SUGATAN ang apat katao habang 23 ang inaresto sa marahas na dispersal ng picket line sa pabrika ng Regent Foods Corporation (RFC) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng umaga, 9 Nobyembre. Sumiklab ang karahasan dakong 9:00 am nang i-disperse ng mga guwardiya ng RFC ang mga nagpoprotestang trabahador ng snack manufacturer para sirain ang picket line sa Jimenez St., …
Read More »Masonry Layout
“SAF 44” hiniling ng VACC muling buksan ng Ombudsman (Ehekutibo ‘di makikialam)
WALANG plano ang Palasyo na makialam sa trabaho ng Ombudsman. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos hilingin ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman na muling buksan ang kaso nang pagpatay sa 44 kagawad ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015 dahil may bagong ebidensiya laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III …
Read More »Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko
TALIWAS sa nakasanayan tuwing Pasko na naglipana ang vendors sa buong lungsod ng Maynila, tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mananatiling zero vendors ang main thoroughfares ng Maynila partikular sa Divisoria. Seryosong pahayag ni Isko, “tapos na ang maliligayang araw na ang mga vendor ay ‘panginoon’ sa mga kalsada sa Maynila.” “Nakagawian na kasi ‘yan. ‘Pag panahon …
Read More »Malacañang nakiramay sa pagpanaw ni Gokongwei
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ng business tycoon na si John Gokongwei Jr. Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, kinikilala ng taong bayan ang kuwento ng buhay ni Gokongwei kung paano nagsimula at naging matagumpay na negosyante. Isa rin aniyang generous philanthropist si Gokongwei na aktibo sa mga kawanggawa. Sinabi ni Panelo, si Gokongwei ang isang katangi-tanging …
Read More »VP Leni hayaang mamuno sa war on drugs — Solon
SA KABILA ng mga pangamba ng oposisyon laban sa pagtangap ni Vice President Leni Robredo sa posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), isang kongresista ng administrasyon ang nanawagang bigyan si Robredo ng panahon upang ipakita ang kanyang kakayahan. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., nararapat bigyang tsansa si Robredo na ipakita ang kanyang kakayahang baguhin …
Read More »Drug czar Leni suportado… Access sa intel reports ayos lang — Palasyo
HINDI kabado ang Palasyo kahit magkaroon ng access sa intelligence report si Vice President Leni Robredo bilang drug czar. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record at nakabukas ito sa publiko. “Unang-una wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record, nakabukas naman ‘yan. ‘Yung intelligence report na sinasabi wala rin masama doon dahil …
Read More »9 sangkot sa droga timbog sa buybust
ARESTADO ang siyam katao na nasa drug watchlist ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni P/SSgt. Carlos Erasquin, Jr., dakong 11:30 pm nang isagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa bahay ng suspek na kinilalang si …
Read More »Chinese kulong sa pambubugbog ng bebot
KALABOSO ang isang Chinese national makaraan ipagharap ng reklamo ng pambubugbog ng kanyang nobya sa himpilan ng pulisya sa Las Piñas City. Kinilala ang pulisya ang suspek na si Bainian Cao, 35 anyos, residente sa Bgy. Almanza Uno, Las Piñas City. Sa imbestigasyon, nangyari ang pambubugbog sa bahay ng suspek sa Maui Building, Ohana Residences. Ayon sa biktimang si alyas …
Read More »US Embassy sarado sa 11 Nobyembre
SARADO sa publiko ang United States Embassy sa Filipinas at konektadong mga tanggapan sa Lunes, 11 Nobyembre. Bilang pag-obserba sa Veterans Day, itinakda itong pista opisyal o holiday sa Amerika. Balik normal ang operasyon ng Embahada at mga konektadong opisina sa Martes, 12 Nobyembre. Ang Veterans Day ay taunang ginugunita ng Amerika tuwing 11 Nobyembre. Ito ang araw ng unang bakbakan …
Read More »Notoryus na tulak patay, 4 drug peddlers timbog
TODAS ang isang hinihinalang notoryus na drug pusher habang apat na drug peddlers ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drug raid na isinagawa ng Bulacan PNP hanggang kahapon, 7 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Oledan, residente sa Phase- 5 NHV, Barangay Tigbe, sa bayan ng Norzagaray, lalawigan …
Read More »4 persons of interest tinukoy sa pagpatay sa DOLE official
APAT ang itinuturing na persons of interest ng Manila Police District (MPD) sa pagpatay sa opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ng hapon. Batay sa nakalap na footages mula sa CCTV ng MPD, makikita kung paano tinambangan ng una at pangalawang persons of interest ang biktimang si Helen Dacanay, 59, Senior Labor Officer, residente sa Blk …
Read More »Circus sa bicam, ikinabahala ni Cayetano
NAGBABALA si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga mambabatas na ang kagustohan ni Sen. Panfilo Lacson na buksan sa midya ang bicameral meetings sa panukalang P4.1 trilyong national budget para sa 2020 ay magiging circus. Ani Cayetano, nag-aalala siya na ang mga miting na ito ay magiging paraan para umeksena ang mga kongresista. “We have to be very realistic on …
Read More »Pagpaslang sa broadcaster kinondena ng Palasyo
KINONDENA ng Palasyo ang pagpatay kay radio broadcaster Dindo Generoso ng dyEM 96.7 Bai Radio sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon. Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar mabibigyan ng hustisya ang sinapit ni Generoso. “This senseless and unwarranted act will not go unpunished. We will take the necessary action to ensure justice for Mr. Generoso’s family,” aniya. Bilang co-chair ng …
