TABLADO sa Palasyo ang rekomendasyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Gilbert Gapay na isama sa implementasyon ng Anti-Terror Law ang social media regulation. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang probisyon sa Anti-Terror Law na magagamit laban sa social media. “Unang-una po opinyon po iyan ni General Gapay. Dahil binasa ko naman po ang …
Read More »Masonry Layout
P15-B pondo ng Philhealth ibinulsa ng ‘mafioso’
AABOT sa P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang sinabing ‘ibinulsa’ ng mga miyembro ng ‘mafia’ sa loob ng state-run health insurer sa taong 2019, ayon sa dating anti-fraud officer na tinawag itong ‘crime of the year.’ Sinabi ni Atty. Thorrsson Montes Keith sa Senate hearing kahapon lahat umano ng miyembro ng executive committee ng PhilHealth ang …
Read More »Health workers walang libre at regular swab test
ITINANGGI ng Malacañang ang pahayag ng health workers na wala silang regular at libreng swab test kaya lomolobo ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang hanay. “Ang expanded testing for all health workers, napakatagal na pong ibinibigay iyan mula pa po noong buwan ng April, kahit kailan po pupuwede silang makakuha ng libreng PCR test at …
Read More »Mega web of corruption: Andanar apat na taon ‘paasa’ sa IBC-13 workers
ni ROSE NOVENARIO MAHIGIT apat na taon mula nang italaga bilang kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Martin Andanar, wala pa rin natupad sa kanyang mga pangako sa mga obrero ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13). Ito ang himutok ng mga kawani at retiradong empleyado ng state-run TV network. Bago pa opisyal na manungkulan si Andanar ay lumiham na …
Read More »2 Pinoy patay, 6 sugatan sa 2 pagsabog sa Beirut
DALAWANG Filipino ang iniulat na namatay at anim ang sugatan sa dalawang magkasunod at malalakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon, kahapon, kompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Per latest report from the Philippine Embassy, 2 Filipinos have been reported killed and 6 injured. All were in their employers homes during the explosion,” pahayag sa mga mamamahayag ni Foreign Affairs …
Read More »Actuarial life ng Philhealth 1 taon na lang
MULA sa mahigit 10 taon ay isang taon na lamang ang actuarial life ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito ang inamin ni PhilHealth Senior Vice President for Data Protection Office Nerissa Santiago sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole kahapon. Ayon kay Santiago, posibleng hindi na sila makapagbigay ng benepisyo sa mga miyembro nito sa 2022. …
Read More »9,569 Pinoys abroad tinamaan ng COVID-19
PUMALO na sa 9,569 kabuuang bilang ng mga Pinoy abroad ang kompirmadong nagpositibo sa COVID-19 mula sa 71 bansa at rehiyon. Ito’y matapos madagdagan ng 13 overseas Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa Asia Pacific Region. Ayon sa DFA sa nasabing bilang, 3,326 ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang mga ospital. Nanatili sa 5,572 …
Read More »DFA consular offices sarado sa MECQ areas
SUSPENDIDO pansamantala ang operasyon ng Consular Affairs Office sa Aseana, Parañaque City at ilang consular offices sa Metro Manila. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)ang nasabing suspensiyon ay alinsunod sa mga alituntunin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Suspendido rin ang operasyon ng Consular Offices sa Malolos, Dasmariñas, Laguna, at Antipolo simula bukas 4 Agosto hanggang 18 …
Read More »2 labandera timbog sa P3.4-M shabu (Sumasadlayn bilang tulak )
MAHIGIT sa P3 milyon halaga ng shabu ang nakuha sa dalawang labanderang sumasadlayn bilang tulak at kapwa big time sa ilegal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na sina Mary Jane Malabanan, 49 …
Read More »Mommy pinagbantaang papatayin ng adik na anak
LABAG man sa kalooban, napilitan ang isang ginang na tuluyang ireklamo ang kanyang 30-anyos anak na hinihinalang lulong sa shabu matapos siyang tutukan ng patalim at pagbantaang papatayin nang hindi niya bigyan ng pera nitong Sabado ng gabi sa Malate, Maynila. Kinilala ang suspek na si Jerden Villafuerte, residente sa Fidel Reyes St., Malate. Ayon sa ulat, 8:00 pm nang …
Read More »Quarantine passes muling inilarga sa MECQ areas
INIHAYAG ni Department of Interior ang Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kailangan muli ng ‘quarantine passes’ ng mga residente sa mga lugar na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ). Ayon kay Año, vice chairperson ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, napag-usapan na nila ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang paggamit muli ng …
Read More »Metro Manila courts sarado nang 2 linggo
INATASAN na ang mga korte sa Metro Manila courts na magsara hanggang sa susunod na linggo. Sa nilagdaan na Administrative Circular ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, iniuots niyang isara mula 3 Agosto hanggang 14 Agosto 2020. Sakop nito ang mga korte sa ilalim ng National Capital Judicial Region at mga nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine …
Read More »PLM isinailalim sa 14-day lockdown
INAPROBAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang hirit ng pamunuan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na isailalim sa 14-araw quarantine ang lahat ng kanilang kawani dahil sa patuloy na paglobo ng kompirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing unibersidad. Aprobado rin ni Domagoso na isailalim sa lockdown ang buong kampus kasabay ng isasagawang quarantine …
Read More »Bentahan ng alak puwede kahit MECQ, tsismisan bawal ( ‘Wag lang uminom sa kalye)
