MAS marami ngayon ang bilang ng mga namamatay sa dengue sa bayan ng Subic, sa lalawigan ng Zambales kompara sa nakalipas na taon. Batay sa datos ng Municipal Health Office, mula nitong Enero hanggang Setyembre ay umabot sa 13 ang namamatay sa nasabing sakit na mas mataas kompara sa walo noong 2019. Sinabi ni Municipal Health Officer, Dr. Nadjimin Ngilay, …
Read More »Blog List Layout
Rizal, top 3 sa Covid-19 — DOH
IKATLO ang lalawigan ng Rizal sa pinakamaraming bagong kaso ng CoVid-19 batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) sa isinagawang virtual media briefing noong Linggo, 3 Oktubre. Ayon sa pagsusuri ng Kagawaran at batay sa CoVid-19 National Situationer, ibinahagi ni Public Health Services Team undersecretary & DOH spokesperson, Dr. Rosario Singh-Vergeire, nasa Top 3 ang Rizal batay …
Read More »40 Pinoys naitalang bagong kaso ng CoVid-19
MULING nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ( DFA) ng 40 bagong kaso ng CoVid-19 sa mga Filipino abroad. Sa kabuuan umabot sa 23,313 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa mga Pinoy abroad, 8,376 dito ang nananatiling nagpapagaling sa ospital. Umakyat naman sa 13,552 ang mga naka-recover sa naturang sakit kabilang ang 87 bagong gumaling sa CoVid-19. Ayon sa DFA, …
Read More »Negosyante, 1 pa, huli sa entrapment ops (Sako ng bigas na Dinorado)
ARESTADO ng mga awtoridad sa entrapment operation ang dalawa katao na sinabing sangkot sa pagbebenta ng mga sako ng bigas na may markang Dinorado Farmer’s Choice nang walang pahintulot mula sa sole distributor nito sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Nicomedes Bren, 54 anyos, negosyante, residente …
Read More »Obrero ginilitan ng leeg
MUNTIK nang paglamayan ang isang 39-anyos obrero nang gilitan ng leeg ng lasing na kagalit habang naglalakad sa Malabon City, kahapon ng hapon. Mabilis na naagapan ng mga doctor sa isang health center ang sugat ng biktimang kinilalang si Joel Robles, residente sa 86 Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat, sanhi ng tama ng patalim sa leeg. Agad inaresto ang …
Read More »‘Transport leader’ itinumba ng tandem
PATAY ang sinabing pangulo ng jeepney drivers association makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Unang Sigaw, Quezon City, nitong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Jessie San Jose Dela Cruz, 46, may asawa, operations manager ng UPV Trucking and Hauling Service, at residente sa Norzagaray Road, Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng …
Read More »Memo ni Duterte vs ‘plundemic’ probe garapal (Unconstitutional!)
ni ROSE NOVENARIO ITINAGO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘takot’ sa Senate Blue Ribbon Committee ‘plundemic’ probe sa pamamagitan ng ‘memorandum’ na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa pagdinig. Mula nang magsimula ang ‘plundemic’ probe ay naging bisyo ni Duterte na idepensa ang mga opisyal at kaalyadong iniimbestigahan ng Senado at walang habas ang …
Read More »Bicol University niyanig ng Kambal na pagsabog
NIYANIG ng dalawang insidente ng pagsabog ang Bicol University (BU) campus sa lungsod ng Legazpi, sa lalawigan ng Albay, nitong Linggo, 3 Oktubre. Naganap ang kambal na pagsabog dakong 6:30 pm kamakalawa, dahilan upang higpitan ng pulisya ang pagbabantay sa peace and order sa rehiyon. Nabatid, simula noong 1 Oktubre, naka-red alert ang Bicol police para sa paghahain ng certificates …
Read More »P32-M pekeng sigarilyo nasamsam (Bodega sinalakay Sa Bulacan)
NAKOMPISKA ang higit sa P32-milyong halaga ng pekeng mga sigarilyo nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bodega sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 3 Oktubre. Ikinasa ang raid ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group 3 (PNP-CIDG 3) sa bodegang matatagpuan sa Zone 6, By-pass Road, Brgy. Borol 2nd, sa nabanggit na bayan dakong …
Read More »3-anyos bata ginahasa, ex-brgy. Chair timbog
ARESTADO ang isang dating kapitan ng barangay na kabilang sa listahan ng top most wanted persons ng Zambales sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa naturang lalawigan, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si Angel Cabbab, 74 anyos, dating kapitan ng barangay at residente …
Read More »MWP ng Gapan tiklo sa loob ng Batangas jail
NASUKOL ang top 13 most wanted person ng lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa akusado sa loob ng pasilidad ng BJMP sa lungsod ng Lipa, lalawigan ng Batangas, nitong Linggo ng umaga, 3 Oktubre. Ayon kay P/Col. Rhoderick Campo, OIC provincial director ng Nueva Ecija PPO, inihain ng …
Read More »13 Chinese nationals kalaboso (Sa ilegal na online modus)
INARESTO ng mga awtoridad ang 13 Chinese nationals na nagpapatakbo ng ilegal na online activities sa operasyong ikinasa sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Batangan, direktor ng Angeles City Police Office, inihain ng mga operatiba ng CIDG CFU Angeles at CIDG PFU Pampanga dakong 4:30 pm kamakalawa, ang warrant …
Read More »4 drug personalities timbog sa P.1-M bato
BUMAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang miyembro ng “Rodriguez Drug Group” na nakuhaan ng mahigit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa report ni P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 1:00 am nang magsagawa …
Read More »4 bus drivers suspendido sa illegal drugs
