Friday , December 27 2024

Bulabugin

PAL Domestic Flight’s Business or Premium Class walang ka-class-class

Ang inyong lingkod ay nagpa-booked sa business class ng Philippine Airlines (PAL) para sa isang biyahe sa Bicolandia nitong nakaraang weekend. Pero nagulat lang po ang inyong lingkod, kasi ang business class pa nila ay ‘yung nasa second row lang. ‘Yun lang. Wala akong nakitang ‘business class.’ Anyareee?! Ang paliwanag sa atin, ganoon daw talaga ang domestic flight nila… ang …

Read More »

Kakaiba pala ang medical knowledge ng isang Immigration doctor?

Kakaiba pala ang karakas nitong isang Dra. Theresa Montenegro riyan sa Bureau of Immigration (BI). Imagine, siya lang yata ang natatanging doktora na nakagagawa ng sariling obserbasyon at rekomendasyon kahit hindi pa niya personal na natse-check-up ang kanyang pasyente?! Ibang klase raw talaga si Dra. Monte-engot ‘este’ Montenegro ‘di ba? Hindi kaya aral siya kay Mang Kepweng ‘d Albularyo? Balita …

Read More »

Batang mag-aaral hindi pinabalik sa Day-Care School Brgy. 18 Z-2 Dist. 2 Libis Nadurata, Caloocan (Paging: Mayor Oca Malapitan)

Pinagpipitaganan naming Sir Jerry, Ang mga batang mag-aaral sa aming komunidad, Barangay 18, Sona 2, Distrito II, Libis Nadurata, Lungsod ng Kalookan ay pinalipat po at nakikisuno sa ibang Day Care School mula pa noong pasukan ng eskwela dahil giniba po ang dating gusali ng aming Barangay Hall at pinatayuan ng bagong building. Pinangakuan po ang titser at mga magulang …

Read More »

Elevators, escalators ng MRT-3 maaayos pa ba? (Anong petsa na Secretary Jun Abaya?)

SA KABILA ng mga reklamo at paghihirap ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) commuters, hihintayin pa kaya ni Department of Transportati0n and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya, Jr., na tapusin ang anim na buwan bago ideklarang palpak ang trabaho ng mga kompanyang nakakuha ng kontrata para sa rehabilitasyon ng 34 escalators at 32 elevators nito?! Nahihiwagaan tayong …

Read More »

SOJ Ben Caguioa what’s happening inside Immigration Room 426?

Alam kaya ni DOJ Secretary Ben Caguioa ang “Special Privilege” na tinatanggap ngayon ng isang Atty. Arnulfo Maminta ng Bureau of Immigration (BI) – Legal Division? What is so special about Atty. Maminta dahil tila siya raw ngayon ang flavor of the month nitong si BI Comm. SigFraud ‘este’ Siegfred Mison? Maraming nakapapansin na ang Room 426 where Atty. Maminta …

Read More »

May pagbabago ba sa Guiguinto sa ilalim ni Yorme Boy Cruz?

‘Yan ang laman ng usapan sa mga umpukan ngayon ng ilang mga residente sa bayan ng GUIGUINTO, BULACAN kaugnay sa kung ano ba ang mga nagawa at pagbabago ng kasalukuyang administrasyon sa local na pamahalaan ng nasabing lugar. Sa panahon daw kasi ng dating mga nakaupong opisyal sa Guiguinto, Bulacan ay nakita ang pag-asenso sa kanilang bayan na sunod-sunod ang …

Read More »

Police blotter is a public document (Karahasan kinokondena ng ALAM, FOI ipasa, now na!)

MUKHANG kailangan na talagang ipasa ang Freedom of Information (FOI) Bill. Kung naipasa na ito noong nakaraang Kongreso, malamang may kinalagyan na ang abugagong ‘este’ abusadong pulis na gaya ni SPO2 Manuel Lason ‘este’ Laison. Si Sarhento Laison po ang pulis na bumugbog, nanakal at nagposas kay DZRH news reporter Edmar Estabillo nang magpaalam sa kanya na nais niyang mabasa …

Read More »

Media restriction sa NAIA kinondena rin ng airport reporters

SA Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman, matapos pumutok ang isyu ng ‘TANIM-BALA’ ‘e media naman ang pinag-initan ngayon at hindi ang mga pinagsususpetsahang sangkot sa insidenteng ‘yan. Mantakin ninyong higpitan ng NAIA T3 management ang mga miyembro ng NAIA Press Corps at ibang TV reporters sa kanilang coverage sa mga insidente ng tanim-bala?! Aba, kapag tanim-bala ang iko-cover nila …

Read More »

Random drug test sa DOTC OTS personnel now na!

