Ano ang totoong nangyari kay Cavite VG Jolo Revilla?!

jolo revillaNAKALULUNGKOT naman itong nangyari kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, anak ni Senator Bong Revilla.

Mantakin ninyong naglinis lang daw ng baril ‘e pumutok at tinamaan pa siya sa dibdib?!

Wala ba siyang agimat gaya ni Daddy at ni Lolo?

Ayaw naman natin patusin ang unang statement ni Lolit Solis na masyado raw depressed si Jolo mula nang makulong ang kanyang tatay na Senador kaya baka umano nagbaril o nagtangkang magpakamatay ang tunay na Papa ni Maya.

Pero kung hindi naman sadyang nagbaril si Jolo, parang hindi naman natin maintindihan kung bakit nabaril rin niya ang sarili?!

Matagal nang humahawak ng baril si Jolo, at parang gusto natin isipin na kaburaraan ‘yung paglilinis ng baril na hindi man lang niya nainspeksiyon mabuti kung may naiwan pang bala.

At kapag naglilinis ba ng baril, kailangan bag iharap sa kanya ang bunganga ng baril?

Ano ba ang malalim na dahilan Jolo kung bakit naglinis ka ng baril na parang wala ka sa sa-rili?

Sana naman ay malampasan mo kung ano man ang mga pingdaraanan mo ngayon Jolo.

Hindi naman komo ‘napipitik’ natin paminsan-minsan ang erpat mo ‘e ganoon rin ang pagtingin natin sa iyo.

Bata ka pa, at kung magseseryoso ka sa politika nawa’y masumpungan mo kung ano ang tama.

Anyway, kasama ka sa prayers ko na maka-recover ka agad. Get well soon Vice Governor Jolo.