Tandem na alias Kumar at Jan-Jan ratsada SA NAIA!
Kung meron daw dapat na magpaliwanag tungkol sa walang tigil na palusutan ng pasahero lalo na pagdating sa mga Bombay at Chinese pati sa pamamasahero sa NAIA, ito ang notoryus tandem nina alias “KUMAR” at “JAN-JAN!”
Mr. Dong Castillo kilala mo ba ang dalawang ‘yan?!
Nagsimula raw ang “tandem” ng dalawa mula nang maging hepe noon si alias Kumar samantala saradong bata naman ni Tonettesky si alias Jan-jan noong kapanahunan ni ex-commissioner Ric David Dayunyor!
Parang ‘exodus’ na tinatanggap sa ating bansa ang pinararating nilang ‘kambing’ o Bombay kahit ‘pikit’ ang kanilang mga visa!
Sonamabits!!!
“Kambing-trafficking?!” ‘Yan ang expertise nila!
Hindi ba’t may direktiba na ang POD Chief tungkol sa pagbabawal ng pagpaparating ng mga kambing sa panahong ito?!
Mga anak kayo ng kambing!
Kasabwat pa raw nitong si alias Jan-jan ang ilang TCEU pati na ang ilang primary inspectors na kanyang mga katropa sa gimikan?!
Palibhasa raw ay nakapag-establish ng kanyang koneksiyon sa mga tropang TCEU members at Primary Inspectors si alias Jan-jan kaya naman minamani lang niya ang pagpapastol ng mga ‘kambing’ sa NAIA na isinu-supply ng partner niyang si alias Kumar.
Kumbaga si Jan-jan ang hit man at taga-kamada ni Kumar sa kanilang raket.
Commissioner Bong Morente, maraming nagsasabi na hindi raw kayang buwagin ang tandem nina Kumar at Jan-jan sa NAIA!
Matagal na raw ang raket na ‘pagpaparating’ ng mga Bombay at Chinese ng dalawang ‘yan!
Hangga’t nariyan daw ang dalawang ‘yan patuloy ang kalakaran ng mga kagayang transaksiyon diyan sa NAIA!
Papayag po ba kayo na magpatuloy ang raket ng dalawang ‘yan, Sir?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