ILANG impormasyon ang natanggap natin na mayroon daw pangangailangan na i-random drug test ang mga kagawad ng DoTC OTS sa NAIA. Ilan daw sa kanila ang positibong gumagamit ng ilegal na droga. ‘E alam n’yo naman kapag droga na ang pinag-uusapan, lahat ay nagagawa na ng isang taong nalululong sa bisyong ‘yan. Hindi na tayo magtataka sa isyu ng ‘tanim-bala’ …

Read More »

Kitchen One ng V. Roque Corp. delingkwente na in bad faith pa!

MARAMI bang kliyente ang Kitchen One ng V. Roque Corp., at hindi nila nahaharap ang mga reklamo ng kanilang mga kliyenteng naagrabyado sa kanilang serbisyo?! Halimbawa na lang nga ang kaibigan natin na nag-full payment para sa installation ng kanyang kitchen. Pinili niya ang Kitchen One ng V. Roque Corporation, dahil makers daw sila ng customize kitchen at sila umano …

Read More »

Sen. Lito ‘Boy Fertilizer’ Lapid nakapagpiyansa sa fertilizer scam

MAHABA pa rin talaga ang suwerte nitong si Sen. Lito Lapid. Aba, e napayagan pang makapagpiyansa sa asuntong kinasasangkutan ng P728-M fertilizer scam. At huling balita natin ay humihingi pa ng konsiderasyon sa Ombudsman na muling busisiin ang asunto dahil hindi naman daw talaga siya kasama roon. Aabalahin pa ang Ombudsman, ibig sabihin back to square one?! Anyway, karapatan naman …

Read More »

Kudos to ISAFP

ISANG masigabong pagbati ang ating ipinaaabot sa mga miyembro ng ISAFP diyan sa Camp Aguinaldo na siyang nakahuli sa South Korean fugitive na si Cho Seong Dae na makailang ulit tumakas sa kustodiya ng ilang personalidad na pinagkakatiwalaan ng isang high ranking official diyan sa BI. To set the record straight, ito ho ‘yung mga lehitimong ISAFP na siyang nakatalaga …

Read More »

Solusyon vs Tanim-Bala sa NAIA ng PNoy admin ‘palalamigin’ lang (Bill ni Leni Robredo stupid)

TILA palalamigin lang na parang isang mainit na sabaw ang isyu ng ‘tanim-bala’ sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). (Habang si Rep. Leni Robredo naman ay naghain ng isang ‘stupid’ House Bill 6245 – na nagde-decriminalize umano sa tatlong bala – uulitin lang natin ang tanong: may pagkakaiba ba ang isa, dalawa, tatalo o lima o sampung …

Read More »

Mga talunang konsehal bilang consultants ni Cabuyao Mayor Isidro Hemedes kinuwestiyon ng COA

Grabe pala ang ginawang pagkuha ng consultants ni Cabuyao Mayor Isidro Hemedes. Kinuha niyang consultants ang mga talunang konsehal noong 2007, 2010, 2013 elections na kanyang mga kaprtido.  Hindi bababa sa P20,000ang buwanang suweldo at allowance ng mgha consultants na sina Jose ALcabasa Sr., Aser Javier, Rolando Refrea, Pastor Canceran, Carlito Bariring, Odilon Caparas, Flordeliza Urbina, Ricky Voluntad at Flaviano …

Read More »

Stupid anti-tanim-bala bill ni Rep. Leni Robredo pinakasimple pinakamaigi

Hindi kailangan baluktutin ang umiiral na batas ng isang panukalang batas para lamang arestohin umano ang isang problema na ngayon ay isa nang malaking eskandalo sa buong mundo. Kumbaga, ‘ISANG BALA’ lang, tumaob na ang kredibilidad ng isang administrasyon. At isang bala lang, lumabas na ang pagi-ging kamote ng isang mambabatas. Pasintabi po, ayaw kong tawaging ‘KAMOTE’ ang House Bill …

Read More »

Sabungan sa Roligon may mini-casino na ngayon!? (Attention: NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao)

DATI ay kilala ang Roligon sa may Tambo Parañaque bilang isang sikat na sabungan. Katunayan dinarayo ito ng mga kilalang aficionado ng sabong. Pero nagulat tayo nang makatanggap tayo ng impormasyon na mayroon na palang mini-casino ngayon sa loob ng Roligon. Mayroong color games, card games at iba pa. Itinuturo ang isang alyas BERNARD GINTO na siyang operator ng nasabing …

