyung dapat harapin. Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos sabihin ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na maaaring ma-impeach si Robredo bunsod nang pagsuporta sa resolution ng United Nations Human Rights Commission na imbestigahan …
Read More »UNHRC reso vs PH tablado sa gov’t
TABLADO sa gobyerno ng Filipinas ang resolution ng UN Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte. “The Philippine government rejects in the strongest terms the Iceland-led resolution recently adopted by the UN Human Rights Council (UNHRC),” ayon sa kalatas na inilabas kagabi ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea. …
Read More »Live-in, kaibigan kapwa binugbog kelot kalaboso
SA KULUNGAN bumagsak ang 24-anyos lalaki matapos bugbugin ang kanyang live-in partner maging ang nagmalasakit na matalik na kaibigan sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 4:00 pm nang muling makatikim ng kalupitan sa kamay ng suspek na si Louie Alban, walang hanapbuhay, ang kanyang kinakasama na si Jean …
Read More »Huli sa akto… Lola, tinangkang halayin binata arestado
HINDI nagtagumpay ang isang lalaki na gahasain ang isang natutulog na lola nang magising at manlaban sa suspek sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan. Batay sa ulat mula kay P/Maj. Isagani Santos, hepe ng Angat Municipal Police Station (MPS), ang suspek sa tangkang panggagahasa ay kinilalang si Melvin Combis, 25 anyos, binata, at residente sa Pulong Tindahan Banaban III, …
Read More »Pamangking nene minolestiya Karpintero arestado
SWAK sa kulungan ang isang karpintero na inireklamo ng pangmomolestiya sa kanyang 11-anyos pamangking babae sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Dianito Acar, 56 anyos, residente sa Hipon Alley, Brgy. 14, Caloocan City, na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610. Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Women’s and Children Protection Desk …
Read More »MILF ‘nabuking’ sa baril
ISANG lalaki na hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang inaresto sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Gamal Guitum, 41 anyos, may-asawa, residente sa Phase 12, Riverside, Brgy. 188, Tala. Ayon kay Flores, dakong 1:00 pm nang magsagawa …
Read More »Estudyante 1 pa sugatan sa gang war
DALAWA ang sugatan, kabilang ang isang 15-anyos babaeng estudyante nang tamaan ng bala sa naganap na sagupaan ng dalawang magkalabang grupo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Cristina Pauline ng Pag-asa St., Payatas, Brgy. 147, at Arthur Atencio, 18 anyos, ng Narra Alley, kapwa sa …
Read More »Misis cyber sex slave ng Sri Lankan na mister
NASAKOTE ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI), ang isang Sri Lankan national na inireklamo ng kanyang misis na Pinay dahil ginagawa siyang ‘cyber sex slave’ sa loob ng pitong buwan at molestiyahin ang kanyang anak na babae, nitong Biyernes ng gabi sa San Jose Del Monte, Bulacan. Napilitan nang ireklamo sa NBI ng ginang na hindi na …
Read More »Isko, kayod kahit madaling araw
NAGSAGAWA ng sorpresang inspeksiyon si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Linggo ng madaling araw sa paligid ng Andres Bonifacio Shrine sa Lawton kasunod ng isinagawang paglilinis sa nasabing dambana ni Gat Andres Bonifacio at liwasan sa paligid nito. “About one week ago, punong-puno po ito ng mga nakasementong bahay, banyo, tindahan, for six years nanatili sila rito,” …
Read More »80-anyos Pinoy dapat din bigyan ng P80,000 — Party-list Solon
DAPAT din bigyan ng pabuya ang mga Filipino na umabot sa edad 80-anyos gaya ng mga nakaabot sa edad na isang siglo o 100 taong gulang. Ayon kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, ang 80-anyos ay nararapat din bigyan ng pabuya para ma-enjoy mga huling araw sa mundo. Naghain si Lagon ng House Bill (HB) No. 907 upang maibigay ang mga …
