Tuesday , December 9 2025

Blog Layout

Pagmasaker sa mga pulis sa Maguindanao ‘isolated case?’

PUTANG ama naman…. “Isolated case” lang daw ang nangyaring pagmasaker ng armadong grupong MILF at BIFF sa mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Maguindanao. Kasi hindi raw nakipag-coordinate ang mga pulis sa MILF. Basta lang daw pumasok sa kanilang teritoryo. Sa ulat ng Inquirer kahapon, 64 na ang bilang ng mga napatay sa pagratrat ng mga …

Read More »

Hepe ng SAF-PNP sinibak

SINIBAK sa puwesto si PNP-Special Action Force (SAF) chief Director Getulio Napenas dahil sa madugong ‘misencounter’ ng mga pulis at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao. Mismong si PNP OIC chief Deputy Director General Leonardo Espina ang nagkompirma sa administrative relief kay Napenas habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry (BOI). Itinalaga ni …

Read More »

Pardon nangibabaw kaysa Konstitusyon at ibang mga batas

ANG pagtakbo raw ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada bilang alkalde sa Maynila noong 2013 ang sakop ng desisyon ng disqualification case noong nakaraang linggo, ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te. Ibang usapan daw ito, sabi ni Te, dahil hindi naman kasama sa ibinabang desisyon ng Supreme Court na maari pang makatakbo …

Read More »

Mahina ang intel ni Mison vs Korean Syndicate

Kung mayroon man daw dapat pagtuunan ng pansin o imbestigahan si Immigration Commissioner FRED MISON (kaysa pag-isipan ang maarte at maluhong  Christmas presentation) ay kaso ng sinasabing miyembro ng Korean syndicate na si CHOUNG HUN JUNG o mas kilala sa pangalang PATRICK JUNG. Si Choung Hun Jung o Patrick Jung ang sinasabing protector ng ilang Korean fugitives sa ating bansa. …

Read More »

Investigation vs Binay para sa kapakanan ng LGUs — Sen. Koko

NILINAW ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na gusto niyang isulong ang kanyang panukalang “Bigger Pie, Bigger Slice Bill” kaya ipagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-committee sa sinasabing overpricing ng Makati City Hall II Parking Building sa lungsod. “Ang pangunahing interes ko sa imbestigasyong ito ay lehislatibo dahil meron akong pending bill na ‘Bigger Pie, Bigger Slice Bill’ …

Read More »

Target imbitado sa Kongreso sa isyu ng ilegal na sugal sa Maynila

NAKAPAGTATAKA talaga na sa kabila ng official memorandum order ni NCRPO Director  Carmelo Valmoria na nag-uutos na hulihin ang lahat ng uri ng illegal gambling joints sa buong lungsod ng Maynila, tuloy pa rin ito at tila nadaragdagan pa ng bilang. Ang memo ni Director Valmoria  ay nag-ugat sa reklamong natanggap ni  Asec Bong Mangahas ng Department of Interior and …

Read More »

INC nagtayo ng 500 bahay, farm, factories para sa biktima ng Yolanda

ALANGALANG, Leyte – Noong Pebrero 15, 2014, nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa iba’t ibang bahagi ng mundo ng “walk for a cause” upang makaipon ng pondo para makapagpatayo ng mga bahay at makapagbigay ng livelihood sa mga biktima ng super typhoon Yolanda. Makaraan ang halos isang taon, natupad ang layuning ito. Sa Sitio New Era, …

Read More »

P123-M Grand Lotto ‘di pa rin tinamaan

WALA pang tumatama sa lucky number combinations para ibulsa ang mahigit P123 million na premyo sa Grand Lotto 6/55. Sa draw kamakalawa ng gabi, lumabas ang mga numerong 29-04-50-23-19-30 para sa 6/55 na may premyong P123,280,376. Samantala, ang Mega-lotto 6/45 ay nasa 25,647,920 ang grand prize at ang lucky number combination ay 37-08-44-38-33-20. Hindi rin ito tinamaan ng mga bettor.

Read More »

Facebook, Instagram users nabulabog sa service outage

NAKARANAS nang mahigit isang oras na service outage ang Facebook at Instagram users sa iba’t ibang panig ng mundo nitong Martes. Sa Filipinas, dakong 2 p.m. nang magsimula ang aberya sa serbisyo ng dalawang social media platform. Sa Facebook, hindi ma-access ng users ang kanilang account at mga salitang “Sorry, something went wrong” at “This webpage not available” lang ang …

Read More »

81-anyos lolo patay sa bundol ng PNR train

PATAY ang isang 81 anyos lolo nang mahagip ng PNR train sa Sta. Mesa, Maynila  kahapon  ng  umaga. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alberto Cadalo, residente ng Hipodromo Street, Sta. Mesa, Maynila  Ayon sa Sta. Mesa Police Station 8, dakong 10:30 a.m. tumatawid ang biktima sa riles nang mahagip ng tren ang isa niyang paa. Bunsod nito, siya …

Read More »