This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NGAYONG mag-eeleksiyon na naman (2016), hindi na tayo nagtataka kung bakit maya’t maya ay may iba’t ibang uri ng poll survey ang luma-labas.
Ito ‘yung tinatawag na mind conditioning.
Ang problema rito, walang sukatan at garantiya kung totoo nga ‘yang ga survey-survey na ‘yan dahil hindi naman alam ng publiko ang mechanics at technicalities ng mga survey na ‘yan.
Pabor tayo sa pagkatig ng Korte Suprema sa Comelec Resolution No. 9674 na dapat ilantad ng survey firms kung sino ang kliyente nilang nagpapakomisyon.
Kaya lang, nagtataka rin tayo kung bakit pinigil ng Supreme Court ang pagpapataw ng penalty laban sa dalawang polling firms na Social Weather Stations at Pulse Asia Inc., na sumablay sa itinatakdang regulasyon ng Comelec.
Sa petition na inihain ng dalawang polling firms noong Mayo 2013 sa SC, sinabi nilang ang pagbubunyag sa kanilang kliyente ay magiging paglabag naman sa kanilang kontrata.
Tsk tsk tsk …
Aba ‘e kung kakatigan rin pala ng Supreme Court ang mga polling firm na ‘yan, ano na lang ang magiging mukha ng Comelec?!
Paano nila ipatutupad ang kanilang Comelec Resolution No. 9674?!
Sa mga ganyang problema, malinaw na lumalabas talaga ang mga butas-butas na batas.