

SA KABILA ng hindi magandang karanasan nitong nakaraang araw ng Linggo hanggang Lunes, gusto nating magpasalamat sa mga taong nagtanggol at sumuporta sa inyong lingkod habang tayo ay nasa kustodiya ng pulisya matapos ang isang kuwestiyonable at malisyosong pag-aresto.
Kay Ms. Rowena Paraan ng NUJP na kahit hindi tayo miyembro ay agad nagpahayag na labag sa batas ang pag-aresto na itinataon sa mga araw ng weekend lalo na kung ang aarestohin ay mamamahayag na may kasong Libelo.
Sa Philippine Daily Inquirer (PDI) na agad naglabas ng balita at agad na inihayag ang ginawang pag-aresto sa inyong lingkod, maraming salamat.
Kina katotong Bening Batuigas at Kiko Naguit, mga kinikilalang haligi ng MPD Press Corps.
Kay Mayor Alfredo Lim, na nagpahayag na ang pag-aresto sa inyong lingkod ay pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag at pandarahas sa isang hard-hitting journalist.
Kinondena rin ni Mayor Lim ang hindi pagrespeto ng mga pulis-Maynila sa kalayaan sa pamamahayag at pagbalewala sa umiiral na memorandum of agreement ng PNP at NUJP, NPC, KBP at PPI.
Sa mga kasama, kaibigan, ka-facebook, kamag-anak at katoto na nagpakita ng tunay na malasakit at nagbigay ng suportang morale, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com