Wednesday , December 25 2024

Bulabugin

Bolante panalo sa justice delayed justice denied

KINAILANGAN munang matapos ang administrasyon ni PNoy bago iabsuwelto ng Sandiganbayan Second Division si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante sa kinasangkutang kaso ng plunder dahil sa P723-milyong fertilizer fund scam. Si Bolante ay isa sa mga itinalagang opisyal ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noon sa kanyang administrasyon. Pero matapos paslangin ang mamamahayag na si Marilen Garcia –Esperat noong …

Read More »

Drug war ni Digong ‘inaabuso’ ba ng local police?

Dapat sigurong magtayo ng isa pang yunit si PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na tututok naman sa pang-aabuso ng ilang pulis sa kanilang ‘teoryang nanlaban’ ang mga dinarakip na drug personality. Ito ‘yung tinatawag na ‘extrajudicial killings’ na grabeng  nagaganap kahit sa mga drug user. Kung dati ay sinasabing “jail the pusher, save the pusher” ngayon ala-buffet …

Read More »

Merry ang Christmas ni Cabuyao Mayor Rommel “Mel” Gecolea!? (How about his constituents?)

MUKHANG maaga raw nakaramdam ng Christmas spirit si City of Cabuyao Mayor Rommel “Mel” Gecolea. Kaya maaga rin siyang namigay ng pamasko sa mga senior citizen. Ang ipinamigay niya sa senior citizens, dalawang kilong bigas with tatlong itlog na pula. E ‘di wow! Kamatis na lang ang bibilhin ng mga senior citizen para makompleto ang “meal” nila. Baka akala ninyo, …

Read More »

Liars ‘este lawyers ng drug lords binantaan ni Pres. Digong

“DAPAT maunawaan ng mga abogado ang role of law at hindi laging naka-focus sa rule of law.” Ito ang paalala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga abogado na inuupahan ng mga pinaghihinalaang drug lords para ipagtanggol sila sa korte. Sinabi mismo ng Pangulo na nakapagpipiyansa ang mga pinaghihinalaang drug lords dahil umuupa sila ng mga abogadong de campanilla. Siyempre …

Read More »

P2,000 SSS pension aprub sa kamara at sa senado (P1,000 muna hanggang Disyembre 2019)

YES! Aprubado na sa Kamara at sa Senado ang Joint Resolution sa ilalim ng Social Security Act of 1997 (Republic Act No. 8282) ang karagdagang P2,000 sa pension ng mga benepisaryo. Pero hindi ito matatanggap nang isahan. Mauuna ang karagdagang P1,000 epektibo ngayong Disyembre 2016 at ang natitirang P1,000 ay matatanggap sa Disyembre 2019. ‘Yun naman pala… Puwede naman palang …

Read More »

RUPA, ‘tailor-made’ na organisasyon para patalsikin si DOTr Sec. Arthur Tugade

ISANG organisasyon na nagpapakilalang Road Users Protection Advocates (RUPA) ang nagpa-press release na dapat daw patalsikin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade dahil protektor daw siya ni casino tycoon Jack Lam. Noong panahon daw kasi na pumasok si Lam sa Clark ay si Sec. Tugade ang presidente ng Clark Development Corporation (CDC). Hayop naman pala ang logic nitong …

Read More »

SBMA locators litong-lito na

Hindi pa rin pala nareresolba ang komplikadong situwasyon ng pagkakatalaga kina Subic Bay Maetropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño at acting administrator Randy Escolango. Iginigiit umano ni Escolango na ang appointment sa kanya ng Malacañang ay hindi pa inire-revoke ng Office of the President. Pero ayon naman kay Chairman Diño, bukod sa mayroon siyang appointment mahigpit umano ang tagubilin ng …

Read More »

Tandem na alias Kumar at Jan-Jan ratsada SA NAIA!

