BINUBUO ng mga estudyante mula sa kindergarten, grade 1, 7 at 11 ang 4,300,000 nagparehistro sa pre-registration para sa School Year 2021-2022. Tiniyak ni Department of Education Undersecretary Jesus Mateo, mula sa kindergarten, grade 1, grade 7 at grade 11 ang mga mag-aaral na nakapagparehistro na. Aniya, halos 95% sa bilang na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral …
Read More »Masonry Layout
Mayor Tiangco nabakunahan na ng 2nd dose
NAKOMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang coronavirus disease 2019 (CoVid-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy. “Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makompleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa CoVid-19. Kailangan pong makompleto ang first at …
Read More »Lolo, 8 kelot huli sa tupada
ISANG lolo kabilang ang walong kalalakihan, ang nasakote ng Oplan Galugad nang maaktohang nagsasabong sa isang tupadahan sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Joel Villanueva, ang mga inaresto na sina Nestor Cator, 62 anyos, Roger Garcia, 47 anyos, Edison Ybañez, 33 anyos, Joel Toñacao, 54, Ronilo Peronilo, 35, Arman Enmil, 32, Rico …
Read More »2 MMDA traffic enforcers sibak sa extortion
SINIBAK sa serbisyo ang dalawang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mag-viral sa social media ang video ng kanilang ginawang pangingikil. Kinilala ang dalawang enforcer na sina Edmon Belleca at Christian Malemit, na kapwa guilty sa kasong extortion at grave misconduct. Napag-alaman nakunan ng video ang dalawa noong 23 Abril 2021 na nanghihingi ng halagang P1,000 …
Read More »Babaeng nabundol ng fire truck nabulag
NASAGASAAN ng fire truck ng Bureau of Fire Protection ang 31-anyos babae nitong Linggo ng gabi sa bayan ng Pateros. Sinabing ligtas na ang biktimang si Annie Tiar ngunit kinailangang operahan upang tanggalin ang labis na napinsalang mata. Kinilala ang suspek na si FO2 Ramon Lactao II, 36 anyos, nakatalaga sa Pateros Fire Station, kasalukuyang nasa kustodiya ng …
Read More »Tulak dinakma ng parak sa buy bust
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.1 milyong hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect na naaresto kamakalawa sa Makati City. Nasa kustodya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Ernesto Macaraig, Jr., 38 anyos. Base sa report …
Read More »Kalalayang Chinese na drug ex-offender todas sa ambush
PATAY ang isang Chinese national na kalalaya pa lamang sa kulungan habang kasama ang isang babaeng paralegal staff sa loob ng isang taxi nitong Lunes ng gabi sa Parañaque City. Hindi umabot nang buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktima na kinilalang si Wang Teng Shou, nasa hustong gulang at residente sa Malate, Maynila, may mga tama ng bala …
Read More »Muslim group sumugod sa Manila City Hall (Akala may ayuda)
ILANG grupo ng mga Muslim ang napasugod sa labas ng City Hall sa lungsod ng Maynila kahapon. Ito’y upang pumila para makakuha ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan. Dahil dito, nabigla ang mga nagbabantay sa entrance ng Manila City Hall kaya’t nagpatulong sila sa mga pulis para masigurong nasusunod ang inilatag na health protocols. Pero ayon sa …
Read More »2 most wanted magnanakaw sa Gapo arestado (Operation Manhunt Charlie)
NADAKMA ng mga awtoridad ang dalawang suspek na itinuturing na most wanted ng lungsod ng Olongapo, sa lalawigan ng Zambales, pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw sa isinagawang Operation Manhunt Charlie nitong Lunes, 10 Mayo, sa Brgy. Sta. Rita, sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang mga suspek na sina Ar Jhay De Jesus, alyas …
Read More »3 tulak timbog drug bust (Sa Angeles City, Pampanga)
NASAKOTE ang tatlong suspek na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa inilatag na drug bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit at Police Station 3 ng Angeles City Police Office nitong Lunes, 10 Mayo, sa Purok 5B, Citi Center, Brgy. Pandan, Angeles City, Pampanga. Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan, hepe ng Angeles City Police Office, …
Read More »P1.9-M droga kompiskado 4 rich kids arestado sa BGC
APAT na lalaking tinaguriang ‘rich kids’ ang inaresto ng mga awtoridad, matapos makompiskahan ng halos P1.9 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy nitong 6 Mayo sa Bonifacio Global City, Taguig City. Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Timothy Joseph Espiritu, alyas Elix, Lorenzo Vito Barredo, John Valdueza Galas, at Aureo Alota Cabus, Jr. Nakompiska sa apat na …
Read More »12 ‘sugarol’ arestado (Sa Meycauayan, Bulacan)
HINDI alintana ang matinding init ng panahon, at kahit pawisan, tuloy pa rin sa pagsusugal ang mga naarestong kalalakihan sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 11 Mayo. Nadakip ang tatlong suspek na kinilalang sina Deopete Valdemar, Justin Encartado, at isang 16-anyos na menor de edad, pawang mga residente sa Barangay Bayugo, sa nabanggit na lungsod sa …
Read More »‘Umbrella Cockatoos’ ilegal na ibinebenta, 2 online sellers timbog sa Bulacan
DINAKIP ng mga operatiba ng Environmental Protection and Enforcement Task Force (EPETF) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pulisya sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan ang dalawang illegal wildlife traders ng ‘umbrella cockatoos’ (cacatua alba), isang uri ng ibong loro, sa isang entrapment operation. Kinilala ni P/Cpl. Niño Gabriel, imbestigador ng Baliuag Municipal Police Station, …