Read More »Retiradong transport manager todas sa ambush
ISANG tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ng 63-anyos transport manager makaraan barilin ng hindi kilalang suspek, sakay ng motorsiklo, habang nagmamaneho ng Honda CRV kahapon ng umaga sa Makati City. Patay noon din sa pinangyarihan, ang biktimang si Jesus De Guzman Dimayuga, residente sa Bonifacio St., sa Barangay Bangkal ng nasabing lungsod, at sinabing …
Read More »Agawan sa P6-B SEA Games fund… Digong tsinugi PHISGOC ni Cayetano
HINDI awtorisado ni Presidente Rodrigo Duterte ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation para patakbuhin ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games). Sa isang interview sa kanya noong Huwebes, sinabi ni Duterte na hindi niya pinapayagan ang PHISGOC na kunin mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang pagho-host ng biennial regional multi-sport event. …
Read More »Laborer pisak sa bumagsak na steel pulley
PISAK ang isang construction worker matapos madaganan ng kumalas na steel pulley ng isang crane sa isang construction site sa Sampaloc, Maynila. Kinilala ang biktima na si Marcoso John Eric Ludor, 23 anyos. Nabatid, 11:00 am nang mangyari ang insidente sa ginagawang condominium building na aabot sa 30 palapag sa kanto ng mga kalyeng P. Margal St., at Dos Castillas, …
Read More »Sorry ni Defensor ‘hindi sincere’
PINAGDUDAHAN ang pagso-sorry ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kay Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at kung hindi pa ba tapos ang usapin sa speakership sa Kamara. Maalalang nakunan ng retrato at video ang screen ng smartphone ni congressman Defensor at ito ang nilalaman: “Hi sir! I have the go signal of Mayor Inday to publish. ‘Kaya …
Read More »Pekeng US marine arestado ng NBI
LAGLAG sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Liberian national na nagpanggap na miyembro ng US marine. Ayon kay NBI Deputy Director Vicente de Guzman, naaresto si Justine Barlee, unang nagpakilala bilang Jerry Brown at Jerry Rockstone, matapos ipagbigay alam sa kanila ang plano nitong panloloko. Ayon kay De Guzman, naghahanap ng financier ang …
Read More »11 tiklo sa Tondo buy bust
TIMBOG ang 11 katao sa buy bust operation sa Tondo, Maynila Martes ng hapon. Ayon kay P/Capt. Elvin John Tio ng Manila Police District (MPD) Station 2, ikinasa ang operasyon sa isang bahay ng itinuturing na one-stop shop ng droga sa San Antonio St., Barangay 13. Nabilhan ng poseur buyer ng P500 halaga ng shabu ang mga target na sina …
Read More »Babae pinatay ng lalaki sa loob ng apartelle
ISANG hindi kilalang babae na hinihinalang pinaslang ng kasamang lalaki na nag-check-in sa isang apartelle ang natagpuang patay sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Dakong 3:00 am nang matagpuan sa loob ng isang silid sa HSIRI Apartelle na may umaagos pang dugo sa ilong ang biktima na hinihinalang dumanas ng hirap sa kamay ng suspek. Sa ulat na natanggap …
Read More »Korean resto sa QC pinasabog
NAGULANTANG ang bystanders at mga residente nang makarinig ng malakas na pagsabog ng granada ang harapang bahagi ng isang Korean restaurant sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw. Batay sa inisyal na report kay P/Col. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 12:40 am nitong kahapon, 11 Hulyo nang makarinig …
Read More »American sweethearts hinoldap sa Pasay
HINOLDAP ang magkasintahan na American nationals at tinutukan ng patalim ng hindi kilalang rider kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Nanlulumong nagtungo sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police ang mga biktimang sina Liam Dickhardt, 20, ng Breakwater Way, Oxnard, California, at ang nobya nitong si Jewel Miller, pawang estudyante para ipaalam …
Read More »