This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SA Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman, matapos pumutok ang isyu ng ‘TANIM-BALA’ ‘e media naman ang pinag-initan ngayon at hindi ang mga pinagsususpetsahang sangkot sa insidenteng ‘yan.
Mantakin ninyong higpitan ng NAIA T3 management ang mga miyembro ng NAIA Press Corps at ibang TV reporters sa kanilang coverage sa mga insidente ng tanim-bala?!
Aba, kapag tanim-bala ang iko-cover nila ay kailangan pa raw eskortan ng mga security guard.
Wala naman sanang problema kaya lang ‘e daig pa raw ng mga sekyu ang military kung bantayan ang Airport reporters.
Again, FOI na naman po ‘yan.
Kung noon pa ay naipasa na ang FOI, deterrent na ‘yan laban sa mga pandarahas sa mga mamamahayag.
Uulitin ko po, don’t shoot the messenger!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com