Palasyo nakiisa sa pagbubunyi sa tagumpay ni Pacman

NAKIISA ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanang Filipino sa tagumpay ni Pambansang kamao Manny Pacquiao sa pakikipaghamok kay Timothy Bradley kahapon sa Las Vegas.

“Manny Pacquiao has done the Filipino nation proud again by winning decisively against Timothy Bradley,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Ikinararangal at nagpapasalamat aniya ang buong bansa dahil muling ipinamalas ni Pacquiao sa buong mundo ang tapang at kakayahan na makipaglaban sa pandaigdigang arena.

Sa ikatlo at huling laban ni Pacquiao sa ring ay tinalo niya si Bradley via unanimous decision ma 116-110.

Nauna nang inanunsiyo ni Paquiao ang kanyang pagreretiro sa boxing.

Si Pacquiao ay kandidato sa pagka-Senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA para sa May 9 elections.