Sunday , May 19 2024

Bidding para sa SSS ID gustong i-drawing?

00 aksyon almarHANGGANG ngayon ba ay wala pa ang inyong matagal nang hinihintay na ID ng Social Security System (SSS)? Ilan linggo o buwan mo na rin ba ito hinihintay? Ilan beses ka na rin ba nagpabalik-balik sa SSS para alamin kung ano na ang nangyari sa ID mo? Ilan beses ka na ba pina-ngakuhan na ipadadala na lang sa Koreo pero wala naman dumarating?

Nakaiinis ano!? Pulos pangako!

Ano kaya ang dahilan nang sobrang pagkaantala ng SSS sa pagbibigay ng ID sa mga miyembro? Kilos pagong nga ba ang mga kawani ng SSS kaya naantala nang sobra-sobra ang pagbibigay ng ID?

Hindi naman mga suki at sa halip, ang dahilan pala ng sobrang pagkaantala ay talagang walang gumagawa ngayon ng ID para sa SSS.

Oo literal na walang gumagawa ng SSS ID!

Bakit, wala bang pondo? Ubos na ba? Napunta ba ang nakalaang pondo sa DAP ni PNoy? Hindi naman at sa halip, tapos na pala ang kontrata ng kompanya ng gumagawa ng ID sa SSS.

Hayun naman pala. Kailan pa natapos ito? Noong isang taon pa raw o halos tatlong buwan nang nakalilipas. So, ba’t hindi kumuha ng bagong kompanya ang SSS para naman hindi maantala ang lahat?

Kukuha na nga raw po ang SSS at magpapa-bidding na yata sila. Ganun ba? E ba’t hanggang ngayon ay wala pa yatang nananalong bidder samantala matagal nang natapos ang kontrata?

Well, actually gusto na nga raw ng concerned division office ng SSS (para sa ID) magpa-bidding na pero, may isang opisyal daw ng SSS ang nakikialam sa gagawing bidding.

Ha! Totoo ba ito? Anong klaseng pakikialam ang ginagawa ng damuhong opisyal. Inirerespetong opisyal daw ang pakialamero kaya lang sa ginagawa niya ay maraming nadesmaya sa kanya. Oo kung magsalita pa nga raw ang opis-yal (mataas na opisyal) ay suportado niya ang tuwid na daan ni PNoy.

Ganoon naman pala, e anong klaseng pa-kikialam nga ang ginagawa ng opisyal para sa biddin?

Well…well…well…, heto lang naman daw ang gustong mangyari ng opisyal na malapit sa kusina ng Palasyo. Ano nga!? Heto na nga e. Hindi naman siya engineer o architect o ‘di kaya graduate ng fine arts ngunit mahilig mag-drawing. Ha! Labo mo naman bro.

O heto na nga! Ang gustong mangyari ng pakialamerong opisyal ay i-drawing ang bidding. Ha! Anong i-drawing. ‘Di mo ba alam kung anong ibig sabihin ng drawing?! O sige, magikin ang bidding. Aba’y magikero pa ang opisyal ha.

Yes, ang nais mangyari ng isang mataas na opisyal ng SSS dahil nasita siya ng board o mga commissioner (ba) ng SSS, ay wala nang mangyaring bidding.

Naku ha, akala ko ba ay suportado ng pakialamerong opisyal ang tuwid na daan ni PNoy? Oo naman, kaya lang kapag kaharap lang niya ang pangulo pero pag nakatalikod na… well, ano pa nga ba!?

In short, mukhang may gustong ipasok na kompanya ang pakialamerong opisyal para…siyempre para magkaroon siya ng SOP – save our pocket.

Mabuti na lang at pumalag ang mga totoong concerned SSS officials, sa gustong mangyari ng pakialamerong opisyal.

Kaya heto, wala pa rin yatang kompanyang nakakuha ng kontrata.

Tsk…tsk…tsk…delikado ito baka malusutan kayong mga taga-bidding committee ng SSS. Maging vigilante po kayo.

Hay… buhay nga naman ano, ba’t may mga ganitong klaseng opisyal sa gobyerno na pulos pangsarili lang ang iniisip. Pero kapag mabuko naman at maisalang sa isang inquiry ay panay ang pagsisisi o denial kahit buko na.

O paano mga suki, alam ba ninyo kung bakit wala pa hanggang ngayon ang inyong SSS ID?

Ikaw naman pakialamerong opisyal ng SSS, hindi ka naman engineer, hindi ka rin naman architect o fine arts graduate at higit sa lahat hindi ka rin naman magikero. Tumahimik ka na lang diyan at huwag makialam baka… ikaw din, magsisisi sa huli. Huwag mong ipagmalaki na malapit ka sa kusina ng Palasyo.

Ituloy at asikasuhin na ang bidding para matapos na iyan!

***

Para sa inyong komento, reklamo at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *