Sunday , November 27 2022
Julia Barreto, Claudine Barretto, Gerald Anderson, Marco Gumabao, Marco Gallo

Julia hiyang-hiyang maikompara kay Claudine

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

USAPING Julia Barretto pa rin, natanong siya tungkol sa pagsali niya sa Philippine Coast Guard Auxi­liary (PCGA) na kaagad naman niyang inamin na ang boyfriend niyang si Gerald Anderson ang nag-inspire sa kanya para maging miyembro.

“Alam naman siguro ng lahat na si ‘Ge ay isang miyembro ng Philippine Coast Guard for a couple of years now. So, nakasama ‘ko sa iba niyang nagawang mga charity work sa project niya, sa mga donation drive niya. Madalas ko ring nakakasama siyempre ‘yung Philippine Coast Guard everytime they come up with events and projects like that.

“So they asked me if I was interested in joining, and I thought it was a good idea since sumasama na rin ako. And because I learned as a volunteer. Bilang isang volunteer, makaka-create ka rin ng projects and mga event na makatutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong natin. And that really got me interested,” paliwanag ng aktres.

Samantala, very Claudine Barretto raw si Julia kahit saang anggulo sipatin kaya natanong siya sa zoom mediacon kung ano ang nakuha niya sa tiyahin.

“Naku, nakuha, siguro, wala. Kasi nag-iisa lang siya, eh. Napakahusay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about it, I have always been a fan of her and of her works and of her projects and I really look up to her growing up as an actress.

“Pero again, siguro, when it comes to our craft, iba, we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte. Iba talaga siya,” nahihiyang sagot ng aktres.

Pero hindi naman itinanggi ni Julia na pinagbubuti n’ya ang kanyang pag-arte.

“I try my best every day, every time I’m given the opportunity, and I always try to be at my best and perform and deliver and I just want to make everybody around me proud and everybody who trusts me with a project proud and I think that’s always been the goal- to help breathe life into the character that I’m given,” sabi ng dalaga.

Mapapanood ang ‘Di Na Muli tuwing Sabado simula Setyembre 18, 8:00 p.m. sa TV5, Sari Sari sa Cignal TV Ch. 3, at SatLite Ch. 30. Maaari rin itong mapanood Live at On-Demand via Cignal Play app.

About Reggee Bonoan

Check Also

Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown TV5

Sama-Samang Tinig ng Pasko tampok sa Barangay Christmas Chorale Showdown ng TV5

MAS pinabongga at pinasaya ang Christmas campaign ng TV5 ngayong taon dahil sa inaabangang Sama-Samang Tinig ng Pasko …

SPEEd EDDYs Nominees

Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET;
sino-sino ang tatanghaling pinakamagaling?

MAGKAKAALAMAN na ngayong gabi kung sino-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo …

Plus Size Fashion Stream

Philippine Plus Size Fashion Stream, makatuturan at ibang klaseng pagrampa ang hatid

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klaseng pagrampa ang magaganap sa Dec. 28, 2022 sa Okada …

Kiko Estrada AJ Raval Angeli Khang US X HER 2

AJ, Angeli, at Kiko, nagrigodon sa US x Her ng Vivamax

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPASOK sa  ibang klaseng sitwasyon sina AJ Raval, Angeli Khang, …

Glaiza de Castro 29th Filipino International Cine Festival

Husay ni Glaiza kinilala abroad

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Glaiza de Castro, huh! Hindi lang kasi sa ating …

Leave a Reply