Friday , October 7 2022

Sino ang mapalad na babasbasan ni SoJ Vit Aguirre para maging BI intel chief?

Sa darating na hiring and promotion, ang position ng Intelligence Officer V ang isang mariing tinututukan at pinakaaabangan ng lahat sa Bureau of Immigration (BI).

Marami na raw ang nasasabik at kumbaga sa wrestling, free for all ang magiging labanan ng mga magkatutunggali na sina Acting Intel Chief, Charles Calima, Legal  Officers Norman Tansingco, Sherwin Pascua, Carlos Capulong at pati na rin ang former BI Associate Commissioner na si Gilbert Repizo.

Si General Calima ay minamanok ni BI-Commissioner Bong Morente. Si Gilbert Repizo ay ‘back-up” ni Cong. Umali (house justice committee chairman) na bagyo rin sa kasalukuyang administrasyon. Si Atty. Pascua ay sanggang-dikit at brod sa fraternity ni SOJ Vitaliano Aguirre.

Samantala, si Atty. Tansingco naman ay alam naman ng lahat na tuta ‘este ‘BFF’ ni expelled ‘este ex-commissioner Fraud ehek Fred Mison.

Hindi lang natin alam kung sino ang padrino ni Atty. Carlos Capulong.

Lahat sila ay umaasa na maging hepe ng isa sa pinakabonggang posisyon sa Bureau at naghihintay rin kung sino ang bibigyan ng basbas ng kasalukuyang DOJ secretary.

Pero ano itong narinig natin na may nakahanda raw agad ‘apela’ sa Civil Service Commission ang ilan diyan once na makuha ninoman kina Calima at Pascua ang nasabing posisyon?

Agad daw kukuwestiyonin ang qualifications or credentials nila para pamunuan ang BI intel division?

Grabe naman ang balitang ito?!

Well, ito lang ang masasabi natin.

Para sa atin, lahat ng mga nabanggit na personalidad ay pawang professionals at ang pagiging Intel chief naman ay hindi kinakailangan ng masusing training or expertise ‘di gaya ng mga nasa NBI or any government law enforcement agencies.

Since ang nagpaplano ng appeal ay pawang aplikante o kandidato rin ‘ata. Sana naman ay be gentleman enough ang bawat para tanggapin ang pagkatalo.

May the best man wins sabi nga!

Weder-weder nga ‘di ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Blind Item, male star, 2 male, gay

Matinee idol nabuking ang pagka-beki nang sumabit sa male model

HATAWANni Ed de Leon MAHIHIRAPAN na ngayong maitago ang kabadingan ng isang matinee idol. Eh kasi ba …

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Leave a Reply