KAPWA tinuran nina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo Lacson at Senator Franklin Drilon na pagkukunwari na CoVid-19 responsive ang 2021 national budget dahil kung hihimayin ay sasabog ang P28.35 bilyong ‘singit’ o insertions na ginawa ng House of Representatives para sa kanilang favorite projects na ipinaloob sa infrastructure budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang P2.5 …
Read More »Masonry Layout
Quezon solon suki ng plunder case sa Ombudsman
TILA nagiging suki na ng Ombudsman si dating Quezon governor at ngayo’y 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez dahil kahapon ay isinampa ang ikatlong kasong plunder o pandarambong laban sa kanya sa loob lamang ng mahigit isang buwan. Batay sa 35-pahinang reklamo na inihain ng mga residente ng lalawigan ng Quezon na sina Leonito Batugon, Antonio Almoneda, Marie Benusa, at …
Read More »2 todas, 5 arestado (Sa buy bust ops sa Nueva Ecija)
PATAY ang dalawa habang lima ang nadakip sa magkahiwalay na anti-narcotics operation sa lalawigan ng Nueva Ecija nitong hanggang nitong Sabado, 12 Disyembre. Ayon kay Central Luzon PNP Director Valeriano “Val” De Leon, nanlaban ang dalawang suspek na kinilalang si alyas Visaya at isang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan, sa ikinasang entrapment operation ng San Isidro drug enforcement unit sa pamumuno …
Read More »4 kelot tiklo sa tupada
ARESTADO ng mga awtoridad ang apat na lalaki kabilang ang isang senior citizen at security officer sa pagtutupada sa Taguig City, nitong Sabado. Kinilala ang mga suspek na sina Archie Gonzales, 32, may asawa, security guard, ng Block 42, Lot 11, Barangay Pinagsama, Taguig City; Benjamin Reyes, Jr., 47, may kinakasama, Block 3, Lot 8, SSB, Barangay Western Bicutan; Tiago …
Read More »Rider sinita sa lisensiya kalaboso sa shabu
KALABOSO ang 27-anyos motorcycle rider nang hanapan ng driver’s license pero naging aligaga sa pagkilos kaya kinapkapan ng mga tauhan ng Station-9 ng Taguig City Police at nabuko ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000, sa Bicutan, Taguig City, iniulat kahapon. Kinilala ang suspek na si Tonton Mama, ng Building 6, Room 307, Condo, Maharlika Village, Taguig City. …
Read More »NLEX cash lanes target ibalik ngayong araw (Sa pagpapahinto ng Bulacan LGUs sa RFID)
TARGET nang ibalik ng North Luzon Expressway Corp. (NLEX) ang mga cash lane ngayong Lunes, 14 Disyembre. Ayon kay Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), Chief Communications Officer Romulo Quimbo, bubuksan na nila ngayong araw ang cash lanes sa mga toll gate. Dagdag ni Quimbo, tugon ang hakbang na ito sa kabi-kabilang reklamo dahil sa mga aberyang nararanasan ng mga motorista …
Read More »‘Taglibog’ na obrero muntik paglamayan
SUGATAN ang isang factory worker matapos pagsasaksakin ng ama ng babaeng kanyang pinadadalhan ng malalaswa at mahahalay na pananalita sa pamamagitan ng messenger sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Muntik nang paglamayan ang ‘malibog na mensahero’ na kinilalang si Alexander Marcial, 40 anyos, residente sa Samonte Apartment, Barangay Bagbaguin na agad nadala sa Valenzuela Medical Center (VMC) sanhi ng mga …
Read More »4 tulak, 2 wanted persons, 6 law violators, timbog ng Bulacan police
NADAKIP ng mga awtoridad ang apat na drug peddler, dalawang wanted persons at anim na law violators sa ikinasang anti-crime operations ng pulis-Bulacan hanggang Linggo ng madaling araw, 13 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na drug suspects sa iba’t ibang buy bust operations na isinagawa …
Read More »PH kailangan ng batas laban sa kahirapan at gutom
NANAWAGAN ang National Food Coalition (NFC) sa pamahalaan na magpasa ng batas na magsisiguro para labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa. Sinabi ni Aurea Miclat-Teves, presidente at convenor ng National Food Coalition (NFC) , isang non-government group, nais nilang tumulong sa mga lider ng bansa para sa pagsusulong ng mga tamang polisiya para malabanan ang kahirapan at at kagutuman …
