Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Highlander tiklo sa P1.1-M ‘damo’ sa Pampanga

HINDI inakala ng suspek na ang kanyang dating suki sa pagbebenta ng ‘damo’ ang maghuhudas sa kanya kaya huli na nang malamang bitag ang pinasok na kanyang ikinaaresto at nakuhaan ng P1.1-milyong halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang anti-narcotics operation ng Minalin Police Station sa pamumuno ni P/Capt. Mark Anjo Ubaub bilang lead unit, kaantabay ang PDEU-PIU …

Read More »

Mayor, DepEd usec, kinasuhan ng graft sa Ombudsman (Sa P320-M pagbili ng tablets)

ombudsman

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, dalawang opisyal ng lungsod, at ang Undersecretary ng Department of Education (DEPED) kaugnay ng umano’y maeskandalong pagbili ng dispalinghadong tablets para sa online class ng mga estudyante na nagkakahalaga ng P320 milyones.   Umabot sa 13-pahina ang reklamong inihain sa Ombudsman nina City Councilors …

Read More »

Ex-solon Andaya nakaligtas sa ambush

NAKALIGTAS si dating Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya sa tangkang pamamaslang sa Brgy. Palestina, Bayan ng Pili, sa lalawigan ng Camarines Sur, nitong Martes ng umaga, 1 Hunyo.   Ayon sa tagapagsalita ng PRO-5 PNP na si P/Maj. Malu Calubaquib, sakay si Andaya ng Toyota Land Cruiser nang paulanan ng bala ng mga suspek na sakay ng motorsiklo …

Read More »

Face shield ayaw ni Isko sa Maynila

NAIS IPAGBAWAL ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Maynila ang pagsusuot ng face shield sa gitna ng pandemyang dulot ng CoVid-19.   Ayon kay Mayor Isko, gagawin lamang niya ito kapag nabakunahan na ang mayorya ng mga Filipino at naabot na ang herd immunity.   Sa ngayon, wala pa naman aniyang pangangailangan para ipagbawal ang pagsusuot ng face …

Read More »

Mas mataas na pensiyon para sa senior citizens aprobado sa Kamara

Helping Hand senior citizen

INAPROBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagdinig ang panukalang batas na itaas ang buwanang pensiyon ng senior citizens.   Mula sa kasalukuyang P500 gagawing P1000 ang pensiyon ng seniors.   Layunin ng House Bill 9459 na amyendahan ang Republic Act 7432, na nagbibigay benepisyo sa senior citizens.   Bukod sa pagtaas ng pensiyon, layunin din ng panukala na bigyan ng mandato …

Read More »

MECQ hazard pay sa gov’t workers aprub kay Duterte

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na physically ay nagrereport sa kanilang mga trabaho sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) period mula 12 Abril hanggang 14 Mayo o 31 May.   Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, inamyendahan ni Duterte ang AO 26 na nagbibigay ng hazard pay sa …

Read More »

DOE ‘mananagot’ sa brownouts sa 2022 elections (Power suppliers kapag hindi kinastigo)

  ni ROSE NOVENARIO   INAMIN ng Department of Energy (DOE) na puwedeng maranasan muli sa bansa ang rotational brownout sa araw ng halalan sa susunod na taon, 9 Mayo 2022, kapag hindi kinastigo ng pamahalaan ang power suppliers na lumalabag sa patakaran ng kagawaran.   “Tinitingnan din natin from the Department of Justice kung ano ang nangyayari na puwede …

Read More »

Ginang binaril sa leeg ng kapitbahay na pulis-kyusi

gun QC

KAHINDIK-HINDIK ang kamatayan ng isang ginang na binaril sa leeg nang malapitang ng isang pulis na dati umanong nakasuntukan ng kanyang anak sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi.   Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Antonio Yarra, ang napatay ay kinilalang si Lilibeth Valdez, 52 anyos, residente sa Sitio Ruby, Brgy. Greater …

Read More »

Tiyuhin nagparaos sa dalagitang pamangkin, kalaboso

harassed hold hand rape

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa kanyang dalagitang pamangkin sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo.   Sa ulat mula sa Obando Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si Ricky Mendoza, 44 anyos, residente sa Brgy. Panghulo, sa nabanggit na bayan.   Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang suspek matapos …

Read More »

4 Timbog sa P1.39-M shabu, 4 law violators arestado

KOMPISKADO ang tinatayang P1,394,000 halaga ng hinihinalang shabu na may timbang na 205 gramo habang arestado ang walong suspek na pawang may paglabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo.   Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasasamsam ang 14 piraso ng selyadong plastic sachets …

Read More »

Barangay officials ‘di puwedeng lumahok sa partisan politics (Kaugnay sa kumalat na sulat sa Bulacan)

PINAALAHANAN ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang mga opisyal ng mga barangay na hindi sila maaaring pumasok sa partisan politics.   Ginawa ito ni Drilon nang kumalat sa social media ang sinasabing sulat ng isang barangay chairman sa mga residente ng Brgy. Pagala, sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan na nagtatanong kung susuportahan nila ang kandidatura ni Davao …

Read More »

Nominasyon kay Duterte ng PDP-Laban sa 2022, ‘di puwede balewalain (Bilang VP bet)

