This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MUKHANG kakain ng alikabok kung sino man ang magtatangka na tumapat kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa nalalapit na halalan.
Nitong nakaraang linggo kasi, mayroong individual group na nagpalarga ng survey tungkol sa popularidad ng mga puwedeng tumakbong sa lungsod sa darating na 2016 elections.
Mismong ang nagpa-survey ay nagulat sa naging resulta dahil overwhelming ang nakuhang 65% pabor na muling pamunuan sila ni Mayor Oca.
‘Di hamak na mahigit 50 porsiyentong malayo ito sa 30% na nakuha ng kanilang dating mayor.
Patunay ito na nakikita na ng mga taga-Caloocan ang malaking pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Oca.
Malaki na ang pagkakaiba ng ospital noon at ospital ngayon. Ang karagdagang building sa unibersidad ng Caloocan. Ang mga ipinaayos na kalsada hanggang sa Caloocan North.
Mga kalsadang napasemento. Kompletong gamit ng mga mag-aaral at school building na napagawa at naipaayos.
Talagang malaki na ang iniunlad ng Caloocan ngayon.
Kitang-kita sa pag-unlad na ito ang magandang team work nina Mayor Oca at Congressman Egay Erice.
‘Yan ‘e kahit magkaiba sila ng partido. Ang importante sa kanilang dalawa, mapagsilbihan nang tama ang kanilang constituents.
Higit sa lahat, hindi sila nahihirapan hanapin ni Mayor Oca sa kanyang opisina dahil madali siyang makita at lalong madaling lapitan.
Sabi nga mga taga-Kankaloo, ngayon lang nila natitikman ang tunay na serbisyo.
Ngayon pa lang nakikini-kinita na natin ang LANDSLIDE VICTORY ni Mayor Oca dahil sa kanyang ‘GENUINE’ na serbisyo sa mga taga-Kankaloo!