Monday , November 25 2024

Bulabugin

Sen. Ralph Recto nagbigay ng pabuya vs suspek sa pamamaslang kay Mei Magsino

ISA tayo sa mga nagpapasalamat sa ginawang pagkakaloob ng P100,000 pabuya ni Senate President pro-tempore Ralph Recto para sa sino mang makapagtuturo sa pumaslang sa dating journalist na si Mei Magsino sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Recto, ido-donate niya ang  naturang halaga sa bubuuing reward pool ng pamahalaan. Naniniwala si Recto na ang nasabing pabuya ay makapang-eengganyo sa nakaaalam …

Read More »

Rigodon sa Immigration inaalmahan na!

Marami raw mga Immigration officers ang nag-react, ang iba ay nagreklamo at nag-file ng motions for reconsideration dahil sa biglang ipinalabas na SBM Personnel Order para sa nationwide rotation na gustong mangyari ni BI Comm. Fred ‘serious dishonesty’ Mison. Wala raw malinaw na guidelines ang sinasabing nationwide rotation at ang sabi ng iba, ito ay malinaw na paglabag sa existing …

Read More »

Globe Asiatique owner Delfin Lee binabakalan nga ba ni VP Binay?

MASYADO naman palang masaklap ang nangyari kay Globe Asiatique owner Delfin Lee. ‘Yan ay kung totoo nga ang sinabi ng kanyang abogado na ‘binabakalan’ siya noon ni Vice President Jejomar Binay ng P200 milyones. ‘Yung P200 milyones daw po ay para sa campaign fund. Pero hindi umano nagbigay si Lee dahil mahina daw sa survey si Binay kaya ang naging ending …

Read More »

Death threat ba ito?

HINDI ka ba tatablan ng bala gago. Cge ipitin mo kami may paglalagyan ka. Tigil nyo dyario nyo. Sunugin yan. +639286351798 ‘Yan po ang natanggap nating mansahe kahapon. Death threat ba ito? Sorry na lang, naubos na ang kabog sa aking dibdib. Isa lang ang sinasabi ng mga kaibigan natin, ang tunay na ‘gagawa’ nang ganyan, hindi na nagsasalita. Kung …

Read More »

Para sa isang kaibigan NPC President Joel Sy Egco  

NALUNGKOT ang inyong lingkod nang malaman natin na nag-leave pala bilang Presidente ng National Press Club (NPC) ang kaibigan at kumpare kong si JOEL MAGUIZA SY EGCO. Kung opinyon ang iyong hihingin mula sa akin, simple ang sasabihin ko, hindi ka dapat mag-leave kasi hindi mo naman kasalanan kung bakit ako naaresto sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay. Bigla ko …

Read More »

Katarungan para kay Mei Magsino

ISA NA NAMANG dagok sa hanay ng mga mamamahayag ang ginawang pagpaslang kay dating Philippine Daily Inquirer correspondent Melinda “Mei” Magsino na pinagbabaril ng riding in tandem sa Brgy. Balagtas, Batangas City kamakalawa. Isang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng 40-anyos na si Mei  Magsino, dati rin stringer ng TV-5 at ngayon ay nagmamay-ari umano ng massage clinic …

Read More »

MILF Chief Iqbal binebeybi ng Malacañang

IBANG klase rin naman pala itong mga ladies natin sa peace process na sina Mesdames Mriam Coronel at Teresits “Ging” Deles. Aba’y makipagnegosasyon at makipaglagdaan ba naman sa isang taong hindi nila alam ang tunay na pangalan?! At ngayon ay sinasaway pa ng Malacañang ang mga mambabatas na huwag na raw palakihin ang isyu sa alyas ni MILF chief negotiator …

Read More »

PH Dota representatives na-offload

PANIBAGONG sigalot na naman ang haharapin nitong si Commissioner Fred ‘sweet lover’ Mison matapos kuwestiyonin ni Senador Bam Aquino ang mga dahilan kung bakit kinakailangang i-offload noong nakaraang Biyernes, Abril 3, ng mga Immigration Officers sa NAIA ang Philippine representatives ng DOTA  para sa kanilang training sa bansang Korea. Matatandaang ang “Team Rave” na kamakailan ay nagwagi sa DOTA 2 …

Read More »

Mayroon pa bang Press Freedom?

