Friday , May 27 2022
Vince Rillon Christine Bermas Ayanna Misola Rob Guinto Siklo

Vince Rillon tiniyak, viewers ng Siklo mag-iinit at gaganahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAS na today, Jan. 7 ang unang Vivamax Original movie ng 2022, titled Siklo. Ito ay isang sexy-action-thriller na pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas.

Si Vince ay gumaganap dito bilang isang delivery rider na mahuhulog sa ipinagbabawal na pag-ibig sa isa sa kanyang mga customer, si Samara (Christine).

Si Samara ay kabit ni Pastor Boy (Joko Diaz), na isang lider ng religious group na mandarambong at ginagamit ang mga mananampalataya upang lokohin at kuhaan ng pera. Matutuklasan ni Pastor Boy ang namamagitan kina Ringo at Samara at susubukan niyang sirain ang mga buhay nito sa pagdawit ng pangalan ni Ringo sa kanyang mga ilegal na transaksiyon, at sa pananakit nito kay Samara.

Sasakay sina Ringo at Samara sa motor at tatakas upang subukang magsimula ulit ng bagong buhay, lingid sa kaalaman nila ay natangay pala nila ang mga perang ninakaw ni Pastor Boy mula sa relihiyon nito. Tutugisin at hahanapin ang magkasintahan at mas manganganib pa ang kanilang buhay dahil kay Amang Pablo, ama ni Pastor Boy at ang pinaka-lider ng kanilang pekeng relihiyon.

Ang pelikulang ito ang unang lead role nina Vince at Christine para sa Vivamax, at pinatunayan nilang dalawa na may ibubuga sila pagdating sa pag-arte para sa mga intense at maaksiyon na eksena.

Kanino siya sumabak sa mga daring love scene sa movie?

Esplika ni Vince, “May love scene po ako rito kina Christine at Ayanna… iyong kay Christine po ang pinaka-daring na love scene ko rito.”

Paano niya ide-describe ang mga ginawang sexy scene sa Siklo?

Tugon ng aktor, “Masasabi ko lang po, iba po siya… so, tingnan na lang po nila ang kinalabasan ng mga ginawa namin sa movie at opening na ngayong Friday.”

Ano sa palagay niya ang mararamdaman ng viewers sa mga nakakikiliting love scene niya rito kina Christine at Ayanna?

Nakangiting pahayag ni Vince, “Sigurado pong mag-iinit at gaganahan ang mga manonood nito sa makikita nila sa movie, lalo na iyong mga lalaki. Kasi, malalakas ang loob ng mga partner ko rito… sobrang lakas, palaban kung palaban sila sa daring scenes.”

Siguradong mas makikita pa ang husay nina Vince at Christine sa pag-arte sa pagbida nila sa iba pang Vivamax Original Movies at mga pelikula mula sa mga award-winning directors.

Una nang nagkasama sa isang BL (Boys’ Love) movie sina Vince at Christine. Ito ay sa direction ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza at pinagbibidahan din ni Paolo Gumabao – ang Sisid ay malapit na rin ipalabas sa Vivamax.

Magpapasiklab din sa pelikula si Ayanna Misola, fresh sa success ng Pornstar 2 at artist-vlogger na si Rob Guinto. Tampok din dito sina Alma Moreno, Joonee Gamboa, Andrew Muhlach, Quinn Carillo, Lara Morena, at iba pa.

Mula sa Viva Films, ang Siklo ay pelikula ni Roman Perez Jr., direktor ng ibang pang kilala at trending na mga Vivamax Original Movies na Taya at The Housemaid. Siya rin ang direktor ng 2019 erotic thriller movie na Adan.

Ituloy ang pag-celebrate ng Bagong Taon at kumapit nang mahigpit at sumama na sa kakaibang biyahe ng Siklo, na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Mag-subscribe sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.

Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

Mapapanood rin ang Siklo sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.

Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …