“Time-on-Target” Lotteng Bookies sa A.O.R. ng PNP-SPD

111214 JUETENG

00 BulabuginSa ilang bahagi na sakop ng PNP Southern Police District (SPD) panay ang kahig ng lotteng bookies ng grupo ng isang alias WILLY K. LAGAYAN sa bayan ng Parañaque City at Las Piñas City.

Bukod sa open ang operasyon ng lotteng bookies sa dalawang siyudad ‘e pinaplantsa na ma-extend ang sugal de numero ng grupo ni WILLY sa Muntinlupa City.

Iyan ay matapos takbuhan at hindi magbayad ng patama at intelehensiya ang runner na si Jake alias “Duling” sa kausap na si Manay Josie. Nakadale nga raw ng milyones na salapi sa Muntinlupa ang pekeng gambling lord na si Jake Duling.

Sa kasalukuyan, namamayagpag ang lahat ng uri ng bookies sa Las Piñas at Parañaque City ni Willy K., na ipinamana lahat ni Mang Art ang pa-1602 sa area ng south Metro Manila (SPD), simula nang bumitaw, umayaw ang 4-Aces brothers sa South.

Everyday happy talaga sa south Metro!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com