NAITALA ang kabuuang bilang na 7,704 katao sa lalawigan ng Pangasinan na ikinokonsiderang persons under monitoring (PUMs) para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabila ng paniniyak ng health officials na wala pa rin kompirmadong kaso sa probinsiya. Lomobo ang bilang ng PUMs matapos umuwi ang ilang mga estudyante nang sumailalim ang Metro Manila sa community quarantine. Ipinag-utos ng pamahalaang …
Read More »Masonry Layout
COVID-19 #2 sa SJDM, kinompirma ng DOH
IPINATUPAD ang city-wide quarantine sa San Jose del Monte City, sa lalawigan ng Bulacan matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod. Alinsunod ito sa ipinaiiral na Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution 11 Series of 2020. Ayon sa City Health Office (CHO) ng SJDM, kasalukuyang naka-confine ang …
Read More »COVID 19 diagnostic test hindi pa rehistrado — FDA
WALA pang nakarehistrong COVID 19 diagnostic test na available sa publiko. Ito ang paglilinaw ng Food and drugs Administration (FDA). Ang polymerase chain reaction (PCR) based lab kits na donasyon ng World Health Organization – Research Institute of Tropical Medicine (WHO-RITM) na ginagamit sa kasalukuyan at ang na-develop na test kit ng University of the Philippines – National Institutes of …
Read More »16 sachet ng shabu kompiskado 8 kilabot na tulak timbog
ARESTADO ang walong hinihinalang notoryus na drug pushers kabilang ang apat na bigtime tulak na itinuturing na high value target (HVT) drug personality makaraang masakote ng mga operatiba ng Candaba Police Anti-illegal Drugs Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) matapos ang sunod-sunod nilang inilatag na buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Candaba, …
Read More »Hazard pay sa frontliners hirit ng mambabatas
AGAD nanawagan si Senator Risa Hontiveros na mabigyan ng hazard pay ang ‘government frontliners’ na humsharap laban sa coronavirus disease (COVID-19). Tinutukoy ng senadora ang health workers, government service workers, sundalo, pulis at mga miyembro ng security force. Diin ni Hontiveros, malaki ang isinasakripisyo ng nasabing sektor kaya dapat silang ituring na mga bagong bayani para hindi na lumala pa …
Read More »Baguio City nasa ilalim ng community quarantine
INIANUNSIYO ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes, 16 Marso, ang paglalagay sa Summer Capital ng bansa sa ilalim ng community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Inilabas ang deklarasyon sa gitna ng paglaki ng bilang ng mga person under monitoring (PUMs) para sa COVID-19 sa kalapit na mga lalawigan at mga munisipalidad. Sa kabila …
Read More »14 COVID-19 kompirmado sa Makati — Mayor Abby
KINOMPIRMA ni Mayor Abby Binay na mayroong 14 positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ngunit tumanggi ang alkalde na tukuyin isa-isa ang mga pasyente gayondin kung saang lugar sa Makati sa pangambang mag-panic ang kanilang constituents. Ayon kay Binay, sa kasalukuyan ay kanilang imino-monitor at ginagawa ang lahat ng paraan para gumaling sila. Ayon kay Binay, kalimitan sila ay mag-asawa, …
Read More »2 CoViD-19 patients nadagdag sa Maynila
NADAGDAGAN ng dalawa ang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila. Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH). Kabilang sa nadagdag sa kaso ang isang 23-anyos na babaeng residente ng Sta. Ana. Ang naturang babae ay nagtatrabaho sa isang salon sa Greenhills, San Juan City. Ang ikalawa ay isang 64-anyos babae mula sa Sta. Cruz na walang …
Read More »Virtual press briefing ipatutupad ng Palasyo
VIRTUAL press briefing ang idaraos ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Malacañang Press Corps simula ngayon. Inihayag ito ng Office of the Presidential Spokesperson kahapon. Ibig sabihin, hindi na kailangan magpunta ni Panelo sa Malacañang bagkus ay maaaring sa kanyang bahay na lamang makapanayam sa pamamagitan ng video call. Naging kapansin-pansin na nakasuot na rin ng face mask si Panelo …