WALA pong layunin manakot ang kolumnistang ito, pero sasabihin ko po sa inyo na dapat tayong mag-ingat lalo na kung ang demonyo ay napapalamutian ng  ensigna, uniporme at dokumentong wala tayong panahon para kompirmahin kung tama. Sinasabi ko ito dahil sa isang masamang karanasan nitong Easter Sunday. Inipit (as in sandwich) ako ng mga pulis na nagpakilalang sina S/Insp. Salvador …

Read More »

Arogante at bastos na pulis sa MPD Tayuman PCP (Attn: NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria)

MARAMING residente sa Tondo Maynila ang nais iparating ang kanilang hinaing kay NCRPO RD C/Supt. Carmelo Valmoria hinggil sa pagiging arogante at maangas umano ng ilang pulis sa MPD PS-7 TAYUMAN PCP. Ilan PO1 daw ng Tayuman PCP ay napakagaspang ng pag-uugali lalo sa kanilang checkpoint. Gaya ng isang insidente na isang tauhan umano ng isang Konsehal sa Maynila ang …

Read More »

‘Oplan Dukot Bagahe’ nakatimbog ng 6 luggage thieves sa NAIA

INILUNSAD na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ‘Oplan Dukot Bagahe’ para sa puspusang kampanya laban sa mga ‘luggage thieves’ sa Ninoy Aquino International Airport terminals. Marami ang nagpapasalamat dahil kahit paano ay nabawasan ang sindikato ng ‘baggage thieves’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa unang arangkada ng kampanya ay nasabat ng mga intelligence operatives ng Manila International …

Read More »

Poll survey ‘Commissioners’ dapat ilantad

NGAYONG mag-eeleksiyon na naman (2016), hindi na tayo nagtataka kung bakit maya’t maya ay may iba’t ibang uri ng poll survey ang luma-labas. Ito ‘yung tinatawag na mind conditioning. Ang problema rito, walang sukatan at garantiya kung totoo nga ‘yang ga survey-survey na ‘yan dahil hindi naman alam ng publiko ang mechanics at technicalities ng mga survey na ‘yan. Pabor …

Read More »

Mayor Oca Malapitan angat na angat sa survey

MUKHANG kakain ng alikabok kung sino man ang magtatangka na tumapat kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa nalalapit na halalan. Nitong nakaraang linggo kasi, mayroong individual group na nagpalarga ng survey tungkol sa popularidad ng mga puwedeng tumakbong sa lungsod sa darating na 2016 elections. Mismong ang nagpa-survey ay nagulat sa naging resulta dahil overwhelming ang nakuhang 65% …

Read More »

Hindi Media kundi tagapagsalita ng Palasyo ang sinisi ni Trillanes (Dahil sa bumagsak na ratings)

IPINAGTANGGOL ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV ang media sa paninisi ng kanyang tokayong si Communications Secretary Herminio “Sonny” Colokoy este Coloma sa sumadsad na ratings ni Pangulong Benigno Aquino III. Tahasang sinabi ni Sen. Trillanes na hindi ang media ang may kasalanan kundi ang mismong communication handlers ni Aquino ang may pagkukulang. Napakalinaw ng paliwanag ni Sen. Trillanes, very …

Read More »

Hindi lang TRO ang “for sale”

KA JERRY, ang nangyari sa inyo na Lunes Santo nag-issue ng warrant ang judge sa ‘yo ay nakakaduda talaga. Hindi kaya for sale na rin ang warrant of arrest ngayon? +63915772 – – – – Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com …

Read More »

