Sunday , September 29 2024

Blog List Layout

16-anyos pulubi na-hit and run sa Kyusi

PATAY ang isang 16-anyos dalagita nang mabundol ng isang SUV sa northbound lane ng EDSA North Avenue malapit sa Trinoma, Quezon City dakong 4 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Jinkee Pacion, taga-Caloocan. Ayon sa mga testigo, sumampa sa bus ang biktima upang mamalimos. Nang bumaba siya ay hindi niya napansing may paparating na Mitsubishi Pajero na bumundol sa kanya. …

Read More »

5-anyos palaboy tinurbo sa motel ni lolo

HINALAY ng 66-anyos matandang lalaki sa loob ng motel kamakalawa ang 5-anyos batang babaeng namamalimos sa Caloocan City. Arestado ang suspek na si Dominador Pagulayan, residente ng Morning Breeze Subdivision, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). Batay sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Caloocan City Police, dakong …

Read More »

Abante umalma sa trato ng Senado vs Binay (Sa tahasang paglabag sa karapatan ng VP)

DAHIL sa patuloy na “pagkakait sa kanya ng isa sa pinakabatayang karapatang pantao” nagbabala ang dating mambabatas mula sa ika-6 na distrito ng Maynila na si Benny M. Abante sa mga Senador na nagsisiyasat sa umano ay overpricing ng Makati City parking building at nagpaalala na “lahat ay inosente sa mata ng batas hanggang hindi napapatunayan ang pagkakasala.” Nitong Lunes, …

Read More »

2 patay sa nakawan sa Kyusi (Akyat-bahay sumalakay)

DALAWA ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng akyat-bahay sa Don Manuel St., Sto. Domingo, Quezon City dakong 6 a.m. kahapon. Ayon sa senior citizen na may-ari ng bahay at ng katabing Chinese temple, nagwawalis ng bakuran ang kanyang mister nang pwersahang pasukin ng tatlong suspek saka itinali at binusalan silang mag-asawa at kanilang anak. Makaraan limasin ang …

Read More »

SALN ni Purisima may violation – CSC

ANG kawalan ng detalye ang nasisilip na paglabag ni Civil Service Commission (CSC) Chair Francisco Duque III sa kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni PNP Chief Alan Purisima. Ayon sa ulat, tanging ang bayan at munisipalidad lamang ang nakasulat na address ng mga lote at ari-arian sa joint SALN ng mag-asawang Purisima. Kabilang dito ang …

Read More »

Alyadong sangkot sa katiwalian kasuhan (Hamon ni PNoy sa kritiko)

HINAMON ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kritiko na sampahan ng kaso ang kanyang mga kaalyado kung naniniwala silang sangkot sa mga katiwalian. “Well, the cards are open. If they think that I have dishonest people around me, then all they have to do is file an appropriate case,” tugon ni Pangulong Aquino nang tanungin ng isang Harvard University …

Read More »

7 babaeng ibinubugaw nasagip sa Pasay

  NASAGIP ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang pitong kababaihan na ibinubugaw sa bar at motel sa Pasay City. (ALEX MENDOZA) NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong babae na ibinubugaw sa Pasay City. Ayon kay Special Investigator Dodjie Durian, assistant team leader ng NBI Anti-Human Trafficking Division, lima sa mga biktimang …

Read More »

Judge Cortes nagbitiw sa kaso ni Vhong

NAG-INHIBIT na si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz. Ito’y bilang tugon sa motion for inhibition na inihain ng kampo ng aktor makaraan aprobahan ni Cortes ang tig-P500,000 piyansa ng mga akusado …

Read More »

Pagsibak kay Ong pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang pagpapatalsik sa pwesto kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory S. Ong dahil sa isyu ng pagtanggap ng suhol mula sa binansagang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles upang palusutin sa isang kaso. Sinabi ni SC Spokeperson Atty. Theodore Te, sa botong 8-5-2, hinatulan ng guilty si Ong sa kasong gross misconduct, dishonety and improriety. …

Read More »

