Friday , January 21 2022
Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

Dargani siblings ipinakulong na sa Pasay city jail

IPINAG-UTOS ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kay Office of Senate Sargent at Arms (OSAA) chief, ret. Gen. Rene Samonte ang agarang paglipat sa magkapatid na Pharmally Official Mohit at Twinkle Dargani sa Pasay City Jail.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Gordon nang mabigong makipagtulungan si Mohit sa Senado na ipagkaloob ang mga dokumentong hinihingi nila.

Ayon kay Gordon, maliwanag na nanloloko si Mohit dahil hindi maituro kung nasaan ang warehouse, opisina, at maging ang bahay na pupuntahan nila ng team ng OSSA para kunin ang ‘boxes’ na umano’y pinaglalagyan ng mga dokumento ng kompanya.

Batay sa pahayag ni Mohit sa pinakahuling pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersiya, nasa loob ng ‘boxes’ ang mga dokumentong hinahanap at hinihingi ng mga senador.

Nagtataka si Gordon, na hindi alam ni Mohit kung saan sila tutungong lugar para kunin ang mga dokumento.

Naniniwala si Gordon, talagang nagsisinungaling ang mga opisyal ng Pharmally at pinaiikot-ikot lamang sila ng mga testigo.

Maging ang abogado ng mga Dargani na si Atty. Kapunan ay nagulat nang tawagan siya ng OSAA at tanungin tungkol sa ‘boxes.’

Ayon kay Samonte halos mahulog daw sa kinauupuan ang abogado dahil wala siyang nalalaman sa tinutukoy na ‘boxes.’

Magugunitang napunta sa pangangalaga ng senado ang magkapatid na Dargani nang tangkaing lumabas ng bansa  sa pamamagitan ng isang private flight.

 (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Comelec

Desisyon ng Comelec, irespeto — Lacson

NANAWAGAN si presidential aspirant senator Panfilo “Ping” Lacson sa lahat na irespeto ang nagging desisyon …

DOH Kalinga Kit

CoVid-19 home care kit suportado ni Bong Go

SUPORTADO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang hakbangin …

P2.26-B NGP fund gamitin sa trabaho ng mga sinalanta ng bagyong Odette

“ANG bultong pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na …

Presyo ng swab tests pahirap sa mahirap

“ANG presyo ng CoVid-19 swab test ay hindi nakaukit sa bato, at ang mga panuntunan …

Sa maigting na anti-illegal gambling ops
55 SUGAROL NASAKOTE NG QCPD

UMABOT sa 55 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa patuloy na anti-illegal gambling operations …