Friday , November 22 2024

Rose Novenario

EO sa FOI lalagdaan na ni Digong

LALAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ano mang araw ngayong linggo ang executive order na magpapatupad ng Freedom of Information (FOI) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na sakop ng sangay ng ehekutibo. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ang kasalukuyang linggo ay magiging makasaysayan dahil sa paglagda ni Pangulong Duterte sa EO para sa implementasyon ng FOI. Puwede nang …

Read More »

Aquino officials kumita sa shabu lab sa Bilibid

NAGKAKUWARTA ang ilang matataas na opisyal ng administrasyong Aquino sa pagbibigay proteksiyon sa operasyon ng mga sindikato ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP). Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraan ang security cluster meeting sa Palasyo kamakalawa. “They could be in conspiracy with these people because there are some information that many in the high position of …

Read More »

Kidnapping, gun for hire tutukan — Duterte

NGAYONG puspusan ang kampanya ng administrasyong Duterte kontra-illegal na droga ay siguradong tataas ang kidnapping at gun for hire cases kaya inatasan niya ang pulisya na tutukan din ito. “I’m sure as the drug problem would go down, then you expect the criminality of gun for hire, and kidnapping will also rise. It just never ends,” sabi ni Pangulong Rodrigo …

Read More »

Morale ng PNP mataas pa rin — Gen. Bato

ronald bato dela rosa pnp

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, nananatiling mataas ang morale ng PNP kahit tatlo sa kanilang matataas na opisyal ang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ni Dela Rosa, ang kinakaharap nilang isyu ngayon ay bahagi lamang ng pagsubok sa buhay at darating ang panahon na lilipas din ito. Pagbibigay-diin ng …

Read More »

Bahay pangarap official residence ng pangulo

ANG Bahay Pangarap, ang magiging official residence ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022. Sa susunod na linggo ay lilipat na si Duterte sa Bahay Pangarap, ayon kay Special Assistant to the President Cristopher “Bong” Go. Ang Bahay Pangarap ay nasa loob ng Presidential Security Group (PSG) compound sa Otis St., Paco, Maynila na Ilog Pasig …

Read More »

Ebidensiya vs 5 generals ayaw ibunyag ng Palasyo

TUMANGGI ang Palasyo na ibunyag ang mga ebidensya laban sa limang heneral na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang protektor ng illegal drugs. “The evidence (documentary or testimonial) against the named generals should not be released yet as it may prejudice the administrative and criminal investigation/s & case/s against them,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar kahapon. Giit niya, ang …

Read More »

Duterte nag-flying kiss sa media (Peace-offering?)

SA isang flying kiss kaya nagtapos ang self-imposed media boycott ni Pangulong Rodrigo Duterte? Napuna kamakalawa na pinansin ni Pangulong Duterte ang grupo ng Malacañang reporters sa pagdiriwang ng ika-69  anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark, Pampanga. Tinawag ng Malacañang reporters ang pansin ni Pangulong Duterte habang nakasakay sa white carabao jeep sa ‘trooping the line’ ng Airmen …

Read More »

5 heneral sa ilegal na droga tinukoy ni Duterte

TINUKOY na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang heneral na aniya’y sangkot sa pagkalat ng droga sa bansa. Kabilang sa mga tinukoy ni Duterte sina Gen. Marcelo Garbo, Gen. Vicente Loot, Gen. Bernardo Diaz, Gen. Edgardo Tinio at Dir. Joel Pagdilao, dating hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang …

Read More »

Joma bibigyan ng safe conduct pass — Digong

CLARK, PAMPANGA – UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na bago matapos ang taon ay malalagdaan na ang kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). “Good we’re talking to the Communist Party of the Philippines (CPP) and we hope to have a firm agreement by the end of the year,” ani Duterte …

Read More »

Lifestyle check sa gov’t off’ls, employees ipatutupad

CLARK, PAMPANGA – WALANG puknat na lifestyle check sa lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang ipatutupad ng administrasyong Duterte bilang bahagi ng kampanya kontra-korupsiyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 69th anniversary ng Phil. Air Force (PAF), dapat iwasan ang luho at mamuhay nang simple ang lahat ng serbisyo-publiko.      “Kayo nabubuhay with extra frills, …

Read More »

July 6 Eid’l Fitr regular holiday

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon bilang regular holiday sa buong bansa sa Miyerkoles, Hulyo 6, bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Ayon sa tanggapan ni Pangulong Duterte, ang Eid’l Fitr ay isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam kaya walang pasok sa eskuwela sa lahat ng antas at sa trabaho, sa pribado man o gobyerno sa buong …

Read More »

Laban ng Gilas Pilipinas papanoorin ni Duterte

MALAKI ang tsansa na personal na panoorin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng Gilas Pilipinas at France sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena bukas. “He might watch,” matipid na sagot ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nang tanungin kung manonood si Duterte ng laban ng Gilas at France. Matatandaan, noong nakaraang buwan ay binisita ni Samahang …

Read More »

Con-con sa charter change suportado ni Digong

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constitutional convention (Con-con) kaysa Constituent Assembly (Con-ass) Sa kanyang kauna-unahang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mas magigiging malawak ang representasyon ng lahat ng sektor ng lipunan sa magiging bagong Saligang Batas kapag binalangkas ito sa pamamagitan ng Con-con kaysa Con-ass. “More representation. …

Read More »

FOI ipatutupad, Presidential TF vs media killings bubuuin – Palasyo

BINABALANGKAS na ng Palasyo ang isang administrative order (AO) na inaasahang tutuldok sa media killings sa bansa at isang executive order (EO) na magpapatupad ng Freedom of Information. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, ang layunin ng AO ay magtatag ng isang presidential task force para matigil ang extrajudicial killings sa mga miyembro ng media at mapanatag ang loob …

Read More »

Palasyo nakipag-usap sa Abu Sayyaf (Para sa paglaya ng bihag)

INAMIN ng Palasyo ang pakikipag-dialogo sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para sa pagpapalaya ng mga bihag ngunit hindi kasama ang isyu ng ransom. Inihayag kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, isang babae na taga-Zamboanga ang naging tulay ng ASG para iparating ang mensahe na nais siyang kausapin ng isang Abu Rami. “A certain Abu Rami …

Read More »

Digong, Leni nagkita sa Camp Aguinaldo

NAGKITA nang personal sa kauna-unahang pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Change of Command ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo kahapon. Nilapitan ni Duterte si Robredo sa entablado makaraan ang full military honors, nakangiting nagkamayan at nag-usap nang sandali bago umupo ang Pangulo katabi ni outgoing AFP Chief of Staff …

Read More »

Drug lords sa Bilibid tatapusin na (It’s your time to rest and die — Duterte)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang na ang oras ng mga druglord na pasimuno ng laboratoryo ng shabu sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, isang malaking insulto at kahihiyan sa gobyerno na sa Bilibid …

Read More »

Armadong tunggalian sa PH tutuldukan

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang armadong tunggalian sa bansa. “It is not a war that can be fought forever. We cannot fight forever. We might have the weapons, the armaments, the bullets and the mortar but that does not make a nation,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo …

Read More »

Maraming rekesito ipinatitigil ni Digong (Proseso sa pagkuha ng dokumento pinadadali)

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging bukas sa publiko ang kanyang pamamahala, sa lahat ng mga kontrata, proyekto at transaksiyon ng gobyerno mula sa negosasyon hanggang sa implementasyon nito. Kaya ang una niyang direktiba sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno’y bawasan ang requirements at panahon ng proseso sa lahat ng applications mula submission hanggang release. “I …

Read More »

Sa CHR at Kongreso: Huwag n’yo akong pakialaman

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at Commission on Human Rights (CHR) na huwag makialam sa kanyang paraan nang pagsugpo sa korupsiyon at illegal drugs. “You mind your work and I will mind mine,” sabi ni Duterte sa kanyang inaugural speech kahapon makaraan manumpa bilang ika-16 Pangulo ng Republika ng Filipinas sa harap ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido …

Read More »

Publiko duda, walang tiwala sa gobyerno

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na layunin ng kanyang liderato na ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Sa kanyang inaugural address, sinabi ni Duterte, kabilang sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay kawalan na ng kompiyansa ng mamamayan sa mga awtoridad. Ayon kay Duterte, kabilang na rito ang nawawalang tiwala sa judicial system at duda sa kakayahan ng …

Read More »

15-point People’s Agenda tinanggap ni Duterte mula sa leftist group

MAY espesyal na puwang talaga sa puso ni President Rodrigo Duterte ang makakaliwang grupo dahil mas una pa siyang nakipagpulong sa mga lider nito para tanggapin ang 15-point people’s agenda bago ang mga miyembro ng kanyang gabinete. Kung dati’y itinataboy ng awtoridad ang rally ng mga militanteng grupo sa Mendiola, kahapon ay sinundo pa mismo ng mga kagawad ng Presidential …

Read More »

Duterte cabinet nagpakitang gilas sa 1st off’l meeting

PORMAL nang nagsimula ang trabaho hindi lamang para kay President Rodrigo Roa Duterte, ngunit maging sa kanyang itinalagang Cabinet secretaries. Kahapon din ginawa ang kauna-unahang pulong ni Duterte sa 28 miyembro ng kanyang gabinete. Unang nagbigay ng kanyang ulat kay Duterte ay si National Disaster Risk Reduction and Management Council director Ricardo Jalad. Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa ilang oras …

Read More »

Digong bibiyahe sa commercial plane (Ayaw ng VIP treatment)

IBABALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng air assets ng Office of the President (OP). Sa kanyang opening statement sa kauna-unahang cabinet meeting sa Palasyo kahapon, sinabi ni Duterte na kakalawangin lang ang presidential plane sa kanyang administrasyon dahil commercial plane ang kanyang gagamitin sa pagbibiyahe. Nais ni Duterte na gawing ospital …

Read More »

Simple, matipid inagurasyon ni Digong

HINDI man marangya ang inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte bilang ika-16 Pangulo ng bansa, mababakas naman dito ang karangalan ng mga Filipino. Sinabi ni incoming Communications Secretary Martin Andanar, magsisimula ang aktibidad bago mag-10:00 am at matatapos dakong 4:00 pm. Inihayag ni Andanar, ang isusuot ni Duterte na Barong Tagalog na yari sa piña jusi fabric ay idinesenyo ni Boni …

Read More »