10-anyos nene ini-hostage ng adik na kuya

ARMADO ng gulok, biglang dinamba ng isang 15-anyos binatilyo ang 10-anyos kapatid na babae sa pag-aakalang may papasok na magnanakaw sa kanilang bahay sa Brgy. Minuyan, sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan kahapon ng umaga. Ayon sa pulisya, inakala nilang pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng magkapatid at nagulat sila sa dakong huli na ang magkapatid na …

Read More »

Principal itinumba sa gate ng iskul

CAUAYAN CITY – Patay ang isang principal makaraan anim beses barilin sa gate ng pinamumunuang public school sa Angadanan, Isabela kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Edito Jacinto, 54, residente ng Loria, Angadanan, Isabela, patalikod na pinaputukan ng hindi nakilalang salarin. Ayon sa ulat, dakong 6 a.m. habang binubuksan ng principal ang gate ng Lomboy Integrated School nang lapitan …

Read More »

Paa ng 3-anyos totoy naipit sa escalator ng mall sa Isabela

CAUAYAN CITY, Isabela – Nabali ang limang daliri sa kanang paa ng isang 3-anyos batang lalaki makaraan maipit sa escalator ng isang malaking mall sa Santiago City. Ang biktima itinago sa pangalang Dave, residente ng Bagabag, Nueva Vizcaya. Sa salaysay ng ina ng biktima, nagtungo sila sa Robinson’s Mall para maipasyal ang dalawang anak. Galing sila sa game zone sa …

Read More »

Dagdag na benepisyo sa mga beterano, hiniling ni Trillanes na lagdaan ng Pangulo

Matapos pumasa sa ikatlong pagdinig ng Senado, hiniling ni Senador Antonio Trillanes IV  kay Pangulong Benigno Aquino III na kaagad lagdaan ang panukalang batas na magdadagdag sa burial assistance ng mga beterano mula P10,000 sa P20,000. Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate committee on national defense and security, inendorso niya ang House Bill 694 sa ilalim ng Committee Report 57 …

Read More »

Benggansa vs Marcos inamin ni PNoy

MAKARAAN ang 31 taon, aminado si Pangulong Benigno Aquino III na gusto niyang maghiganti kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at mga alipores ng dating presidente nang paslangin ang kanyang ama na si Sen. Ninoy Aquino pagbalik sa Maynila mula sa Amerika. Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Robsham Theater sa Boston College kahapon, sinabi ng Pangulo, bilang …

Read More »

Coed pinilit magpaagas (Puerta pinasakan ng 2 tableta, Call center agent arestado)

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District- Homicide Section (MPD-HS) ang isang 21-anyos na call center agent matapos akusahan ng pagpapalaglag sa sanggol na ipinagbubuntis ng kanyang nobya sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon. Nakaratay sa UERM Hospital ang biktimang si Linda, 18 anyos, estudyante, tubong Pampanga, nagbo-board sa isang lugar sa Sta. Mesa, Maynila matapos duguin at tuluyang malaglag ang …

Read More »

US$2-B investment iuuwi ni PNoy

TINATAYANG mahigit $2 bilyong halaga ng investment ang iuuwi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan ang pakikipagpulong sa mga negosyante sa Europa. Ayon sa Pangulo, kabuuang 19 kompanya ang nakausap ng kanyang delegasyon at pinuri nila ang economic performance ng Filipinas. “From our engagements in Europe alone, we are expecting around 2.3 billion dollars in investments in the sectors …

Read More »

Lifestyle check sa pamilya Binay iginiit

HINAMON ngayon ng mga residente ng Makati si Vice President Jejomar Binay at ang mga miyembro ng pamilya nila na sumailalim sa “lifestyle check” para patunayan na hindi sila sangkot sa pagnagnakaw sa kaban ng bayan. Ayon kay Atty. Bondal, convenor ng United Makati Against Corruption (UMAC), kailangan ipaliwanag ng pamilya Binay kung saan nanggaling ang kayamanan nila gayong umaasa …

Read More »

Maluluhong pulis isumbong kay Mar

MAY kapitbahay o kakilala ka bang pulis na may naglalakihang bahay, magagarang kotse, mamahaling alahas o maluho ang estilo ng pamumuhay? Kung walang negosyo ang mga pulis na ito, maaari mo na silang isumbong kay DILG Secretary Mar Roxas para maimbestigahan kung galing sa katiwalian ang kayamanan nila. Sa panayam sa radyo, sinabi ni Roxas na kasalukuyang ginagawa ng DILG …

Read More »

Overhaul sa MRT — Solon (Bakit maintenance?)