Read More »Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin
BALIK-PELIKULA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso! Makakasama ni Mayor Isko ang isa sa mga sikat na aktor na si Coco Martin para sa entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Tampok ang dalawa sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon,” na mapanonood ngayong Pasko. Ayon kay Moreno, gaganap siya bilang alkalde sa naturang pelikula. Bagamat maikli ang role ay …
Read More »Crackdown sa tibak base sa reklamo — Palasyo
WALANG nakikitang masama ang Palasyo sa isinasagawang “crackdown” ng mga awtoridad laban sa mga aktibista. “The government policy is always to investigate complaints on criminal activities and if they have evidence, then they will take actions,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Giit ni Panelo, kung may mga ebidensiyang nagpapakita na sangkot sila sa krimen, okey lang na manmanan ng …
Read More »Abogado ni Joel Cruz nangamote sa ebidensiya, Kasong estafa vs Dupaya ibinasura ng piskalya
HINDI sustenable ang ebidensiyang iniharap ng kampo ng tinaguriang ‘lord of scents’ na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn dela Cruz Dupaya kaya ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang kasong estafa laban sa huli. Sa resolusyong inilabas ng piskalya, isinaad na “The case lacks any evidence of any false pretense or fraudulent act of which …
Read More »Para sa 2020… P17.8-B Manila executive budget aprobado na
INAPROBAHAN na ng Sangguniang Panglungsod ang P17.8 bilyong executive budget sa taong 2020 para sa lungsod ng Maynila. Si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang tumayong presiding officer sa Konseho na nanguna sa pagpasa sa nasabing pondo sa ika-33 regular session gayondin si Majority floor leader at 3rd District Councilor Atty. Joel Chua. Makatutulong ang inilaang pondo para sa mga …
Read More »8 pulis sa NCRPO huling natutulog ng Red Team surveillance group
WALONG pulis na nakatalaga sa mga lungsod ng Makati, Caloocan, at Valenzuela ang nahuli sa aktong natutulog ng Red Team surveillance group na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sinabi ni NCRPO director P/BGen. Debold Sinas, ang apat na pulis na nakatalaga sa Makati City, dalawa sa Caloocan City at dalawa rin sa …
Read More »Hepe ng DTI Lab sa Cavite tulog sa oras ng trabaho
NAISPATANG natutulog kahit oras ng trabaho ang isang nagngangalang Jay (nasa cubicle) sa loob ng laboratory na nagsusuri ng mga produktong sumasailalim sa mandatory certification ng Department of Trade and Industry (DTI)M sa Dasmariñas, Cavite. Nauna na umanong inireklamo na kahit nasa laboratory premises ang ilang staff ay naglalaro lamang kahit office hours. Wala umanong biometric sa nasabing laboratory, kaya …
Read More »Asin tax dapat asintado — Quimbo
KINUWESTIYON ni Marikina City (2nd Dist) Rep. Stella Luz Quimbo ang gustong mangyari ng Department of Health na patawan ng buwis ang asin bilang paraan sa pagkontrol ng non-communicable diseases o NCDs. “Sa panukalang ito, tamang pag-asin-ta ang tingin kong kailangan,” ani Quimbo. Ang NCDs ang leading cause of death sa Filipinas at sa buong mundo. Ayon sa World Health Organization, 68% ng …
Read More »Drug czar Leni tinanggap ng Palasyo
WELCOME back to the Cabinet. Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo bilang drug czar ng administrasyon o Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang unang dapat gawin ni Robredo ay magtungo sa Palasyo upang makipagpulong para malaman ang kanyang mga tungkulin bilang drug czar ng administrasyon. “I …
Read More »12 tulak sa HVT list tiklo sa Candaba
KALABOSO ang kinabagsakan ng 12 hinihinalang notoryus na drug pushers na sinasabing high value target (HVT) drug personalities sa talaan ng pulisya, nang masakote ng mga operatiba ng Candaba Police Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency – 3 (PDEA3), sa serye ng buy bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Candaba, lalawigan ng …
Read More »Labor leader itinumba sa Laguna (‘De facto martial law’ hirit ng militante)
ISANG lider manggagawa at coordinator ng Makabayan nitong nakaraang halalan, Mayo 2019 ang pinaslang sa lungsod ng Cabuyao, sa lalawigan ng Laguna nitong Lunes ng gabi, 5 Nobyembre. Sa ulat mula sa Laguna police, naglalakad ang biktimang kinilalang si Reynaldo Malaborbor, 61 anyos, kasama ang kaniyang asawa malapit sa kanilang tahanan sa Bgy. Banay-Banay nang barilin ng suspek mula sa …
Read More »30 bakwit sa Cotabato naospital sa pagkain ng ulam na baboy
ISINUGOD sa pagamutan ang hindi bababa sa 30 internally displaced persons (IDPs) mula sa mga evacuation center ng bayan ng Malasila sa lalawigan ng Cotabato dahil sa pagsusuka at pagtatae. Ayon kay Cotabato Acting Vice Governor Shirlyn Macasarte, namumuno sa Incident Management Team (IMT), agad dinala ang mga bakwit sa kalapit na mga pagamutan upang malapatan ng lunas. Kinilala ang …
Read More »Tulak bulagta sa shootout, 11 pa arestado
PATAY ang isang notoryus na tulak sa enkuwentrong naganap sa pagitan ng pulisya sa Bgy. Guyong, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan kahapon, 5 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang napatay na drug suspect na si Allen Omila, 42 anyos, may asawa, at residente sa Seminary Road, Bgy. Bahay Toro, lungsod Quezon. Sa ulat …
Read More »