This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NANAWAGAN si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurztbach sa mga botante na maging matalino sa pagpili ng susunod na Pangulo ng bansa.
Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni Wurztbach na ang mga ihahalal na pinuno ang siyang uugit sa kinabukasan ng Filipinas.
Payo niya sa mga botante na kilalaning mabuti ang mga kandidato at dapat magaan sa loob kung sino ang iboboto o hindi sapilitan at minadali ang desisyon.
“Well, I hope that we elect the right people, because its going to shape the country for next couple of years. So it is very important, kilalanin n’yo po nang mabuti ang mga iboboto n’yo, dapat po magaan sa loob ninyo kung sino ang iboboto n’yo, hindi po sapilitan at minadali ang desisyon, kailangan na maluwag sa loob n’yo kung sino ang iboboto n’yo for the elections,” ayon sa beauty queen.
Makaraan ang courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III, sinabi ni Pia na isang malaking karangalan ang makaharap at makadaupang palad ang Punong Ehekutibo.
“It’s an honor to be in the presence of the President especially now that I am here as the Ms. Universe bringing home the crown for the Filipino. He congratulated me and I also congratulated him for a successful term,” aniya.
Umabot sa 52-minuto ang courtesy call ni Pia sa Pangulo at nagkakuwentohan aniya sila sa kanyang karanasan sa Ms. Universe pageant at sa pagiging busy ng Pangulo sa kanyang mga trabaho.