HINDI binabalewala at pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng ruling PDP-Laban na hinikayat siyang kumandidato bilang bise-presidente at binigyan ng kalayaang pumili ng kanyang running mate sa 2022 elections.   Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon pero itinanggi ang akusasyon ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., na may game plan si Pangulong Duterte …

Read More »

Konstitusyon ‘tsinutsubibo’ ng kampo ni Duterte (Poder hindi bibitiwan)

ni ROSE NOVENARIO   PARA sa political analyst na si Atty. Tony La Viña, walang malalabag na probisyon sa Saligang Batas sakaling kumandidatong bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.   Aniya, ginawa ito ng dalawang dating Pangulo ng bansa.   Unang nangyari ito, nang kumandidatong kongresista si Gloria Macapagal-Arroyo para sa May 2010 elections bilang papaalis na Punong …

Read More »

VFA extension wish ni Biden

UMAASA si US President Joe Biden na makahaharap nang personal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Nobyembre sa idaraos na ASEAN-US meeting sa Brunei.   Sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Filipinas at Amerika, sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel “Babe” Romualdez, umaasa ang Amerika na mapalalawig ang Visiting Forces Agreement (VFA).   “Sumulat na nga …

Read More »

Canadian national hindi pinasakay sa Korean Airlines (RT-PCT swab test result expired)

SA LABIS na desperasyon, isang dayuhang Canadian national ang nagwala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) departure area ng NAIA Terminal 1, iniulat kahapon.   Nagalit umano ang dayuhan na kinilalang si Jim Robert, Canadian national nang hindi siya payagan sa check-in counter ng Korean Airlines para sa kanyang connecting flight patungong Korea at Canada.   Pinagmumura umano ni Robert …

Read More »

GCQ sa NCR Plus pinalawig (Hanggang 15 Hunyo)

COVID-19 lockdown bubble

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, o NCR Plus, simula ngayon hanggang 15 Hunyo 2021.   Mananatili ang ilang restriksiyon sa NCR Plus na naglilimita sa kapasidad ng ilang industriya, batay sa kalatas ni Presidential Spokesman Harry …

Read More »

“Duterte don’t” sa tweet ng ‘Diyos’ (Sa planong ekstensiyon ng ambisyong politikal)

ni ROSE NOVENARIO   KUNG ang ruling PDP-Laban ay nagkumahog para magdaos ng council meeting para itulak si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 vice presidential bid, isang tweet lang ni ‘God’ ang naging tugon sa hirit na ‘divine intervention’ ng Punong Ehekutibo.   Nagpasa ng resolusyon ang PDP-Laban kahapon para kombinsihin ang party chairman na si Pangulong Duterte na tumakbong …

Read More »

50k plus PNP, BFP ikinalat sa national vaccine rollout

MAHIGIT 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang itinalaga ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national CoVid-19 vaccine rollout sa bansa.   Kasunod ito ng inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo sa 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 category.   Ayon kay Department of the Interior and Local …

Read More »

Sugo ng kapayapaan inuubos

Malacañan CPP NPA NDF

LALONG naging imposibleng buhayin ang peace talks sa panahon ng administrasyong Duterte dahil unti-unting ‘inuubos’ ang mga sugo ng kapayapaan o peace consultants mula sa komunistang grupo.   Pinagbabaril sa mukha at katawan hanggang mapatay kamakalawa habang nagpapahinga sa duyan ang 80-anyos na si Rustico Tan, dating pari at dating peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) …

Read More »

21-anyos Rider nagulungan ng trak todas

road accident

HINDI nakaligtas ang isang 21-anyos na rider nang magulungan ng isang truck na nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Patay agad ang bikti­mang kinilalang si Joseph Hilario, residente sa 1269 Bambang St., Tondo sanhi ng pinsala sa ulo at kata­wan. Habang ang driver ng Hino Truck, may plakang NAW-4677, kinilalang si Jumar Mariñas, 45 …

Read More »

Kapitbahay ‘trip’ patayin, kelot tiklo 2 pang law breaker timbog

ARESTADO ang isang lalaking itinurong pumatay sa kanyang kapitbahay, pati ang dalawa pang suspek na may paglabag sa batas sa magkaka­hiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 30 Mayo. Batay sa ulat na ipina­dala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek sa pama­mas­lang ng kanyang kapit­bahay na si Manuel …

Read More »

Modern jeepneys tigil pasada sa Montalban

Motalban Rodriguez Rizal

MONTALBAN, Rizal – Walang ‘dating’ sa Rodriguez local government ang abiso ng Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) na nagpahintulot sa mga operator ng modern jeepney sa nasabing lokali­dad para sila ay pumasada. Ngunit inisyuhan ng tiket at ipana-impound ng Montalban Traffic Management Development Office (MTMDO) ang hindi bababa sa 20 pampasa­herong unit ng mga modernong jeppney na kasapi …

Read More »

Pulis patay sa baril ng kabaro (Naglaro sa inuman)

dead gun

PATAY ang isang bagitong pulis makaraang pumutok ang pinaglala­ruang baril ng kapwa pulis na kanyang kainu­man sa Barangay Commonwealth sa Quezon City nitong linggo ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director BGen. Antonio Yarra, kinilala ang biktima na si P/Cpl. Higinio Wayan, 31 anyos, nakatalaga sa Kamuning Police Station 10. Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente …

Read More »