Armas, bala at droga sa Baseco Compound kompiskado ng CIDG-NCRPO

Baseco NanaINUTIL na ba si Gen. Rolando Nana ng Manila Police District (MPD) o talagang untouchable para sa kanila ang Baseco Compound?!

Marami kasi ang nagtataka kung bakit ang CIDG sa NCRPO pa ang ‘naglinis’ sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila, kamakalawa gayong nariyan lang ang MPD?!

Bakit nga kaya?!

Ayon sa ating mga impormante, talagang nagulat daw ang mga taga-Baseco pero lalong nagulat ‘yung mga ilegalista kasi nga ‘sinalakay’ sila ng mga awtoridad.

Marami ang bumilib sa tapang ng CIDG-NCRPO dahil hindi sila natinag.

Kaya naman nagresulta ito sa kompiskasyon ng maraming armas gaya ng mga baril at bala, balisong at iba pang bladed weapon.

Hindi lang ‘yan… meron pang DROGA!

Naaresto rin ang hindi kukulangin sa 40 katao na hinihinalang sangkot sa iba’t ibang uri ng illegal na gawain.

Aba ‘e sa kahit anong anggulo tingnan, ang Baseco ay tila isla na ng mga illegal?

Gen. Nana, Sir, ano ba talaga ang nangyayari sa MPD?!

Kaya mo pa ba?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com