Kung meron daw dapat na magpaliwanag tungkol sa walang tigil na palusutan ng pasahero lalo na pagdating sa mga Bombay at Chinese pati sa pamamasahero sa NAIA, ito ang notoryus tandem nina alias “KUMAR” at  “JAN-JAN!” Mr. Dong Castillo kilala mo ba ang dalawang ‘yan?! Nagsimula raw ang “tandem” ng dalawa mula nang maging hepe noon si alias Kumar samantala …

Read More »

Murder vs Supt. Marvin Marcos et al

MATAPOS ihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng kanilang imbestigasyon na rubout at hindi shootout ang pagkakapaslang kay Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., nangangahulugan lamang na murder ang isasampang kaso sa grupo nina dating CIDG-8 chief, Supt. Marvin Marcos. Sabihin man ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sagot niya ang mga pulis na nakapatay kay Espinosa, …

Read More »

Bulok na bulok na bulok ang Kolin aircon, promise!

Walang katapusang turuan ang nararanasan ng kabulabog nating bumili ng Kolin airconditioner. Hanggang ngayon, piyesa o  spare parts pa rin ang idinadahilan ng Kolin kaya hindi pa rin maayos-ayos ang kanyang airconditioner. Siguro, bago mag-Enero 2017, baka sakali mapalitan na ang spare parts. Aba mantakin ninyong itinuro pa ang kunsumidong kliyente ng authorized service center sa kanilang Kolin main office …

Read More »

Fund-raising ng P40-M pondo ng Miss Universe ipinatigil

Nagreklamo ang maliliit na negosyante sa Baguio City na may stall sa Burnham Park dahil nagtayo doon ng Christmas bazaar ang Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB). Ang HRAB ang sponsor ng tour ng mga contestant para sa Miss Universe na gaganapin sa ating bansa sa Enero 2017. Pero kinontra ito ng local traders sa pamumuno ng isang Ellen …

Read More »

Ang masasabi natin sa HIV/AIDS awareness campaign ng DoH — Do it right, please!

DAPAT bang mamigay ng condom ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng HIV/AIDS awareness campaign? Puwede. Dapat bang mamigay ng condom ang DOH sa mga kabataang estudyante sa elementary at sa high school? Hindi. Bakit? Sapagkat ang pamamahagi ng condom (sponsored o binili man sa mababang halaga ng DOH) ay hindi mag-aangat sa kamalayan ng mga mamamayan lalo ng …

Read More »

Congratulations QCPD Director, Gen. Guillermo Eleazar!

Binabati po natin si Quezon City Police District (QCPD) General Guillermo Eleazar dahil dumapo na ang unang estrella sa kanyang balikat — isa na siya ngayong full-pledged general. Wala naman sigurong kumokontra lalo’t kitang-kita nila kung paano magtrabaho si DD Gen. Eleazar kaya very deserving siya for that promotion. By the way, ipinag-utos na nga pala ni DD Gen. Eleazar …

Read More »

Nagbitiw ba o sinibak si VP Leni Robredo?

KUNG nag-resign sa Gabinete por delicadeza dapat noon pa niya ginawa. Isa pa, dapat, hindi na rin niya tinanggap ang posisyon na inialok sa kanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Gabinete, kung may delicadeza nga talaga siya. Ang tinutukoy po natin dito ‘e si Vice President Leni Robredo. Kamakalawa, nakatanggap kami ng advisory from our Malacañang reporter na hindi …

Read More »

Senator Leila De Lima mas mabuting mag-inhibit na lang sa senate probe

Kahapon, para na namang nanood ng boksing ni Manny Pacquaio ang sambayanan… Lahat ‘e nakatutok sa hearing sa Senado, ultimo mga taxi driver, naka-tune-in ang radio sa nagaganap na pagdinig. Habang nanonood ang inyong lingkod, nakaramdam tayo ng awa para kay Senator Leila De Lima. Naawa ako dahil ginawa niyang circus ang kanyang sarili. Propaganda ba ang habol niya? Simpatiya? …

Read More »

Rizal Memorial Sports Complex ibinenta na rin ni Erap Estrada?

