Rigodon sa Immigration inaalmahan na!

misonMarami raw mga Immigration officers ang nag-react, ang iba ay nagreklamo at nag-file ng motions for reconsideration dahil sa biglang ipinalabas na SBM Personnel Order para sa nationwide rotation na gustong mangyari ni BI Comm. Fred ‘serious dishonesty’ Mison.

Wala raw malinaw na guidelines ang sinasabing nationwide rotation at ang sabi ng iba, ito ay malinaw na paglabag sa existing Civil Service rules and regulations for reassignment of employees.

Talagang hindi na raw ikinonsidera ni Mison ang kapakanan ng mga empleyado. Dapat daw ay inisip niya na kapakanan ng bawat pamilyadong Immigration Officer ang nakasalalay dito at maaari pang ikasira ng mga pamilya ang biglaang rotation.

Nasaan na raw ang sinasabi niya noong bago pa lang siyang naupo na Immigration Commissioner na siya ay tatayong ama para sa kanyang mga anak?

Lahat ba ng mga pangakong ito ay tuluyan nang napako!?

Bakit kinakailangan na halos lahat ay mag-suffer kung meron mang bulilyaso sa ilang airports and subports?

Dapat kung sino lang ang may bulilyaso ay ‘yun lang ang bigyan ng sanction at huwag naman sana i-generalize nitong si Mison.

Pagdating naman sa gastos, gaano kalaking pera ang uubusin ng Bureau sa pag-shoulder ng travel expenses at pagkuha ng staff houses kung saan pansamantalang titigil ng tatlong (3) buwan ang mga nalipat na IOs?

‘Yan ay kung meron ibibigay sa kanilang pambayad diyan.

Ang balita pa, gusto raw ni Mison na sa Express lane or overtime pay kukunin ang panggastos para sa mga nasabing expenses.

Neknek niya!!!

Para sa mga empleyado, malaking kalokohan ang ‘pakulong’ ito ni Mison.

Well, gano’n talaga…sabi ng ilang beterano sa bureau:

“Hindi ka na talaga minsan makapag-iisip nang tama kung minsan kung ang atensyon mo raw ay lagi na lang na kay Ms. Valerie Concepcion? Paano kaya nasisikmura ni Comm. Mison na habang siya ay masaya sa kanyang sex ‘este’ lovelife ay maraming pamilya ang nagdurusa sa ginawa niyang rigodon? “

Anong say mo sa isyung ito, BI-IRD OIC Ms. Marie Vitan!?