Read More »‘Leftist Duterte’ pakulo lang Palasyo todo-iwas
ni ROSE NOVENARIO HINDI direktang sinagot ng Palasyo ang isyu na pakulo lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag dati na siya’y leftist. Imbes tumugon sa tanong ng media kung gimik lang ni Duterte ang pagiging maka-kaliwa bago at matapos ang 2016 presidential elections, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na napundi ang Pangulo sa mahabang panahon na isinusulong ng …
Read More »Velasco ‘cheap’ (‘Deputy speakership’ pabuyang singko-mamera ng PH — MECO)
GINAWANG ‘cheap’ ni House Speaker Lord Allan Velasco ang posisyong Deputy Speaker ng House of Representatives na singkong mamera na lang na maituturing nang gawin itong ‘pabuya’ sa mga kaalyadong kongresista na sumuporta sa kanya sa nangyaring Speakership row sa pagitan nila ni dating House Speaker Lord Allan Velasco. Sa kanyang column sa pahayagang Manila Standard sinabi ni Manila Economic …
Read More »Batas laban sa hirap at gutom kailangan ng Pinas
Nanawagan ang National Food Coalition (NFC) sa pamahalaan na magpasa ng batas na magsisigurong labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa. Sinabi ni Aurea Miclat-Teves, pangulo at convenor ng National Food Coalition (NFC) , isang non-government group, nais nilang tumulong sa mga lider ng bansa para sa pagsusulong ng mga tamang polisiya para malabanan ang kahirapan at at kagutuman sa …
Read More »New franchise sa ABS-CBN hindi gano’n kadali (Atienza tinabla ni Marcoleta)
TALIWAS sa pagtitiyak ni House Deputy Speaker Lito Atienza na sa 2021 ay posible nang makakuha ng panibagong legislative franchise ang ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, hindi para kay SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta na aniya’y daraan pa rin sa butas ng karayom. Ayon kay Marcoleta, isa sa pangunahing tumutol sa pagkakaloob ng prankisa …
Read More »DFO dapat iprayoridad sa senado (OFW leaders iginiit)
HINIMOK ng ilang lider ng mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) ang mga komite ng Labor and Employment, Foreign Relations, and Finance sa Senado na ituloy ang deliberasyon ng mga nakabinbin na panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang Department of Filipinos Overseas (DFO). Idiniin ilang matagal na dapat may iisang ahensiyang magbibigay ng komprehensibong tugon sa mga isyung …
Read More »DPWH Exec inabsuwelto ng Sandiganbayan sa kasong graft
INABSUWELTO ng Sandiganbayan ang Director III ng Legal Services ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Atty. Oscar Dominguez Abundo sa kasong graft. Batay sa desisyong inilabas ni Sandiganbayan Sixth Division Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang noong 4 Disyembre 2020, nakasaad na bigo ang prosecution na patunayan na nagkaroon ng pagpabor si Abundo sa pagpapalabas ng pondo para …
Read More »Makabayan solon tiwalang hindi sila paiimbestigahan sa Kamara ni Velasco
KOMPIYANSA si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig at hindi bibigay sa pressure si House Speaker Lord Allan Velasco mula sa mga anti-communist group na nanawagan na imbestigahan ng House of Representatives ang Makabayan Bloc hinggil sa kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA). Ayon kay Gaite tiwala silang manatili ang “good judgement” ni …
Read More »Makabayan solon tiwalang hindi sila paiimbestigahan sa Kamara ni Velasco
KOMPIYANSA si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig at hindi bibigay sa pressure si House Speaker Lord Allan Velasco mula sa mga anti-communist group na nanawagan na imbestigahan ng House of Representatives ang Makabayan Bloc hinggil sa kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA). Ayon kay Gaite tiwala silang manatili ang “good judgement” ni …
