Thursday , September 12 2024

60 law violators timbog sa Bulacan (Sa 24-oras anti-crime drive)

SA LOOB ng isang araw, nadakip ang 60 kataong may paglabag sa batas sa ikinasang anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Mayo.
 
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, inaresto ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations ng magkasanib na puwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A, Norzagaray Municipal Police Station (MPS), Maritime Group (IID, Maritime Group), at Sta. Maria Municipal Police Station (MPS).
 
Kinilala ang mga nadakip na sina Erol Moya, may kasong murder sa Brgy. Matictic, Norzagaray; at Jobert Posenia, no. 4 most wanted person ng lungsod ng Tacloban, na inaresto sa kasong rape sa Brgy. Catmon, Sta Maria, pawang sa nabanggit na lalawigan.
 
Sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Niugan, sa bayan ng Angat, nasukol ang suspek na kinilalang si Calixto Dacillo III, residente sa nasabing barangay na nakuhaan ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.
 
Gayondin, 51 sugarol ang nasakote sa ilegal na sabong o tupada sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng pulisya sa mga bayan ng Pulilan, San Rafael, Marilao, Bustos, at mga lungsod ng San Jose Del Monte at Meycauayan katuwang ang mga tauhan ng Bulacan Crime Investigation and Detection Group (CIDG).
 
Nakompiska ng pulisya sa operasyon ang 11 manok na panabong, pitong patay na manok na panabong, 10 tari, at kabuuang P13,875 bet money.
 
Samantala, naaresto ang anim na suspek sa magkakasunod na pagresponde ng pulisya at mga awtoridad ng barangay sa mga bayan ng Bustos, Obando, Baliwag, at San Miguel, at lungsod ng Meycauayan.
 
Kinilala ang isa sa mga suspek na si Morenio Calixtro ng Brgy. Catacte, Bustos, dahil sa sinasabing panggagahasa sa isang 8-anyos batang babae sa nabanggit na barangay.
 
Nadakip din sina Mark Edward Pascual at Mark Allan Pascual sa kasong frustrated murder sa Brgy. Perez, Meycauayan, samantala inaresto si John Vincent Ramos sa kasong frustrated homicide and grave threat sa Brgy. Lawa, Obando.
 
Arestado rin ang isang Noel Mingito sa kasong acts of lasciviousness sa Brgy. Sta. Barbara, Baliwag, at Jay-Ar Corcino sa kasong frustrated homicide sa Brgy. Bardias, San Miguel. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *