Congratulations QCPD Director, Gen. Guillermo Eleazar!
Binabati po natin si Quezon City Police District (QCPD) General Guillermo Eleazar dahil dumapo na ang unang estrella sa kanyang balikat — isa na siya ngayong full-pledged general.
Wala naman sigurong kumokontra lalo’t kitang-kita nila kung paano magtrabaho si DD Gen. Eleazar kaya very deserving siya for that promotion.
By the way, ipinag-utos na nga pala ni DD Gen. Eleazar na i-revise ang ipinadadala nilang sulat sa bawat kabahayan kaugnay ng Oplan Taphang.
Ito po ang 2nd phase Oplan Tokhang. (“Tapok” na ang ibig sabihin ay “to gather” at “hangyo” na ibig sabihin ay humingi ng paumanhin o makiusap).
Marami kasing nagreklamo sa nasabing sulat na “tunog pananakot” sa komunidad.
Kaya naman para hindi na pagmulan ng ano pa mang isyu, nagdesisyon na si Gen. Eleazar na isaayos ang nasabing notice o pasabi sa komunidad.
Again, congratulations, Gen. Eleazar!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