Read More »Duterte sa NPA: Ceasefire tayo (Social distancing hiling ni Digong)
HUMILING ng ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA) habang nararanasan sa bansa ang coronavirus disease (COVID-19). Sa kanyang public address kagabi nang ideklara ang Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na sumunod sa social distancing sa pamamagitan ng pagdistansya sa mga sundalo o huwag umatake. Hirit ng Pangulo sa …
Read More »Social distancing, no touch policy mahigpit na ipatutupad sa Pangulo
MAHIGPIT na ipinatutupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” at pananatilihin ang 10-meter distance sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng audience sa mga pagtitipon na kanyang dadaluhan. Para sa mga pribadong functions at meetings, tanging ang mga nagpasuri at negatibo sa COVID-19 ang papayagang lumapit sa Pangulo. Ang mga tao na hindi pa nagpapasuri ay …
Read More »Senator Migz Zubiri positibo sa COVID-19
INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na positibo si Senador Miguel Zubiri sa coronavirus (COVID-19). Ikinagulat ni Duque ang pagkahawa ni Zubiri na ngayon ay naka-quarantine upang hindi mahawa ang kanyang asawa at anak. Nagtataka umano si Zubiri, sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawa siya ng COVID-19. Pinayohan ng Senador ang mga kababayan na mag-ingat at uminom ng …
Read More »Kamara may 2nd covid 19 victim
MATAPOS mamatay ang isang empleyado ng Kamara kamakalawa, nagkaroon muli ng isa pang biktima ang Covid 19 sa Batasan Complex, iniulat kahapon. Ayon sa isang source, ang pangalawang biktima ay nagtatrabaho sa isang kongresista. Humingi ng panalangin ang mga kamaganak dahil malubha ang kalagayan ng pasyente. Sa kabila nito, hinimok ni Albay Rep. Joey Salceda na magkaroon ng ‘total lockdown’ …
Read More »Sa kabila ng masalimuot na Metro Manila ‘community quarantine’… Luzon-wide ‘lockdown’ idineklara ni Duterte
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘lockdown’ ang buong Luzon sa layuning makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong kapuluan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang kahulugan ng Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, lahat ng tao ay kailangang nasa loob ng kanilang bahay. Ang deklarasyon ng Pangulo ay ginawa, sa panahon na mainit na pinag-uusapan ang …
Read More »Mag-asawa sa 3 COVID-19 patient sa Cainta pumanaw na
KINOMPIRMA ni Cainta Mayor Keith Nieto na binawian ng buhay ang mag-asawang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-2019) matapos ang ilang araw na nailipat sa Research Institute for Tropical Medicine ng Department of Health (DOH). Aniya, nakatira ang mag-asawa sa Filinvest Subdivision sa bayan ng Cainta, sa lalawigan ng Rizal, at kasalukuyang binabantayan ang apat nilang anak. Dagdag ni Mayor Kit, …
Read More »Para makaiwas sa COVID-19… Bulakeños nagpalipas ng ‘lockdown’ sa bundok
NAGDESISYON ang maraming Bulakenyong magpunta sa mga kabundukan na malayo sa Metro Manila matapos ideklara ang ‘lockdown’ sa kabiserang rehiyon. Karamihan sa kanila ay umakyat sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan, na may simple at maaliwalas na kapaligiran, upang doon magpalipas ng araw habang may lockdown upang makaiwas coronavirus o COVID-19 na patuloy na kumakalat …
Read More »Dahil sa banta ng COVID-19… Religious pilgrimage sa Bulacan pansamantalang ipasasara
BALAK ng local government ng lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan na pansamantalang ipasara ang mga religious pilgrimage place sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19. Ilan sa mga simbahan sa naturang lungsod ang madalas na binibisita ng mga deboto tuwing Mahal na Araw. Ayon kay SJDM City Mayor Arthur Robes, kabilang sa ipasasara muna ang …