NAGSAGAWA ng Random drug testing ang Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO), at Local Government Units (LGUs) sa mga bus drivers na bumibiyaheng Cavite at Batangas sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) . Sinabi ng tagapagsalita ng PITX na si Jason Salvador, layunin nilang maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay. Dagdag ni Salvador, sinuspende ang driver’s …
Read More »Nabinbing consular appointments isinisi sa maling info ng applicants
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maling impormasyon ang dahilan ng pagkaantalà sa passport appointments. Aabutin ng 60 araw bago maitama ang mga passport application na may mga maling impormasyon. Paliwanag ng DFA, kasalukuyang itinatama ang mga mali ang pangalan, kapanganakan, sa passport applications form, at kailangan pa umanong isa-isahin ang bawat application na may mali upang tiyaking …
Read More »Operasyon ng KTV bar sa Pasay nabuko
NABUNYAG ang operasyon ng isang KTV bar sa Pasay City na ikinaaresto ang mga empleyado, dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) Alert Level 4 sa Metro Manila. Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Pasayos ang mga suspek na sina Michael Relampago, 29, floor manager, residente sa San Marino …
Read More »Gov’t execs tuloy pa rin sa senate ‘plundemic’ probe (Kahit pagbawalan ni Duterte)
LALAHOK pa rin sa mga pagdinig na ipatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee, na tinaguriang ‘plundemic’ probe, ang mga opisyal ng administrasyon kahit pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “While the Cabinet officials appreciate the concern of the President, e sila naman po, for purposes of transparency, pupunta pa rin po sa Senado dahil wala naman pong itinatago,” sabi ni Presidential …
Read More »‘Davao made’ na depensa ihahatag sa ICC (Sa crimes against humanity vs Duterte)
ni ROSE NOVENARIO GAYA sa isang paltik na kalibre. 45 baril na ginamit sa maraming putukan, babalik sa kanyang lungga sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba sa puwesto sa Hunyo 2022, para paghandaan ang kanyang depensa sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa (ICC) sa isinulong niyang madugong drug war. Ang Davao ay kilala sa paggawa ng …
Read More »Nakialam sa away, binata tinodas sa QC
PATAY ang isang binata matapos makialam at harangin ang tumatakas na lalaking nanaksak ng kaniyang pinsan at isa pang kainuman sa Barangay Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Ang biktimang namatay ay kinilalang si Sofronio Chan Melchor, 23, binata, construction worker, residente sa Bukanig St., Brgy. Sta Lucia, Novaliches, Quezon City. Sugatan sina Julius Chong Tan, …
Read More »QC SPA may ‘extra’ service sinalakay, 3 masahista nasagip
NAABUTAN sa akto ang dalawang masahista na nagbibigay ng ‘extra’ service sa kanilang parokyano ng salakayin ng mga awtoridad ang Alex Wellness SPA sa Cubao, Quezon City, nitong Biyernes ng madaling araw. Agad inaresto ang magkapatid na may-ari ng spa na sina Diane Rosales, 22, dalaga, residente sa Simona Subd., Taytay Rizal, at Gemma Rosales, 52, may asawa, ng Bugallon …
Read More »1,500 pamilya sa Payatas, magkakaroon na ng sariling lupa
IPAGKAKALOOB nang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mahigit 1,500 pamilya ang mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa loob ng mahigit 40 taon sa Payatas sa lungsod. Ito’y matapos ipangako ni QC Mayor Joy Belmonte, muling tatakbo sa pagka-alkalde, sa mga residente ng Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc., sa Barangay Payatas, may dalawang taon na ang nakalilipas. Nilagdaan …
Read More »Sanggol pinukpok ng tatay, patay (Ayaw tumahan)
ARESTADO ang isang 20-anyos tatay matapos mapaslang ang kanyang tatlong-buwang gulang na anak nang pukpukin ng bote ng gatas nang ayaw tumahan sa pag-iyak nitong Biyernes, 2 Oktubre, sa lungsod ng Cotabato, lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay P/Maj. Elexon Bona, commander ng Cotabato City Police Office precinct 2, dahil sa lakas ng pag-iyak ng bata sa kalalaliman ng gabi, nagtimpla …
Read More »Ex-city hall official patay sa tambang )Sa Biñan, Laguna)
BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong opisyal ng lungsod ng Biñan, sa lalawigan ng Laguna matapos barilin ng hindi kilalang suspek noong Sabado ng tanghali, 3 Oktubre. Kinilala ni P/Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan police, ang biktimang si Virgilio Dimaranan, dating head ng city accounting office ng nabanggit na lungsod. Ayon kay Martinez, financier at leader umano ng …
Read More »‘Mother and son tandem’ tiklo sa droga (Sa Zambales)
NABUWAG ang operasyon ng mag-inang pinaniniwalaang kapwa high-profile personalities at nasa klasipikasyon na Regional Level Drug Watch List nang maaresto ng mga awtoridad sa anti-illegal drug operation sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 3 Oktubre. Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, dakong 1:45 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng …
Read More »Anomalya ‘di politika dapat tutukan ng Task Force LAG (Sa Pandi, Bulacan)
NARARAPAT tutukan ng Task Force LAG ni Pandi Mayor Rico Roque ang pagpapalutang ng katotohanan kung may naganap ngang anomalya sa likod ng reklamo tungkol sa pagbabawas ng P5,000 hanggang P10,000 sa Livelihood Assistance Grant (LAG) imbes na palutangin ang usapin ng politika. Ito ang pahayag ni Pandi Councilor Cris Castro kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa imbestigasyon ng …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com