HINDI pa nakababawi ang mga Manileño sa pagkakabenta ng Manila Zoo, heto at naibenta na rin pala ang Rizal Memorial Sports Complex, mas sikat ito sa tawag na Rizal Stadium. Balak daw gawin condominium at mall ang Rizal Stadium. Pareho pong nasa Adriatico St., Malate, Maynila ang dalawang ‘yan. Sabi nga ng mga Manileño, mahusay ang kanilang kasalukuyang mayor… Mahusay …

Read More »

Abolisyon ng airport terminal fee sa OFWs isinusulong na ni MIAA GM Ed Monreal

KAPAG gusto maraming paraan, kapag ayaw puro alibi at boladas. Ganyan po sa nakaraang administrasyon sa MIAA. ‘Yan ang masasabi natin, matapos natin mabatid kahapon na tinatrabaho na ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang abolisyon ng ipinapataw na airport terminal fee sa overseas Filipino workers (OFWs). Ipatutupad na ito simula Marso 2017. Halos tatlong buwan …

Read More »

Death penalty umarangkada na sa Kamara

congress kamara

Umaariba na ang panukalang  pagbabalik ng capital punishment sa Kamara de Representantes. ‘Yan ay matapos aprubahan ng subpanel ang panukalang batas nitong Martes. Kung hindi tayo nagkakamali halos 10 taon na ang nakalilipas nang i-abolish ang death penalty pero nagkaroon ng clamor na muli itong ibalik  dahil sa malalalang kriminalidad. Kaya sa ilalim ng panukalang batas, iminumungkahi na ang mga …

Read More »

Sino ang mapalad na babasbasan ni SoJ Vit Aguirre para maging BI intel chief?

Sa darating na hiring and promotion, ang position ng Intelligence Officer V ang isang mariing tinututukan at pinakaaabangan ng lahat sa Bureau of Immigration (BI). Marami na raw ang nasasabik at kumbaga sa wrestling, free for all ang magiging labanan ng mga magkatutunggali na sina Acting Intel Chief, Charles Calima, Legal  Officers Norman Tansingco, Sherwin Pascua, Carlos Capulong at pati …

Read More »

Sino ang bagyong ‘ninong’ ni Supt. Marvin Marcos na nag-utos kay Gen. Bato para ibalik sa PNP-CIDG 8?

INIUUGOY tayo sa ‘teleserye’ ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng paspaslang kay Albuerra mayor Rolando Espinosa Sr., ang tatay ng sinasabing drug lord na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr. Sa isang press conference na ginanap sa Quezon City Police District (QCPD) headquarters, ibinunyag ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, isang mataas na opisyal ng gobyerno ang tumawag …

Read More »

P.2-M suhol bawat isa sa 1,316 Chinese na nahuli sa Fontana Leisure Park & Casino ni Jack Lam ibinunyag ni Justice Sec.Vit Aguirre

Ayon mismo kay Juctice Secretary Vit Aguirre, mayroong nag-aalok ng P.2 milyon o P200,000 pataas bawat isang Chinese na nahuli sa Fontana Leisure Park & Casino, Clark Freeport, Pampanga. Umabot sa 1,316 Chinese nationals ang nahuli riyan sa Fontana na may operation ang casino mogul na si Jacl Lam. Ibig sabihin hindi kukulangin sa P263,200,000 milyones ang ihahatag, para mapalaya …

Read More »

P570-M pondo para sa rehab centers inilaan na ng DOH

Bilang suporta at pakikiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, maglalaan ang Department of Health (DoH) ng P570 milyones para magtayo, mag-upgrade, mapalawak at maisaayos ang 16 public drug treatment and rehabilitation centers (TRCs) sa bansa. At ‘yan ay suportado ng mga mambabatas na isa riyan ay si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel. …

Read More »

Mailap ba ang katarungan kay BoC DepCom. Arturo Lachica?

KAMAKALAWA, naihatid na sa huling hantungan ang tinambangan na si Customs DepCom. Arturo Lachica. Kung hindi tayo nagkakamali halos dalawang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang nasabing insidente. Pero sa loob ng panahon na ‘yan, wala pa ring malinaw na resulta ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section sa kaso ng pananambang na ‘yan kay DepCom. Lachica. …

Read More »