NPC member desmayado; Press freedom inaatake

SIR JERRY, pls hide my name & number. ‘Yun pong ginawa sa inyo ng MPD ay maling-mali. Kami na mga NPC member ay disappointed sa no action ng liderato sa case nyo. Tama ang sinabi nyo na protektado pa ba tayo ng MOA. Kung sa inyo ay nagawa yan hindi malayo na magawa rin sa aming maliliit na mamamahayag ‘yan. …

Read More »

Attn: PNP chief Gen. Leonardo Espina

DAPAT kastigohin ni PNP OIC, Gen. Leonardo Espina ang pulis na nanghuli kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) chairman at HATAW publisher & columnist Jerry Yap. Hindi lang MOA violation ‘yan, human rights violation pa. Araw na ng Linggo, Easter Sunday pa. Bakit ba atat na atat si Kapitan Tangdol na hulihin si Jerry Yap ‘e hindi naman extortion o plunder …

Read More »

Atake sa kalayaan sa pamamahayag ang pambabastos ng MPD sa MOA ng media groups sa PNP at DILG

MASYADONG mapanganib at nakalulungkot ang tahasang pambabastos ng Manila Police District Warrant & Subpoena Section (MPD-WSS) sa Memorandum of Agreement (MOA) ng Philippine National Police (PNP) at media groups na National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at ng Philippine Press Institute (PPI). Naniniwala tayo na ang pag-aresto sa …

Read More »

Maraming Salamat!

SA KABILA ng hindi magandang karanasan nitong nakaraang araw ng Linggo hanggang Lunes, gusto nating magpasalamat sa mga taong nagtanggol at sumuporta sa inyong lingkod habang tayo ay nasa kustodiya ng pulisya matapos ang isang kuwestiyonable at malisyosong pag-aresto. Kay Ms. Rowena Paraan ng NUJP na kahit hindi tayo miyembro ay agad nagpahayag na labag sa batas ang pag-aresto na …

Read More »

“Time-on-Target” Lotteng Bookies sa A.O.R. ng PNP-SPD

Sa ilang bahagi na sakop ng PNP Southern Police District (SPD) panay ang kahig ng lotteng bookies ng grupo ng isang alias WILLY K. LAGAYAN sa bayan ng Parañaque City at Las Piñas City. Bukod sa open ang operasyon ng lotteng bookies sa dalawang siyudad ‘e pinaplantsa na ma-extend ang sugal de numero ng grupo ni WILLY sa Muntinlupa City. …

Read More »

Libel is just abused by officials

FIRST, I express my profound gratitude to National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), through its chairperson Rowena Paraan, for coming to my side in my hour of despair brought about by the diabolical arrest done on me by Manila Police District (MPD) warrant officers. The fight for press freedom and my morale got a big boost from the …

Read More »

Nasaan ang Philippines’ Forbes Millionaires sa Top BIR Taxpayers’ List?!

MARAMING nagtataka sa sistema ng Rentas Internas (BIR) sa bansa. Isa na rito ang nakapagtatakang pagkawala sa TOP 20 taxpayers’ list ng mga multi-milyonaryong Pinoy na nasa talaan ng Forbes magazine. Gaya nina Manuel V. Pangilinan, Henry Sy, John Gokongwei, David Consuji, Lucio Tan, Reghis Romero, at ang mga sandamakmak na Casino financiers. Aba ‘e nagulat pa tayo dahil top …

Read More »

Para kay Mando Keleyope fictitious ka man o duwag na nagtatago sa FB account na walang mukha!

HINDI ko sana papansinin itong nagtatago sa facebook account na MANDO KELEYOPE pero mayroon siyang mapanganib na ideya na baka ‘bilhin’ ng mga taong kagaya niya mag-isip-ipis. Masyadong nakaaalarma ang pagiging IGNORAMUS ng nasa likod ng FB account na Mando Keleyope na sa pag-aanalisa ng ilan nating kasamahan sa pamanahayag ay may ‘malansang kaliskis’ sa katawan pero nagtatago sa balahibo …

Read More »