May pagbabago ba sa Guiguinto sa ilalim ni Yorme Boy Cruz?

Boy Cruz‘Yan ang laman ng usapan sa mga umpukan ngayon ng ilang mga residente sa bayan ng GUIGUINTO, BULACAN kaugnay sa kung ano ba ang mga nagawa at pagbabago ng kasalukuyang administrasyon sa local na pamahalaan ng nasabing lugar.

Sa panahon daw kasi ng dating mga nakaupong opisyal sa Guiguinto, Bulacan ay nakita ang pag-asenso sa kanilang bayan na sunod-sunod ang pagpasok ng mga negosyante at establisyemento gaya ng WALTER MART, PUREGOLD at warehouses kaya napakarami ang nabigyan ng trabaho dahil prayoridad ang mga Guiguinteño.

Ngunit ngayon daw ay tila parang napako ang pag-asenso sa kanilang bayan at wala nang bagong investor ang pumapasok para sa karagdagang trabaho sa mga taga-Guiguinto.

“Bakit parang dumilim na naman ang pamumuhay sa atin bayan?” tanong ng isang senior citizen.

Paano na ang kinabukasan ng mga kabataan kung talamak ang pagkalat ng ilegal na droga ngayon sa Guiguinto?

Laganap ang bentahan ng shabu at marijuana sa Brgy. MALIS, Brgy. TIAONG (FANTASY, LAWA, UGONG, KABUKIRAN, CUTCUT, PULONG-GUBAT) at Brgy. TABE sa  ilang pilahan ng tricycle kaya tukoy kung sino-sino ang mga tulak!

Nagkalat ang mga demonyong video karera sa bayan ni Mayor Boy Cruz.

Grabe ang sira ng mga kalsada dahil sa mga dump truck na nagtatambak sa mga ginagawang subdivision.

Kaya naman sa darating na eleksiyon ay ipakikita na ng mga taga-Guiguinto ang ninanais nilang pagbabago na sa kanilang bayan.

Gets mo na ba Mayor Boy Cruz!?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com