Sunday , November 24 2024

Entertainment

Jane de Leon, minamalas

NAKAHIHINAYANG naman ang milyones na nagasta ng ABS-CBN sa paggawa ng Darna na gagampanan sana ni Jane de Leon. Inabutan na ito ng kamalasan at naging biktima ng pandemonic Covid. Walang puwedeng magtrabaho dahil sa protocol na bawal magtabi-tabi dahil magkakahawahan. Napakarami na ng naging problema ng muli sanang pagpapalabas ng Darna mula sa hindi pumwede si Liza Soberano hanggang sa ngayon. Talaga sigurong minamalas si Jane. SHOWBIG ni …

Read More »

Dingdong Dantes, wagi ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards

ISANG panibagong parangal ang nakuha ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos magwagi ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards. Ang recognition na ito ay para sa kanyang mahusay at natatanging pagganap bilang Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss sa local adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun ng Kapuso Network. Sa kanyang acceptance speech, inialay ni Dingdong ang parangal sa lahat ng frontliners …

Read More »

Korina’s new normal: sexy and open minded

BAHAGI na kaya ng new normal ni Korina Sanchez ang sumagot ng mga tanong tungkol sa sex life nila ng mister n’yang dating senador na si Mar Roxas? O magaling lang talagang mag-interbyu si Vice Ganda kaya naengganyong sumagot ang pamosong broadcaster-news magazine host na sagutin ang mga tanong ni Vice kahit tungkol sa sex life niya? Nag-guest si Korina kamakailan sa online talk show …

Read More »

Sine Sandaan, tuloy na tuloy

SALUDO kami sa sipag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño-Seguerra sa pagsusulong ng pelikulang Pilipino. At sa kakatapos na Zoom Presscon ay ipinahayag nito na hindi sagabal ang kinahaharap nating pandemya para hindi matuloy ang mga event para sa Sine Sandaan: The Next 100 dahil tuloy na tuloy ito. Ayon nga kay Chair Liza, “September marks the official closing of the 100 …

Read More »

Piolo Pascual, saludo sa Beautederm

HINDI maitago ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine bilang isa sa Women of Style and Substance, ang sobra-sobrang kasiyahan dahil partr na ng kanyang kompanya si Piolo Pascual. Ayon kay Ms Rei, “Nasa bucketlist ko na si Piolo mula noong sinimulan ko ang kompanya noong 2009. “With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to …

Read More »

Yul inisa-isa, mga nagawa ni Yorme

ABA! Aba! Aba! Teka lang muna. Gulat na gulat naman ang mga nakabasa sa post ni Congressman Yul Servo Nieto sa isang simpleng tanong na inihain sa kanya. Na sinagot nga niya. “May nagtanong sakin bakit puro pasikat si Mayor Isko, ano na raw ba ang nagawa n’ya? “Sinagot ko naman: – Pinaganda ang Bonifacio Park na ngayon ay tourist destination na may …

Read More »

Mama Bob ni Angeline, gising na

PAGKALIPAS ng tatlong araw na tulog ay gising na si Mama Bob ni Angeline Quinto matapos operahan sa ulo dahil may namuong dugo noong nakaraang linggo. Ito lang ang update na nabanggit sa amin ng kaibigan ni Angeline kahapon na masaya ang mang-aawit dahil gising na ang mama Bob niya na ilang beses siyang humingi ng panalangin sa lahat na tulungan siyang magdasal. Noong …

Read More »

FPJ’s Ang Probinsyano, tadtad ng ads; Taping, mas hinigpitan

ILANG beses na naming naisulat na dire-diretso pa rin ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at katunayan, balik taping na sila ngayong Setyembre kaya hindi totoo ‘yung tsikang patapos na dahil ang ilang cast ay may offers sa TV5.   Inamin ni Yassi Pressman sa panayam niya sa Cinema News na mas mahigpit ang pagpapatupad sa kanila ng safety protocol na bago sila mag-taping ay naka-14 days …

