Sunday , August 7 2022

Matandang raket na “5-20” sa Customs kulturang lubos-lubos

00 Palipad hangin Arnold ataderoNOONG nakaraang linggo may natiklo na naman ang Customs Intel na mga contraband tulad ng mga walang kamatayan “ukay-ukay” smuggling na mistulang isa nang masterpiece ng mga smuggler. Nang dahil sa raket na “5-20” system marami nang lubos ang nagsiyaman, kasama na rito ang mga kurakot na taga- Bureau who went laughing all the way to the bank.

Sa tinagal-tagal na panahon, hindi magiba-giba ang “5-20” raket dahil sa matinding sabwatan ng mga taga-Bureau at mga smuggler. Sa hanay na lang ng mga smuggler ng ukay-ukay, may walong iba’t ibang grupo at isa na rito ang isang “family dynasty” na tatlong  henerasyon nang humahakot ng smuggled na misdeclare upang itago ang tunay na mga laman nito. General Merchandise ang declaration pero mga halos unused pang mga ukay-ukay pala.

Hindi kailanman makapapasok ang mga smuggled goods tulad ng ukay-ukay kung  walang  mga taga-Bureau na kumobra  ng malaking kickback sa mga importer. Ang isang halimbawa nito ay mga nagkalat na tila kabuteng nagsusulputan sa Metro at key cities ng bansa.

Hindi lamang ukay–ukay, sa Mindanao at ibang port sa Visaya ultimong mga bigas, asukal at  stainless steels na sobrang kamamahal naipupuslit din. Lubhang kulang ang mga makatao, makabansa at mga dedicated na Customs people na siyang nakabanta. Marahil nga yata bantay-salakay pa ang iba sa kanila. Sa nalalapit na election sa 2016 mas lalo pang darami ang smuggling activity.

Well, dito sa kickback na nagmumula halimbawa, mas malaki pa nga iyong “5-20” na sha-ring ng smuggled items. Ibig sabihin nito, five (5) percent goes to the customs coffer at iyong 20 percent ipupuslit at dito na rin huhugutin ang panghatag sa mga magkakasabwat na taga-Customs. Mas malala pa nga noong martial law at matapos ang martial law. Iyong mga hindi payag na limang (5) container ang ipahuhuli kunwari at iyong balance na 95 container ang ipupuslit.

Ganoon kagarapal.

Tapos tatawag na ang mga taga-press para photo ops at “praise release” sa huling token na mistulang palabas lang. As usual si Huwan Pasang Krus ang nagdurusa. Ito ang nabuko noong last week na mga produkto ng “5-20” system tiyak marami nang nakalusot na hindi alam ng matataas na official at ahensya. Halos lahat ng mga collector at  mas mataas na mga pinuno bagito sa trabaho.

Mismong si Presidente ang nagsabi noon na aabot sa P200-bilyon ang nawawala dahil sa smuggling. Ang 50 percent nito ay katumbas nang collection target.

Kaya Commissioner John Sevilla, dalian mo ang pagtatrabaho. Baka lumabas kayo ng Customs sa 2016 na nag-iisip kung paano kayo naisahan ng mga matsing sa Bureau at kanilang mga tagapagpakaing smuggler.

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Dragon Lady Amor Virata

Inabandonang anak may sustento na

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LAGOT ang mga tatay na umaabandona sa mga anak, …

Leave a Reply