IPINAGBABAWAL ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pag-inom sa kalsada makaraang payagan ang bentahan ng alak sa Maynila kahit nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at ‘tsismisan’ sa komunidad o opisina upang makontrol ang pagtalsik ng ‘laway’ na maaaring pagmulan ng pagkalat ng coronavirus o COVID-19. Sa pahayag ng alkalde, nabatid na patuloy ang pagpapatupad ng kasalukuyang …
Read More »Sundalo prayoridad sa Covid-19 vaccine (Hindi health workers)
MAS prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin na malakas at malusog ang mga sundalo kaya una silang pababakunahan kontra COVID-19 nang libre kaysa health workers na “frontliners” sa gera laban sa pandemya. Iniangkla ni Pangulong Duterte sa counter-insurgency campaign ng kanyang administrasyon ang malasakit sa mga sundalo para unang makinabang sa libreng anti-COVID-19 vaccine para makipagsagupaan sa New People’s …
Read More »Duterte na-LSS sa revo song (Kaya nagalit sa health workers)
MISTULANG nakaranas ng last song syndrome (LSS) si Pangulong Rodrigo Duterte sa protest song na “Di Niyo Ba Naririnig” kaya hinamon niya ang healthworkers na maglunsad ng rebolusyon laban sa kanyang administrasyon. Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kahapon. “Meron po kasi parang kumakalat na kanta ng rebolusyon na pinangungunahan po ng mga kritiko ng gobyerno. So, ‘yun …
Read More »Mega web of corruption: ‘Little President’ et al sa IBC-13 isinumbong sa Palasyo
ni ROSE NOVENARIO ISINUMBONG ng mga obrero ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ang mga katiwaliang nagaganap sa state-run television network na umano’y pinangungunahan ng tatlong matataas na opisyal ng management sa Palasyo. Halos isang taon na ang nakalipas o noong 19 Agosto 2019, nagpadala ng liham si IBC Employees Union (IBCEU) president Alberto Liboon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner …
Read More »ERC ‘ginoyo’ sa manipulasyon ng power utility
BINUWELTAHAN ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp., (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) at inakusahan ng pagmamanipula ng mga numero sa insidente ng naranasang power outrages sa Iloilo City para palabasin sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkukulang at hindi karapat-dapat bilang power supplier ng Iloilo City. Ayon sa More Power malinaw na paninira at …
Read More »Kaban ng bayan nasimot ayuda ubos na (Sa bagong Modified ECQ)
SAID na ang kaban ng bayan kaya’t wala nang kakayahan ang administrasyong Duterte na magbigay ng ayudang pinansiyal at pagkain sa mga mamamayan. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi na kaya hindi na niya maaaring isailalim sa enhanced community lockdown (ECQ) ang Metro Manila, ayon sa apela ng health workers, ay bunsod ng kapos na kakayahan ng gobyerno …
Read More »Alternative work arrangement sa LGU offices ikinasa ni Isko (Ngayong Modified ECQ)
INATASAN ni ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng departmento at tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ipatupad ang ‘alternative work arrangement’ ngayong panahon ng panibagong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod. Inilinaw ni Mayor Isko, kahit nasa MECQ dapat siguruhin ng lokal na pamahalaan na magpatuloy ang operasyon at pagkakaloob nila ng mga pangunahing …
Read More »Matinding korupsiyon sa LGUs pahirap sa Telcos
NAPAG-ALAMAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang matinding kuropsiyon at red tape sa mga LGU o lokal na pamahalaan ang sanhi ng mabagal na pagpapabuti at reporma sa serbisyo ng mga telco sa bansa. “It’s really corruption,” pahayag ng pangulo sa pakikipag-usap sa presidente at chief executive officer ng Globe na si Ernest Cu. Nangyari ang pag-uusap matapos magbanta si …
Read More »18 pulis, sibilyan tinamaan ng COVID-19 (Camp Olivas naka-lockdown)
KASALUKUYANG isinailalim sa lockdown ang Camp Olivas sa lalawigan ng Pampanga matapos makompirmang positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 18 pulis na pawang nakatalaga sa PRO3 (Police Regional Office) sa loob ng kampo, at isang sibilyan sa isinagawang swab test nitong Huwebes, 30 Hulyo. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, karamihan sa kanila ay asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine upang …
Read More »Ambulansiya inambus nurse, driver kritikal (Sa Palawan)
BINAWIAN ng buhay ang isang nars habang sugatan ang isa pa nang tambangan ng hindi kilalang mga salarin ang isang ambulansiyang may sakay na mga volunteer medical rescuer patungong bayan ng Roxas, sa lalawigan ng Palawan, noong Sabado ng hapon, 1 Agosto. Kinilala ni P/Lt. Col. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police, ang namatay na nars na si Aljerome …
Read More »Siquijor nagtala ng unang kaso mula sa 2 LSI (Pitong buwan COVID free)
NAGTALA ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang lalawigan ng Siquijor mula sa dalawang locally stranded individuals (LSIs) mula Metro Manila, na umuwi sa probinsiya kamakailan at kasalukuyang nasa quarantine facility. Sa loob ng pitong buwan, nanatiling COVID-19 free ang lalawigan dahil sa mahigpit nitong implementasyon ng health at safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging …
Read More »Dagdag na pondo para sa COVID-19 vaccine, isinusulong ni Sen. Go
ISUSULONG ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagkakaroon ng karagdagang pondo para sa pagbili ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang mas maraming mamamayan ang mapagkalooban nito. Ayon kay Go, karagdagan ito sa P20 bilyon na una nang inilaan ng Department of Finance (DOF) para makabili ng bakuna para sa 20 milyong indibidwal. “In addition to the …
Read More »