TINULIGSA ng isang mambabatas kahapon ang Department of Transportation and Communication (DOTC) at ang Metro Rail Transit Corporation (MRTC) dahil sa umiinit na “word war” na namamagitan sa kanila sa gitna ng paghihirap sa biyahe ng 500,000 mananakay sa MRT araw-araw. “Imbes maghanap ng sousyon sa patong-patong na problema sa MRT, mukhang mas nakatuon ngayon ang DOTC at ang MRTC …

Read More »

Jeep tumagilid 3 patay, 21 sugatan (Sa La Union)

LA UNION – Patay ang tatlo katao habang 21 ang sugatan sa pagtagilid ng isang pampasaherong jeep sa Brgy. Pias sa lungsod ng San Fernando, La Union dakong 8:15 a.m. kahapon. Ayon sa ulat, galing ang naturang sasakyan na minamaneho ni Eugene Marquez, sa bulubunduking lugar ng Brgy. Baraoas patungo pababa sa sentro ng lungsod nang mangyari ang trahedya. Sa …

Read More »

P30-M suhol ni Cedric Lee sa Taguig judge? (Para makapagpiyansa)

ITINANGGI ng kampo ni Cedric Lee na may nangyaring suhulan para paboran ng judge ang pansamantalang kalayaan ni Lee na humaharap sa kasong serious illegal detention. Ito ay makaraang lumabas sa networking sites na binayaran ng kampo ni Lee si Paz Esperanza-Cortes ng Regional Trial Court Branch 271 ng P30 milyon para makapagpiyansa ang mga akusado. Ayon sa abogado ni …

Read More »

Gen. Purisima pinagbibitiw ng anti-crime groups

IGINIIT ng ilang anti-crime groups na magbitiw na si Philipine National Police Chief Dir. Gen. Alan Purisima dahil sa patuloy niyang pananahimik sa mga krimen na kinasasangkutan ng ilang mga pulis nitong mga nakaraang buwan. Iginiit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang magsalita ni Purisima hinggil sa mga isyung kinahaharap ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno. …

Read More »

Robbery-carnap gang nalansag 6 arestado

TIMBOG ang lider ng sindikato at limang tauhan na sangkot sa robbery-holdup at carnapping at nag-o-operate sa Quezon, sa pagsalakay ng mga operatiba sa kanilang safehouse sa PNR Gloria 2, Sindalan, San Fernando City, Pampanga kamakalawa. Sa report ni Provincial director,  Senior Supt. Marlon Madrid, kinilala ang mga naaresto na sina Norman Delfin, 35, lider ng grupo, ng Malino, Mexico; …

Read More »

Pagkuyog kay Abad ng UP students kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Palasyo ang pagkuyog ng mga militanteng estudyante kay Budget Secretary Florencio Abad Jr. makaraan magsalita sa isang forum sa University of the Philippines (UP) kamakalawa. “Lahat po tayo ay malayang magpahayag ‘nung ating damdamin, ‘nung saloobin, ng ating opinyon. Pero may mali na po siguro kapag ‘yung pagpapahayag na ‘yon ay tumatawid na nagkakaroon ng posibilidad na magkaroon …

Read More »

Katutubo inasinta, todas (Napagkamalang unggoy)

BINAWIAN ng buhay ang 16-anyos katutubong Tagbanua sa Narra, Palawan makaraan barilin nang mapagkalaman na isang unggoy. Kinilala ang biktimang si Bernard Bacaltos habang ang suspek ay si Normando Bungkas, 42-anyos. Batay sa imbestigasyon ng Narra PNP, dakong 4 p.m. nang magkasamang nangaso ang biktima at ang suspek. Ilang sandali pa, nakarinig ng kaluskos ang suspek sa hindi kalayuang lugar. …

Read More »