Read More »

Direk Reyno Oposa, market sa music industry palaki nang palaki

Blessing in disguise para sa filmmaker na si Direk Reyno Oposa ang lockdown na ipinatupad sa maraming bansa dahil natigil ang iba’t ibang showbiz activities. Like shooting ng movie na supposedly ay dalawang pelikula ang nakalinyang gawin ni Direk Reyno. Pero nakaisip agad ng paraan ang kaibigan naming film director para maipagpatuloy ang kanyang pagdidirek at pagpo-produce. This time sa …

Read More »

Chair Liza, inilatag ang aktibidad ng FDCP ngayong Setyembre

IPINAHAYAG ni Chairperson and CEO Liza Diño ang mga aktibidad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Sa kabila ng pandemya, tuloy ang events para sa SINE SANDAAN: THE NEXT 100. Saad ni Chair Liza, “September marks the official closing of the 100 years of Philippine cinema. Despite the pandemic, the FDCP wanted to ensure that our efforts will meaningfully honor this once-in-lifetime …

Read More »

Beautederm CEO Rhea Tan, nasa bucket list ang pagsungkit kay Piolo

PANIBAGONG milestone sa Beautederm Corporation ang pag-welcome nila ngayong September kay Piolo Pascual bilang pinakabagong celebrity brand ambassador na nataon pa sa pagdiriwang ng 11th anniversary ng kompanya. Ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine bilang “Women of Style and Substance” ay maligayang-maligaya na bahagi na ang award-winning actor sa kompanyang kanyang itinatag 11 years ago. Aminado ang lady …

Read More »

FDCP Chair Dino, deadma sa mga kumakalaban (Aktibidades sa #SineSandaanNext100, tambak)

SA halos apat na oras na pakikipagtalamitam ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño Seguerra sa may halos 80 miyembro ng media sa pamamagitan ng Zoom, kay raming naibahagi nito sa pagtatapos ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino o #SineSandaanNext100. Halos araw-araw, hanggang sa katapusan ng buwan ay sari-saring aktibidades ang hatid nito para na rin sa kapakanan ng mga taga-industriya …

Read More »

Rocco Nacino, mangiyak-ngiyak habang hinuhubad ang uniporme ni Diego Ramos

EMOTIONAL si Rocco Nacino sa Instagram post niya sa last taping  ng Descendants of the Sun. “Finally home. Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos. Mangiyak-ngiyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito.” Nagpasalamat din si Rocco sa lahat ng bumubuo sa show, “Thank you Wolf, talagang minahal ko …

Read More »

Netizens, excited na sa tandem nina Alden at Jasmine

SA behind-the-scenes photos mula sa taping ng I Can See You: Love on the Balcony, pinusuan ng netizens ang tambalan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Ayon sa comments, “bagay na bagay” ang dalawang Kapuso stars at excited na silang mapanood ang nasabing mini-series. Dagdag pa ng netizens, parehong mahusay umarte ang dalawa kaya tiyak na magiging maganda ang chemistry nila. Abangan ang I Can See You: …

Read More »

Winwyn Marquez, ‘di alam ang ikikilos ngayong back to work na  

NAGSIMULA na ang taping ng cast ng upcoming GMA program na I Can See You. Kabilang sa bigating Kapuso stars na parte ng bagong handog ng GMA-7 ay sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Winwyn Marquez. Excited itong nai-share ni Winwyn sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan. Naikuwento rin niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakakapanibagong work …

Read More »

Paolo, makikipag-kumustahan kay Jose Mari Chan

CHRISTMAS vibes na agad ang hatid ng newest episode ng GMA Artist Center online show na Just In dahil makakakuwentuhan ni Paolo Contis ang tinaguriang Father of Philippine Christmas Music na si Jose Mari Chan ngayong Miyerkoles, (September 16). Masayang episode ito dahil pag-uusapan nila ang music career at trending Christmas memes ni Chan. ‘Wag itong palampasin sa Just In ngayong Miyerkoles, 8:00 p.m., sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA …

