Wednesday , July 6 2022
Klinton Start Aspire Global Magazine Ayen Castillo Jomari Yllana Abby Viduya

Aspire Global Magazine magarbo ang launching, Klinton Start swak na cover boy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG magarbong event ang nasaksihan namin sa ginanap na grand launching ng Aspire Magazine Philippines. Ito’y pinangunahan ni Aspire Magazine Philippines & Global CEO & president, Ayen Castillo.

Kasama rin dito sina Ann Malig Dizon ( PH consultant and US consultant); Liana Gonzales (CEO of House of Mode Elle); Haye Start, Lyn de Leon, Laiza Hortalezo (consultants); Tom Simbulan (PH director); Franz Johnson Garcia (EIC, Aspire PH); Jolie Navia (COO, Aspire PH); Russel Navia (HMUA Aspire); Klinton Start (Aspire Magazine Ph Cover, King of Aspire Adults); Ysabella Alberto (USA Ambassadress, Queen of Aspire Adults); Princess Lia (Aspire host, Queen of Aspire Teens, Aspire World Ambassador); Rajan Paguio, Jeremy Peter, Gelo Miclat (Aspire Tech Grp, Aspire Royalties); Elizabeth Sarzosa, Samantha Domingo, Anastasia Mitchell, Hannah Navales Althea Tordil, John Joshua Lopez (Aspire Jr. staff).

Cover ng Aspire Magazine Philippines ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start. Suot niya ang nilikha ng yumaong international designer na si Rocky Gathercole at ni Jorick Limpag.

Agree kami na well-deserved ito para kay Klinton bilang role model siyang matatawag para sa mga kabataan. Masaya kami para sa mabait na bagets dahil bukod dito ay patuloy na gumaganda ang kanyang showbiz career sa pagiging bahagi niya ng seryeng The Broken Marriage Vow.

Kakaiba ang Aspire Magazine Philippines dahil sa kapal at bigat nito na mayroong 604 pahina.

Matagumpay ang nasabing event na nagsimula sa pagrampa ng ilang kids, teen models, at awardees sa pangunguna ni Parañaque District 1 Councilor Jomari Yllana at veteran actress na si Abby Viduya.

Dito’y makikita ang mga binigyan ng break sa modelling, entertainment business at pageant. Kinilala ang mga hair and make-up artists, photographers at designers. Binigyan ng parangal ang mga inspiring personalities, world ambassadors, young inspiring at PH ambassadors at kinoronahan ang Aspire royalties.

About Nonie Nicasio

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …