MODERNA Covid-19 vaccines NAIA China Airlines flight CI701

.1-M vaccines darating sa bansa

HIGIT 100,000 CoVid-19 vaccines na binili ng gobyerno ang nakatakdang dumating sa bansa .

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng Media Affairs Division, kabuuang 150,540 dosis ng MODERNA vaccines ang dumating sa NAIA lulan ng China Airlines flight CI701, lalapag dakong 11:00 am sa NAIA Terminal 1.

Sa Lunes, 10 Enero, higit 2,000,000 milyong dosis ng Pfizer vaccines ang nakatakdang dumating sakay ng Emirates Airline flight EK332 na lalapag dakong 4:00 pm sa NAIA Terminal 3.

Umabot sa kabuuang 2,703,870 ang dosis ng mga bakuna ng Pfizer, bilang bahagi ng donasyon ng US government sa Filipinas.