Friday , December 3 2021
Marco Gallo, Aubrey Caraan, Beks Batallion, Lassy Marquez, Chad Kinis, MC Calaquian

Pagbibida ng Beks Batallion napapanahon

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HALOS iisa na lang talaga ang bituka ng Beks Batallion na binubuo nina Lassy Marquez, Chad Kinis, at MC Calaquian na lead actors na sa pelikulang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso na idinirehe ni Darryl Yapproduced ng Viva Films.

Nabanggit kasi nila na lahat ng bagay ay nagdadamayan sila kasama na ang lovelife.

Si Lassy ang unang sumagot, “actually hindi po puso ang nahahati sa amin, budget po ang nahahati sa Beks Batallion (sabay tawa), charot!  Hindi naman tayo nag-expect sa guys, sa mga karelasyon natin ng pagmamahal. ‘Wag tayong mag-expect ng mas malaki para hindi tayo masaktan. Walang masama sa pagmamahal, ang masama ay ‘yung taong mamahalin mo!”

Ako kasi pagdating sa kaibigan nakikialam ako lalo na ‘pag alam kong mali. Kaya sila (Lassy at Chad) puwede rin namang makialam sa lovelife ko kapag nakikita nilang may mali na at hindi na masaya. Pero as long as masaya, go lang ng go kahit ano pa ang ibigay nila,” katwiran naman ni MC.

At si Chad, “Normal naman po sa magkaibigan mapag-usapan ang tungkol sa lovelife po lalo na kapag mahal na mahal n’yo ang bawat isa kasi concerned.  Hindi naman sa nangingialam siguro nandoon lang kami kapag kailangan kami ng bawat isa. Kapag masaya ka, go pero kapag nasaktan ka, nandito lang kami.  Ganoon lang,  hindi namin pakikialaman kung saan ka masaya kasi minsan lang ‘yan, eh. Bakit naming pagbabawalan kung saan masaya ang puso mo?”

Samantala, inamin ni MC na napapanahon na rin na bigyan sila ng lead role sa pelikula tulad nitong Ang Manananggal na Nahahati ang Puso dahil matagal na rin sila sa showbiz industry.

Una sa lahat, the longest time na kami ‘yung sidekick lang, taga-feed. Hindi naman po sa pag-aano, it’s about time na kasi na-train na kami, na-mold na kami ni Meme Vice (Ganda) para mag lead. 

And very happy siya, very supportive siya (Vice) sa amin sa nangyayari sa amin ito talaga. Kaya masayang-masaya ako dahil nakikita kung ano ang kakayanan ng bawat isa sa amin kaya super happy at excited at the same time nakakakaba pala ‘yung ganito.

Dati-rati kasi ‘pag sa pelikula ni Vice, ‘ay si Vice naman ang magdadala’ ang pressure nasa kanya lahat.  Ngayon na binigyan kami ng pagkakataon na magkaroon na chance na kami naman (bida) nakakakaba rin pala na may responsibilidad kaming dalhin ‘yung pelikula, nakaka-pressure at the same time masaya kasi nagkakaroon ka ng opportunity na gusto mong mangyari sa ‘yo,” pahayag ni MC.

Pangarap nina Lassy, Chad, at MC na magkaroon ng lead role dahil ibig sabihin ay naggo-grow sila at tama ang ginagawa at napapansin sila.

Anyway, abangan kung ano ang bago nilang ipakikita sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso kasama sina Marco Gallo at Aubrey Caraan na mapapanood na sa Oktubre 1 sa Vivamax handog ng Viva Films.

Bukod sa Pilipinas ay mapapanood din sa Vivamax Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na din ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Pwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV para mas enjoy ang panonood.

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista

Heart tigil muna sa paggawa ng teleserye (Magpo-focus sa negosyo)

RATED Rni Rommel Gonzales NAGPAHIWATIG si Heart Evangelista na posibleng hindi muna siya gagawa ng teleserye pagkatapos ng I …

Dina Bonnevie Covid-19 Vaccine

Dina hinimok ang publiko na magpabakuna

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Dina Bonnevie sa  mga taong hanggang ngayon ay natatakot magpabakuna. “Sa …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis at Jen babae ang magiging anak

RATED Rni Rommel Gonzales IBINAHAGI ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kasarian ng paparating nilang baby. …

Katips

Vince Tañada nanghinayang sa ‘di pagkasali ng Katips Musical sa MMFF

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI napili para makapasok sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2021 ang …

BTS Isko Moreno

Yorme wish magkaroon ng sariling BTS ang ‘Pinas

HARD TALKni Pilar Mateo ANG musical na Yorme na tatalakay sa buhay ng Presidentiable na si Isko Moreno Domagoso ang unang …

Leave a Reply