Read More »Provincial quarantine facility sa Bulacan, inirekomenda ni Governor Fernando
INIREREKOMENDA ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan na magkaroon ng Provincial Quarantine Facility sa Bulacan para sa persons under monitoring (PUM) o mga taong may history of travel o history of exposure ngunit hindi kinakikitaan ng sintomas bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19. Aniya, ang pasilidad ay isang paraan upang maiwasan ang exposure sa COVID-19 sa kanilang mga kapamilya na …
Read More »Mungkahi ng Bulacan lady solon… Hotels, motels, inns, apartelles gawing ‘halfway home’ ng mga manggagawa sa NCR
HINIMOK ni Rep. Rida Robes ng San Jose Del Monte City na gawing pansamantalang tirahan ng mga manggagawa sa Metro Manila ang mga hotel, motel, apartelle at inns na gagamitin pansamantala habang ipinapatupad ang community quarantine. Ayon kay Robes, maaaring makipag-uganayan ang gobyerno sa mga establisimiyento upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa araw-araw na biyahe mula sa Metro …
Read More »Obrero, kawani nanawagan… Ayuda kontra COVID-19 hindi ‘martial law’
NAALARMA ang mga manggagawa sa tila pagbalewala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaambang malawakang kagutuman na kanilang mararanasan kasunod ng kautusang Metro Manila lockdown dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Sa kalatas, sinabi ni Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) Secretary General Manuel Baclagon, nakababahala ang pagbubulag-bulagan sa epekto sa kalusugan at ekonomiya ng masang Filipino, lalo sa …
Read More »Kois negative sa COVID-19
NEGATIBO ang resulta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos ang ilang araw nitong official business trip sa United Kingdom. Sa abiso ng Manila Public Information Office, lumabas ang resulta ng lab test ng alkalde kahapon ng tanghali 15 Marso. Bukod kay Isko, negatibo rin ang kanyang chief of staff na si Cesar …
Read More »Kaso ng COVID-19 umakyat sa 140 (Medical practitioner ika-2 kaso sa Cavite)
UMABOT na sa bilang na 140 ang kaso ng coronavirus (COVID 19) sa bansa matapos madagdagan ng 29 bagong kaso kahapon, ayon sa Department of Health (DOH). Dakong 12:00nn kahapon, iniulat ng DOH ang bagong mga kaso. Kamakalawa, iniulat ng DOH ang pagkamatay ng dalawang COVID-19 patients. Si PH89, 7th death ay isang 67-anyos Filipino, lalaki, mula sa San Fernando, …
Read More »All systems go for MORE power — ERC
TAPOS na ang problema sa supply ng koryente sa Iloilo City at makaaasa ang libo-libong residential, commercial at industrial power users ng tuloy tuloy na serbisyo mula sa bagong Distribution Utility na More Electric and Power Corp., (MORE Power). Sa isang statement na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) sinabi ni Chairperson Agnes Devanadera, tuluyan nang natuldukan ang isyu sa …
Read More »Sa 30-araw ‘lockdown’… Walang namamatay sa gutom — Panelo
“WALANG namamatay sa gutom. Ang isang buwan (pagkagutom) ay hindi pa nakamamatay.” Ito ang buwelta ng Palasyo sa mga batikos laban sa ipinatutupad na isang-buwang lockdown sa National Capital Region (NCR) dahil posibleng mamamatay sa gutom ang masa at hindi sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi totoo na may namamatay sa gutom sa loob …
Read More »Sa unang araw ng community quarantine… Checkpoints inilatag ng NCRPO
INILATAG ang mahigpit seguridad sa checkpoints at control points ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasama ang nasasakupan ng Southern Police District (SPD), epektibo na kahapon ang community quarantine sa buong Metro Manila. Sinabi ng tagapagsalita ng SPD na si P/Major Jaybee Bayani, nasa kabuuang 5 checkpoints at 13 control points ang nakalatag sa katimugang bahagi ng Metro Manila …
Read More »