Sunday , November 24 2024

Niño Aclan

Direktiba inihayag sa SONA

ILEGAL na droga, pagmimina, rebelyon sa Marawi at deklarasyon ng martial law sa Mindanao, pederalismo, death penalty, usapin ng West Philippine Sea, bagyong Yolanda, nakaambang “The Big One, human rights victims. Ito ang ilan sa mga tinalakay at nilalaman ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit ni Duterte na tuloy ang kampanya laban sa …

Read More »

Responsible mining iginiit ng pangulo

BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mining company sa kabila na mayroong kompletong papeles sa operasyon, at kinakailangan maging responsable sila. Banta ni Duterte, sakaling mabigo, mapipilitan siyang singilin nang mahal na buwis. Ipinunto ni Duterte, sa kabila ng malalaking kinikita ng mga kompanya ng pagmimina ay bigo na matiyak na mapapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran na pinagkukuhaan …

Read More »

17th Congress 2nd regular session pormal nang binuksan

PORMAL nang nagbukas ang sesyon ng Senado sa ilalim ng 17th Congress sa 2nd regular session nito, pinangunahan ni Senate President Koko Pimentel, at 19 pang senador. Tanging sina Senador Antonio Trillanes, kasalukuyang nasa ibang bansa, at Senadora Leila de Lima, kasalukuyang nakakulong, ang wala sa sesyon ng Senado. Dalawampu’t dalawa na lamang ang mga senador makaraan tanggapin ni dating …

Read More »

Sapat na pondo sa Marawi rehab tiniyak ni Legarda

INIHAYAG ni Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, titiyakin niyang mapaglalaanan nang sapat na pondo sa panukalang 2018 national budget ang rehabilitasyon ng Marawi. Ayon kay Legarda, dapat matiyak na manumbalik at maging matatag ang ekonomiya, sosyal at politikal na aspeto sa Marawi. Iginiit ng senadora, kahit anong uri ng plano kung walang sapat na pondo ay …

Read More »

Payo ni Poe sa MMDA: ‘Wag padalos-dalos sa expanded number coding scheme

PINAALALAHANAN ni Senadora Garce Poe and Metro Manila Development Authority (MMDA), na huwag magpadalos-dalos at kailangan maging mapanuri sa pagbibigay ng solusyon sa pagresolba sa suliranin sa trapiko sa kalakhang Maynila. Ayon kay Poe, naiintindihan niya ang malaking hamon na kinakaharap ng MMDA sa pagresolba sa traffic problem sa Metro Manila, ngunit kailangan ang masusing pagpaplano. Iginiit ni Poe, ang …

Read More »

Opisyal ng Senado inasunto vs rape try

NAHAHARAP sa kasong tangkang panghahalay ang isang nagngangalang Ramon R. Navea III, service chief committee-A ng Senado, nang sampahan ng reklamo ng empleyado ng mataas na kapulungan na kinilalang si Atty. Niniveh B. Lao, sa Pasay City Prosecutor’s Office. Batay sa sinum-paang salaysay ni Lao, makaraan siyang pansamantalang ma-detail sa committee department ng Senado mula sa kanyang orihinal na posis-yon …

Read More »

Unli-rice walang ban (Rice eaters, kalma lang) — Sen. Villar

TINIYAK  ni Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa rice-loving Filipinos, na wala siyang planong magsampa ng panukalang batas upang ipagbawal ang pagbibigay ng “unlimited rice” (unli rice) sa restaurants at iba pang food establishments. “I am not planning to make a law banning ‘unli rice’ not at all.  I just voiced out my concern …

Read More »

Special assistance sa sundalo, pulis hiling ni Angara (Sa operasyon sa Marawi)

MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa mga kasamahan sa Senado para sa agarang pagpasa ng kanyang  mga panukalang naglalayong pagkalooban ng espesyal na tulong pinansiyal at dagdag benepisyo ang mga kagawad ng pulisya at militar na nakatalaga ngayon sa Marawi City. Panawagan ito ng senador dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa tropa ng gobyerno …

Read More »

“Plushie-making” ng Villar Sipag nakalilibang na kabuhayan pa

UMABOT sa 50 kababaihan mula sa National Housing Authority (NHA) relocation site sa Naic, Cavite ang lumahok sa plushie-making seminar na isinagawa ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG). Sa naturang programa ay nakatakdang sanayin sa paggawa ng handmade plush toys at unan ang mga lumahok na dating Las Piñas informal settlers. Ayon kay Senadora Cynthia …

Read More »

PUVs ‘wag isama sa dagdag-buwis

AMINADO Si Senador Sonny Angara na tiyak na tataas ang presyo ng mga sasakyan at tataas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa sandaling mapagtibay ang panukalang batas na panibagong dagdag na buwis. Layon ng panukalang dagdag na buwis na bawasan ang mga sasakyan sa kalye at upang magkaroon ng solusyon sa trapiko. “The government wants to reduce the number …

Read More »

Mungkahi ni Angara: Rehab sa sugarol gawing simple

LUBOG sa utang, napababayaan ang pamilya at madalas, nadadamay  pa ang ibang tao sa isang indibidwal na lulong sa bis-yo tulad ng sugal. Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ang dahilan kung bakit kailangang paigtingin ng mga awtoridad ang kaukulang mga hakbang laban sa pagkalulong sa sugal. Nanawagan ang senador sa mga kinauukulan na bigyan nang nararapat na pansin ang …

Read More »

Libreng kolehiyo armas vs kahirapan at terorismo (Isang pirma na lang) — Sen. Bam

