Nasaan ang Philippines’ Forbes Millionaires sa Top BIR Taxpayers’ List?!

080614 BIR kim henaresMARAMING nagtataka sa sistema ng Rentas Internas (BIR) sa bansa.

Isa na rito ang nakapagtatakang pagkawala sa TOP 20 taxpayers’ list ng mga multi-milyonaryong Pinoy na nasa talaan ng Forbes magazine.

Gaya nina Manuel V. Pangilinan, Henry Sy, John Gokongwei, David Consuji, Lucio Tan, Reghis Romero, at ang mga sandamakmak na Casino financiers.

Aba ‘e nagulat pa tayo dahil top 3 si Carlo J. Caparas sa listahan ng mga taxpayer at si Willy Revillame na sinasabing bankrupt na raw ‘e nasa top 21 pa.

Si Piolo Pascual at Kris Quino ay nasa listahan rin ng BIR taxpayer pero ang mga Pinoy Taipan ‘e cannot be located!? 

Pero ‘yung MVP na maraming pag-aaring kompanya at operator ng mga basic facilities sa bansa ‘e hindi man lang natin nakita sa top 20?

What the fact!?

‘E ang higpit magpatupad sa paniningil ng buwis ni Madam Kim Henares lalo sa malilit na empleyado ng gobyerno at sa maliliit na negosyanteng Pinoy.

Ultimo nga ‘yung bonus na tinatanggap ng public sector employees, ‘e hirap na hirap si Madam Kim na i-exempt sa buwis.

Tapos ‘yang mga multi-milyonaryo ‘e hindi tayo nakasisiguro kung nasisingil ba nang tama sa pagbabayad ng buwis?!

Aba ‘e maging consistent naman sana tayo Madam Kim.

Buwisan nang tama ang mga dapat buwisan!