Read More »P.2-M droga nasamsam sa motorista (Walang helmet na-checkpoint)
WALANG suot na helmet, tuluyang napahamak ang 28-anyos na motorista na nasita sa checkpoint at nakuhaan ng P210,000 halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Pasig, nitong Miyerkoles, 9 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Moises Villaceran, Jr., hepe ng Pasig police, ang nadakip na suspek na si Jayson Soriano, 28 anyos, nakatira sa Dr. Sixto Antonio Ave., Barangay Maybunga, sa nabanggit …
Read More »DA, mga katutubo sa Morong, Bataan pumirma ng kasunduan
LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Kanawan Magbukon Aeta Community sa bayan ng Morong, sa lalawigan ng Bataan nitong 5 Disyembre na may layuning paunlarin ang bahagi ng kanilang ancestral land upang pasiglahin ang agrikultura. Nilagdaan ang kasunduan nina Agriculture Secretary William Dar; at Chieftain Belinda Restum, at Vice Chieftain Joseph Salonga, kapwa kinatawan ng Kanawan Magbukun …
Read More »Pasistang diktador pangarap ni Digong (Peace talks kaya ibinasura )
PINATAY ang peace talks dahil traidor at gustong maging pasistang diktador ni Duterte. Ito ang ipinahayag ni Jose Maria Sison kaugnay ng pahayag ni Pagulong Rodrigo Duterte sa peace talks. Ani Joma, pinatay ni Duterte ang peace negotiations dahil siya’y traidor na sumusunod sa dikta ni US President Donald Trump at ambisyong maging pasistang diktador. “He has killed the peace …
Read More »Impeachment ni Leonen daraan sa proseso – solons (Not just a numbers game)
GAYA ng dapat sundin, daraan sa normal na proseso, alinsunod sa Saligang Batas ang impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, hinihintay lamang ng House Committee on Justice ang pormal na referral mula sa opisina ng speaker. “Once it is received by the committee by referral, there will be …
Read More »Babala ng Kamara: Toll operators puwedeng bawian ng konsesyon
MAAARING bawiin ng Kamara ang konsesyon ng dalawang operators ng North Luzon Expressway at ng South Luzon Expressway kung hindi maaayos ang problema sa RFID na nagdulot ng pahirap sa mga maglalakbay patungong hilaga at kanlurang bahagi ng bansa. Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang pinuno ng House committee on transportation, ang gobyerno ay maaaring mag-takeover sa pagpapatakbo …
Read More »P4.5T 2021 nat’l budget ratipikado sa senado
NIRATIPIKAHAN ng Senado ang panukalang P4.5 trilyong national budget para sa taong 2021. Ito ay matapos magkasundo ang bicameral conference committee na kinatawan ng mga mambabatas mula sa Senado at sa Kamara. Ang bicameral conference committee ang nag-ayos ng gusot o sa magkaibang bersiyon ng 2021 proposed national budget ng Senado at Mababang Kapulungan. Unang niratipikahan ng Mababang Kapulungan ng …
Read More »Fake news sa TikTok inalmahan ng solon
INIREKLAMO ng isang lady solon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakalat ng isang malisyosong video na inilathala sa popular social media platform na TikTok para sirain ang kanyang reputasyon. Nagtungo kamakalawa si Quezon 4th District Rep. Dr. Angelina “Helen” Tan sa NBI Lucena District Office para paimbestigahan ang pagpapalaganap ng malisyosong video ng social media account @sovereignph sa …
Read More »29 deputy speakers ‘scandal’ sa house – Pol analyst
ITINUTURING ng isang political analyst na ‘scandal’ ang nangyayari ngayon sa House of Representatives na mayroong 29 deputy speakers. Ayon sa batikang political analyst na si Ramon “Mon” Casiple hindi kailangan ng ganoon karaming deputy speaker (DS) ng Mababang Kapulungan dahil wala namang naipakikitang nagagawa, sa halip, habang dumarami ang itinatalagang deputy speakers ay lalong lumalaki ang gastos. Malinaw umano …
Read More »