Ang ‘Tuwad na Daan’ sa BI

060115 mison ojtHANGGANG ngayon, wala pa rin malinaw na statement si Bureau of Immigration Commissioner SigFraud ‘este’  Siegfred Mison sa ginawang ikalawang pagtakas (o pinatakas?) ni Korean Fugitive Cho Seong Dae diyan sa ISAFP detention center sa Camp Agui-naldo.

Ang nakapagtataka, bakit masyado yatang contained ang balita tungkol dito na maging si newly appointed SOJ Alfredo Benjamin Caguioa ay hindi raw yata na-inform agad sa nangyaring insidente?

Sinasabi na noong araw na muling hinuli si Cho Seong Dae at dinala sa ISAFP compound na nakaposas at nakapiring pa raw ang mga mata.

Pero sa halip umano na dalhin sa ISAFP detention center ay doon idiniretso sa isang safehouse sa loob din ng kampo.

Aba, Mr. Commissioner Integrity, mukhang kaduda-duda ang diskarte ng mga bataan mo?!

Isipin na lang, na bakit kinakailangang sa isang safe house dalhin si Cho Seong Dae kung walang ibang agenda ‘yang mga tao mo?

Say mo Kernel Kupas ‘este’ Tupas!?

Kung tactical interrogation ang plano ninyo sa Koreanong pugante, that should be done sa Investigation headquarters ng ISAFP at hindi siya itinatago sa isang kuwarto sa safehouse!

Sa totoo lang hindi naman dapat pahirapan ‘yan nang husto dahil noon pa, may info na  nagsalita si Cho at nagkuwento na raw kung sino ang mga involved sa kanyang unang pagtakas?!

Pero mukhang binalewala nina T/A for Intel Agtay at Tupas ang statement niya.

Bakit mga amigo, takot ba kayong may sumabit at masagasaan?

At ito namang si Miswa ‘este’ Mison, sa halip na bigyan ng sanction ang mga nagkasalang tauhan n’ya sa first escape ni Cho, ay dinala sa NAIA at na-increase pa ang kanilang sahod!

Sonabagan!!!

‘Yan ba ang ‘tuwad na daan’ pabebe-commissioner style!?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com