Read More »

Iba ang Ombudsman ngayon under Madam Conchita Carpio-Morales

IBANG klase talagang magtrabaho si Madam Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Mabilis magresolba ng mga kaso at ayaw na tumataas ang mga envelope at folders sa kanyang paligid. Hindi gaya dati na hindi lang natutulog kundi tinitirhan na ng anay ang mga folder at envelope ng sandamakmak na asunto laban sa mga abusadong opisyal ng pamahalaan. Sa ilalim ng administrasyon ni Madam …

Read More »

Ang mahiwagang backpack ni Mr. Immigration Bagman

MAYROON isang kuwento ng ‘kasuwapangan sa kuwarta’ diyan sa Bureau of Immigration (BI). Kilalanin natin ang bidang-bida sa kolektong na si Mr. Backpack alyas Mr. Listerine, ang official ‘HATCHET MAN’ ng isang BI official… Isang araw umano, habang abala si Mr. Listerine aka bagman sa pagbibilang ng laksa-laksang kuwarta sa ibabaw ng kanyang mesa ay biglang pumasok ang isang empleyado …

Read More »

Mag-ingat sa kotong in-tandem sa Bacoor City

ISANG Bulabog boy natin ang nagpaabot ng BABALA (hindi po ‘yan asawa ni Babalu…hehehe) seryosong babala po ‘yan laban sa KOTONG IN-TANDEM diyan sa Longos, Zapote, Bacoor City. Mayroon po kasing dalawang tulisan ‘este pulis na may hawak na Bacoor Ordinance Violation Receipt diyan. Nakasita ng tatlong nagmomotorsiklo ‘yung dalawang napakasipag na pulis sa araw ng linggo.  ‘Yung tatlo ay …

Read More »

Land Transportation Office (LTO) may maayos na operation pa ba!?

MARAMI ang nagtataka kung bakit sa loob ng huling limang taon ay palpak na palpak ang operasyon ng Land Transportation Office (LTO). Ilang buwan na lang at matatapos na ang administrasyon ni PNoy pero wala pa rin tayong nakikitang kanais-nais sa performance ng LTO. Dati, napakabilis mag-renew ng lisensiya. Pupunta lang sa satellite offices sa mga mall, malilibang na, komportable …

Read More »

BI nagbabala raw vs pekeng pinoys

SA pamamagitan ng kanilang Facebook account, mahigpit daw na nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga pekeng Pinoy. Ibig bang sabihin nito ‘e sandamakmak ang mga pekeng Pinoy sa Philippines my Philippines ngayon?! Sabi ng isang kahuntahan natin, ‘wag na raw tayong magtaka. Mayroon nga raw tumatakbong presidente na kinukuwestiyon ang pagkamamamayan ‘di ba?! At mismong ang hepe …

Read More »

Armas, bala at droga sa Baseco Compound kompiskado ng CIDG-NCRPO

INUTIL na ba si Gen. Rolando Nana ng Manila Police District (MPD) o talagang untouchable para sa kanila ang Baseco Compound?! Marami kasi ang nagtataka kung bakit ang CIDG sa NCRPO pa ang ‘naglinis’ sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila, kamakalawa gayong nariyan lang ang MPD?! Bakit nga kaya?! Ayon sa ating mga impormante, talagang nagulat daw ang mga …

Read More »

Dating DILG Region 4A Director na ‘di nagpatupad ng suspensiyon vs Dondi, Assistant Secretary na?

MUKHANG nakaaamoy ng malansang isda ang mga taga-Tayabas sa promosyon ni dating Region 4A director JOSIE CASTILLA at DILG director Eric Damot. Silang dalawa daw kasi ang dahilan kung bakit hindi naibaba ang suspensiyon laban kay Tayabas Mayor Dondi Silang at sa iba pang konsehal. Mukhang sina Castilla at Damot umano ang mga kusinero sa ‘lutong-Makaw’ na desisyon. Kaya hindi …

Read More »

Ang ‘Tuwad na Daan’ sa BI

HANGGANG ngayon, wala pa rin malinaw na statement si Bureau of Immigration Commissioner SigFraud ‘este’  Siegfred Mison sa ginawang ikalawang pagtakas (o pinatakas?) ni Korean Fugitive Cho Seong Dae diyan sa ISAFP detention center sa Camp Agui-naldo. Ang nakapagtataka, bakit masyado yatang contained ang balita tungkol dito na maging si newly appointed SOJ Alfredo Benjamin Caguioa ay hindi raw yata …

Read More »