MAGANDANG balita sa mga nais makapagtapos ng kolehiyo! Inianunsiyo ni Senator Bam Aquino na isang pirma na lang ang kailangan at maisasabatas na ang panukalang libreng edukasyon para sa lahat ng estudyante ng state universities and colleges (SUCs) at local universities and colle-ges (LUCs). Ayon sa senador, inaprubahan na ng bicameral conference committee ang pinal na bersiyon ng Universal Access …

Read More »

Martial law sa Mindanao suportado ng senado

TANGING si Senador Antonio Trillanes lamang ang senador na hayagang tumutol sa pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao. Ayon kay Trillanes, batay sa impormasyong kanyang nakalap, walang dahilan para magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte. Idinagdag ni Trillanes,  hindi hiningi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeklara ng batas militar. …

Read More »

PH handa ba sa cyber attacks? — Sen. Bam

NAGHAIN ng resolusyon ang isang senador upang malaman kung handa ang Filipinas sa cyber attacks kasunod nang pag-atake ng ransomware sa mga computer sa 150 bansa sa buong mundo. “We want to hear from the experts from government and also from our Pinoy tech firms on whether our country is prepared for these cyber attacks and what should be done …

Read More »

Cayetano kompirmado

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kapalit ni Officer in Charge (OIC) Under Secretary Enrique Manalo, pumalit kay dating Secretary Perfecto Yasay, na ibinasura ng komisyon ang kompirmasyon dahil sa pagsisinungaling sa kanyang citizenship. Halos wala pang limang minuto at hindi pa nakauupo …

Read More »

‘Utak’ ng pork barrel scam dapat ituro ni Napoles (Para maging state witness)

BINIGYANG-DIIN ni Senador Francis “Chiz” Escudero, hindi maaaring kunin bilang isang state witness agad-agad si pork barrel queen Janet Napoles kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Funds (DAF), na imbes mapunta sa mga makabuluhang proyekto ang naturang pondo ay napunta lamang sa bulsa ng ilang mga politiko at kanilang mga kasabwat. Ayon kay Escudero, isa sa pangunahing dahilan para maaproba-han …

Read More »

Año ‘di sana matulad kay Lopez — Trillanes

UMAASA si Senador Antonio Trillanes, hindi matutulad si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año kay dating Environment Secretary Gina Lopez, na aniya ay inilaglag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay makaraan iha-yag ng Pangulo na kanya nang nilagdaan ang appointment paper ni Año bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bago …

Read More »

Intel officers magpaliwanag (Sa Quiapo blasts) — Pimentel

PINAGPAPALIWA-NAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan  sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao. Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng …

Read More »

2 senador na Ayer sinisi si Duterte (Sa bigong appointment ni Lopez)

ITINURO ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na dapat sisihin sa bigong appointment ni dating Environment Secretary Gina Lopez. Sinabi ni Trillanes, dating miyembro ng Commission on Appointments (CA), na hindi siya naniniwala sa naging pahayag ng Pangulo na nanghihinayang siya kay Lopez makaraan hindi makompirma ng komisyon. Ayon kay Trillanes, binobola lamang o maaaring pinaiikot at …

Read More »

Lopez sa DENR tuluyang ibinasura ng CA

TULUYAN nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa pamamagitan ng isang caucus, ginanap ang secret voting ng mga miyembro ng komisyon. Makaraan ang pag-pupulong, inihayag ni Commission on Appointments (CA) chairman, Senator Manny Pacquiao, bigong makuha ni Lopez ang mayoryang boto ng mga miyembro …

Read More »

Yasay sa DFA tuluyang ibinasura

TULUYAN nang ibinasura ang nominasyon para sa kompirmasyon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA), dahil sa pagsisinu-ngaling bilang US citizen. Nabigo si Yasay na makombinsi ang mga miyembro ng komisyon sa kanyang rason, na kanyang tinanggihan ang naturang citizenship, at patunay ang kanyang pagliham sa Estados Unidos. Mismong mga miyembro …

Read More »

Lascañas hinamon maglabas ng ebidensiya (Sa DDS operations)

HINAMON nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senadora Grace Poe si confessed Davao Death Squad (DDS) chief, at dating SPO3 Arturo Lascañas, na magpresinta ng mga ebidensiya at testigong magpapatunay ng kanyang panibagong rebelasyon, makaraan pasinungalingan ang lahat nang nauna niyang mga pahayag. Magugunitang noong 3 Oktubre 2016, unang humarap si Lascañas sa pagdinig ng Senado, ukol sa isyu ng …

Read More »

Imbestigasyon muli kay Lascañas insulto sa Senado — Cayetano

NANINIWALA si Senador Alan Peter Cayetano, maituturing na insulto sa komite at kawalan ng respeto o “rule” ng Senado bilang isang institus-yon, ang muling pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa panibagong pagbubunyag ni dating Davao Death Squad (DDS) chief Arturo Lascañas. Magugunitang iba ang kanyang bagong pahayag sa nauna niyang testimonya sa pagharap sa pagdinig ng Senate committee on justice, sa …

Read More »

Yasay bigong makalusot sa CA (Citizenship kinuwestiyon)

  BIGONG makalusot si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay para sa kanyang kompirmasyon, sa Committee on Foreign Relation ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahil sa isyu ng kanyang citizenship. Hindi tuluyang ibinasura ng komisyon ang nominasyon ni Yasay para sa kanyang kompirmasyon, kundi ito ay pansamantalang sinuspendi. Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng komite, …

Read More »