Read More »2 patay, 1 kritikal sa pila ng mga benepisaryong sinoro ng dump truck (Ayuda naging abuloy)
IMBES ayuda, tila sa abuloy mapupunta ang ilang libong piso na pinilahan ng mga benepisaryong sinoro ng dump truck nang atakehin sa puso ang driver at mawalan ng kontrol sa manibela, sa City of San Jose del Monte, Bulacan kahapon ng umaga. Sa impormasyong nakalap mula sa San Jose del Monte City Police Station, naganap ang insidente dakong 7:40 …
Read More »Mag-ingat sa kandidatong swindler sa 2022 — Bayan (Baka ‘ma-duterte’ ulit)
MAGING maingat sa mga kandidatong ginagawang biro ang mga seryosong pambansang isyu. Babala ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., kasunod ng pagtawag na ‘tanga’ ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes sa mga naniwala sa kanyang ‘biro’ na siya ay sasakay ng jet ski patungong West Philippine Sea (WPS) para ‘itindig’ ang watawat ng Filipinas, na …
Read More »Cayetano tutol sa P1k ayuda sa Bayanihan 3
HINDI sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3. Sa isang panayam sa Bombo Radyo Dagupan nitong Sabado, 8 Mayo, sinabi ni Cayetano, sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para …
Read More »Writs of Amparo, Habeas Data ‘kalasag’ vs red-tagging sa journos (‘Reseta’ ni Roque)
ni ROSE NOVENARIO MAY legal na lunas ang mga mamamahayag na pinararatangang may kaugnayan sa kilusang komunista o biktima ng red-tagging ng gobyerno, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may inilatag na remedyo ang Korte Suprema para sa mga taong nasa panganib ang buhay bunsod ng ginagawang ‘red-tagging’ ng mga awtoridad gaya ng writ …
Read More »2 notoryus na tulak nasakote, residente natuwa
NALAGLAG sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang lalaking pinoproblema ng mga residente dahil sa pagiging talamak na tulak sa kanilang lugar sa mga bayan ng Norzagaray at Angat, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Norzagaray …
Read More »PH team billiard player, 9 pa huli sa illegal gambling, lumabag sa health protocols
ARESTADO ang sinasabing miyembro ng Philippine Team Billiard Player kabilang ang siyam pa dahil sa pagsusugal at paglabag sa health protocols na ipinaiiral sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang nadakip na miyembro ng PH team billiard player ay kinilalang si Edwin Dela Cruz, 30 anyos, binata, ng 30A Santalla St., Pasig City. …
Read More »Nanay niregalohan ng ‘tingga’ sa ulo (Sa araw ng mga ina)
NILOOBAN ang bahay saka binaril sa ulo ang isang nanay ng hindi kilalang suspek habang abala ang marami sa pagdiriwang ng Mother’s Day sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Ang biktima ay kinilalang si Carlota Panugan Macatangay, 41 anyos, walang trabaho at nangungupahan sa Sito Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City. Namatay noon din ang biktima dahil …
Read More »Special audit sa Beneco, aprub sa Palasyo
PABOR ang Malacañang na magsagawa ng special audit sa Benguet Electric Cooperative (Beneco) upang mabatid kung may katotohanan ang impormasyong may ikinukubling anomalya kaya ‘hinaharang’ ang pagtatalaga sa isang lady Palace executive bilang general manager ng kooperatiba. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isang abogado at dating special investigator sa Office of the Ombudsman si Communications Assistant Secretary Marie …
Read More »16-M Pinoy ‘nagoyo’ ni Duterte (Jet ski sa WPS kuwentong barbero)
ni ROSE NOVENARIO LABING ANIM na milyong Pinoy ang ‘nagoyo’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kuwentong barbero na sasakay siya sa jetski upang itirik ang bandila ng Filipinas sa Scarborough Shoal noong 2016 presidential debate. Ikinumpisal ni Pangulong Duterte ang panloloko sa mga Filipino kagabi sa kanyang televised public address sa Davao City. Tinawag ng …
Read More »73 lolo’t lola bakunado na sa Valenzuela (Matatandang inabandona ng pamilya)
INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian, nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra CoVid-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod. “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani Mayor Rex. Ayon kay Public Information Officer Zyan …
Read More »Sekyu huli sa shabu (Tumira muna ng bike)
KULUNGAN binagsakan ng isang security guard matapos makuhaan ng shabu nang tangkain niyang habulin ang testigong nakakita sa ginawa niyang pagtangay sa isang mamahaling bisikleta sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City Police Chief Col. Joel Villanueva ang naarestong suspek na si Edward Castite, 39 anyos, residente sa Block 4 Kadima Letre, Brgy. Tonsuya. Batay sa …
Read More »Mag-amang drug trafficker, babae, patay sa police ops (Sa Tawi-Tawi)
TODAS ang isang lalaki at ang kanyang anak sa isang operasyong ikinasa ng mga awtoridad matapos barilin ang mga pulis nang magtangkang takasan ang pag-aresto sa kanila sa bayan ng Sitangkai, lalawigan ng Tawi-Tawi, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Mayo. Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga napaslang na suspek na sina Girang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com