This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISA tayo sa mga natutuwa nang magkaroon ng Seaside Boulevard ang SM Mall of Asia (MOA).
Naging alternative ito sa seaside ng Quirino Grandstand na ngayon ay Ocean Park na, at sa seawall ng Folk Arts Theatre na amoy langis na, kaya hindi na rin kaaya-aya para sa mga bata at senior citizen ang simoy ng hangin doon.
Pero nitong nakaraang linggo, nagulat tayo nang mabalitaan nating may bayad na pala ang parking area sa Seaside Boulevard na dati naman ay wala.
Kaya desmayado talaga ang mga nagpapahangin at naglakad-lakad sa SM MOA Seaside Boulevard.
Lalo na ‘yung mga Tsinoy na madalas namamasyal, nag-i-exercise sa area na ‘yan.
Hay, ano ba itong pamilya ni Mr. Henry Sy, lahat na lang gustong pagkukuwartahan ‘e hindi naman nila madadala sa kamata-yan ‘yang mga yaman na ‘yan.
Sabi nga, moderate your greed naman… please?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com