Read More »

Cassy, ‘nanganay’ sa pagbuo ng sariling YT

SA isang video ng Legaspi family sa YouTube channel ni Carmina Villarroel, inanunsiyo ni Cassy Legaspi na malapit na siyang mapanood sa kanyang sariling YouTube channel. Kuwento ni Cassy, “I’m just settling things. Pero most likely, I would say second or third week of September.” Ipinaliwanag naman ni Carmina kung bakit nahihirapan ang kanyang anak sa pag-asikaso ng kanyang channel. “Medyo busy din siya because aside from taping ‘Sarap, ‘Di Ba? …

Read More »

Debut single ni John Gabriel, available na sa digital platforms

FAN boy nina Justin Bieber at Daniel Padilla ang bagong alaga ni Daddie Wowie Roxas, ang singer na si John Gabriel.   “I want to be like them. They inspire me to pursue my dreams,” saad  ng 20 years old na si John.   Bilang simula ng career, lalabas na ang debut single ni John na O, Pilipina na nasa digital platforms na Spotify, iTunes, Apple Music, at Tiktok You Tube Music. …

Read More »

Jen at Dennis, namigay ng facemask at face shield sa isang ospital sa Marikina

NAMAHAGI ng kahon-kahong face mask, face shied, at sanitation supplies gaya ng alcohol at sabon ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Amang Rodriguez Memorial Hospital sa Marikina City nitong nakaraang mga araw. Kalakip ng donasyon ang sulat mula kay Jennylyn para sa frontliners ng public hospital na inilabas niyas sa kanyang Facebook page. Bahagi ng sulat ni Jen, “Without you, this was against …

Read More »

Heaven Peralejo, binasag ang katahimikan — I didn’t ask anyone for money

SA pamamagitan ng kanyang Instagtam story noong Lunes, September 14, binasag na ni Heaven Peralejo ang kanyang pananahimik hinggil sa isyung humingi umano siya ng tulong pinansiyal mula kay Senator Manny Pacquiao, ama ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.   Pero ang asawa raw nitong si Jinky ang nagbigay sa kanya ng ayuda. Pinadalhan daw siya nito ng P100k.   Dahil sa lumabas na balita, …

Read More »

Aiko, Sunshine, Roxanne, at Maja, nagbukingan

SA Reunion of 4 Witches vlog ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel ay nagkaroon ng pa-games portion ang cast ng Wildflower na sina Maja Salvador, Roxanne Barcelo, Sunshine Cruz, at si Aiko. Ang unang tanong ni Aiko ay kung sino sa kanilang apat ang emosyonal at lahat sila ay si Roxanne ang sagot. Bakit? “Open kasi ako sa emosyon ko sa lahat ng napi-feel ko. Noong panahon na …

Read More »

Mr. M, tatapatan ang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To (Bagong shows sa TV5, niluluto na)

NASULAT na nitong Lunes na maraming Kapamilya stars ang may mga show sa TV5 tulad nina Piolo Pascual, Sue Ramirez, Yen Santos, at Dimples Romana na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic kaya may mga nagulat at nagtanong sa amin kung pinayagan sila.   Sinabi namin na baka naman dahil nabanggit na rati ng head ng Star Magic na si Mr. Johnny Manahan na may mga pag-uusap na nagaganap sa ibang …

Read More »

Pareng Rex Cayanong is going places!

Lumipat na pala si Pareng Rex Cayanong sa DZME radio, 1530 Khz AM radio. Paganda talaga nang paganda ang career ng aming amigo. Imagine, a couple of years back, medyo hindi maganda ang takbo ng kanyang career. But because he is innately hard working, look at him now – a famous broadcaster who is greatly respected by most government officials …

Read More »