Saturday , December 4 2021
dead gun police

Itinumba ng riding-in-tandem
HELPER, DEDBOL SA HARAP NG LIVE-IN

TODAS ang isang helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Cristalino Valino, 30 anyos, residente sa Samaton, C. Perez St., Brgy. Tonsuya, ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/Cpl. Renz Marlon Baniqued at P/Cpl. Rocky Pagindas kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong 9:16 am nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pilapil St.,  ng nasabing barangay.

Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Airralyn Magdaraog, 26 anyos, sa nasabing lugar nang bigla siyang lapitan ng hindi kilalang suspek saka dalawang beses na binaril sa ulo.

Matapos ang insidente, naglakad ang gunman patungo sa kanyang kasabwat na nagmamaneho ng kanilang getaway motorcycle saka mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Nakuha ng mga nagrespondeng tauhan ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang fired bullet mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na hinihinalang may kaugnayan ang pamamaril sa kinakasama nitong babae. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan

NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa …

Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC

ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng …

2 babaeng miyembro ng kulto minolestiya
‘FAKE HEALER’ KALABOSO SA ABUSO

ARESTADO ang lider ng isang pinaniniwalaang kulto sa bayan ng Asturias, lalawigan ng Cebu dahil …

Manny Asuncion

Sa pagpatay sa labor leader
MURDER VS 17 PARAK SA BLOODY SUNDAY

NAHAHARAP sa kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpatay kay labor leader Manny …