This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) at RA 9711 (Food and Drug Administration Act) ang isang Pakistani national at misis niyang Filipina sa Parañaque City.
Dinakip kamakalawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang mag-asawa dahil sa illegal na pagdi-distribute at pagbebenta ng anti-rabies vaccines na nagkakahalaga ng mahigit P.3 milyon, sa isang entrapment operation.
Nakapiit na sa detention cell sa CIDG-NCRPO ang mag-asawang sina Kabir Ahmed Hajano, 49, at Shirley Hajano, 37, ng Brgy. San Dionisio ng nasabing siyudad.
Inireklamo sa pulisya ng Sanofi Pastuer Inc. ang mag-asawa bunsod nang illegal distribution at pagbebenta ng Verorab vaccines, isang uri ng gamot para sa anti-rabies ng mga aso.
Agad naglunsad ng entrapment operation ang mga operatiba ng Anti-Fraud and Commercial Crimes Division (AFCCU), CIDG-NCRPO sa SM Sucat ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi na nagresulta sa pagkakahuli sa mag-asawa at pagkakakompiska sa anti-rabbies vaccines na nagkakahalaga ng P320,000.