Thursday , April 18 2024
FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang pagpapalawig ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) ng 20 araw simula 22 Setyembre 2022 sa inilabas nitong 72-hour temporary restraining order (TRO) na inisyu noong 19 Setyembre 2022.

Ipinahayag ni Senadora Cynthia Villar, pinalawig ang TRO  hanggang 9 Oktubre 2022  matapos makita ng korte na may sapat na basehan batay sa ebidensiyang inihain ng petitioners sa summary hearing noong 21 Septyembre 2022.

Habang epektibo ang TRO, itinakda ng korte ang mga pagdinig sa mga petsang 27, 28, 29 at 30 ng Setyembre 2022, para maghain ang mga partido ng kanilang ebidensiya upang mabatid ng korte kung kailangang magpalabas ng Writ of Preliminary injunction.

Nagsimula ang kontrobersiya noong 24 Hulyo 2022 matapos maglagay ng guwardiya ang bagong village administration sa Onelia Jose St. at hindi pinadaan ang Las Piñas resident-holders ng friendship stickers.

Ang Onelia Jose St., ang nagkokonekta sa Zapote River Drive patungong CAVITEX at Bacoor, Cavite  para sa mas maikling biyahe.

Nauna nang pinayagan ng Las Piñas local government unit (LGU) ang mga residente nito partikular ang mga holder ng friendship sticker, kaya maaaring dumaan sa mga subdibisyon na idineklarang ‘Friendship Route’ sa ilalim ng city ordinance.

Ang Friendship Route ay ginawa para makatulong na mabawasan ang trapiko sa  Alabang-Zapote Road at iba pang pangunahing lansangan sa siyudad, na may kaukulang parusa sa mga lalabag. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …