This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Ang inyong lingkod ay nagpa-booked sa business class ng Philippine Airlines (PAL) para sa isang biyahe sa Bicolandia nitong nakaraang weekend.
Pero nagulat lang po ang inyong lingkod, kasi ang business class pa nila ay ‘yung nasa second row lang.
‘Yun lang.
Wala akong nakitang ‘business class.’
Anyareee?!
Ang paliwanag sa atin, ganoon daw talaga ang domestic flight nila… ang tawag daw doon ay premium economy class.
Ngek?!
Sa taas kong 5’10″ masyadong maliit para sa akin ang espasyo ng regular seat sa isang malilit na aircraft kaya naman lalo pa tayong nadesmaya nang pabalik na sa Maynila.
Tumawag kasi sa staff ko ang PAL at sinabing ang pabalik na flight imbes Airbus A320-200 pinalitan ng 76-seater propeller-type aircraft.
SONABAGAN!
Nagbayad ako ng P10,563 para sa round trip ng biyaheng ito, tapos ‘yan lang ang makukuha kong serbisyo?!
IBALIK ninyo ang pera ko!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com