Gandara PCP makupad sa trabaho pero mabilis daw sa tanggahan!?

gandara‘Yan ang ipinarating na impormasyon sa atin mula sa mga pulis ng MPD.

Mukhang makupad daw magtrabaho ang MPD-GANDARA PCP na pinamumunuan ng isang Kupitan ‘este KAPITAN SIAREZ?

Hindi na ako magtataka sa sumbong na ‘to dahil diyan mismo sa AOR ng GANDARA PCP na ilang metro lamang ang lapit sa kanilang presinto ay nakitang dedbol at nakatali pa sa loob ng kanyang sasakyan ang isang Chinoy bar owner.

Ano na nga ba ang nangyari sa kasong ‘yan MPD DD Gen. ROLLY NANA sir!?

Nabaon na ba sa limot?

‘E di ba sabi n’yo ni Yorme ERAP ay safe na safe ang mga Tsinoy sa Binondo lalo na sa Chinatown dahil 24/7 ang police visibility at ask ‘este’ task force Chinatown?

‘E bakit may nagaganap pa ring patayan at Chinese pa ang nabibiktima!?

What the fact!?

Kapitan Siarez, totoo ba na nagpapakilala ka ring supervisor ng task force Chinatown dahil ‘bata’ ka raw ni Kernel Pedrozo?

May mga nangongolektong kasi sa A.O.R. mo na sinsasabi na sa ‘yo i-derecho ang ‘tarya’ mula sa mga vendors?

Aba’y times two pa pala ang tara ‘y tangga ng PCP Gandara?

Imbes nga na pangkain ng mga naka-detail na pulis under DPSB e nahaharang pa daw!?