MAKABUBUTI sa seguridad at kapaligiran ang paggamit ng aerial cable cars bilang tugon sa malalang trapiko sa Metro Manila at ibang urban centers sa Filipinas, ayon sa batikang urban planner na si Felino “Jun” Palafox Jr. Ayon kay Palafox, “future-proofing” na rin sa ating mga lungsod ang cable car system na ginagamit sa ibang bahagi ng mundo bilang sagot sa …
Read More »Work from home sa ecozones, payagan na – Villanueva
ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva, payagan ang mga negosyo sa ecozones para magkaroon ng work-from-home (WFH) arrangement sa mga empleyado nito nang hindi nawawala o binabawi ang kanilang tax at fiscal incentives. Hanggang 12 Setyembre 2022, papayagan ang mga negosyong kabilang sa Information Technology – Business Process Management (IT-BPM) sector na magkaroon ng WFH arrangement para sa 30 porsiyento ng …
Read More »Razon-Uy Malampaya deal dapat pabor sa consumers
DAPAT kilatising maigi ang kasunduan nina Enrique Razon at Dennis Uy hinggil sa pagbebenta ng shares sa Malampaya gas field project. Ito ang mariing sinabi ni Senador Win Gatchalian dahil kailangan aniyang pumabor sa mga konsumer at sa gobyerno, at masiguro ang sapat na suplay ng enerhiya sa bansa. Kamakailan ay lumagda ng kasunduan na bibilhin ni Razon ang shares …
Read More »Babala ni Tulfo, BROWNOUT/BLACKOUTS PUWEDENG SAMANTALAHIN NG TERORISTA
NAGBABALA si Senator Raffy Tulfo, ang laganap na brownout sa iba’t ibang probinsiya ay nagdudulot ng malaking banta sa pambansang seguridad. Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” na ipinalabas noong Biyernes, 12 Agosto, sinabi ni Tulfo, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan …
Read More »Panukalang learning recovery program muling inihain ni Gatchalian
SA GITNA ng mataas at nakababahalang antas ng learning poverty sa bansa, muling inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong magpatupad ng learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ang Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible …
Read More »Monkeypox victim ligtas, nakauwi na
TAHASANG sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire na ligtas at nakauwi sa kanyang pamilya ang naitalang unang kasong monkeypox sa bansa. Ayon kay Vergeire sa kanyang pagdalo sa Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mismong ang mga doktor na ang tumingin dito ang nagrekomenda na ligtas na siya …
Read More »
Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 
AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para sa tinatawag na same sex union na walang ipinagkaiba sa unang panukalang same sex marriage. Ayon kay Pimentel, hindi lingid sa kabatiran ng lahat na sa usaping ito ay papasok na ang usapin ng relihiyon at ng ating kasalukuyang batas kaya lubhang mahirap pag-usapan o …
Read More »Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado
HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas at Mababang Kapulungan), ang agarang pag-amyenda sa Republic Act 11525 o ang CoVid-19 Vaccination Program Act of 2021 na naglilimita ng naturang programa sa ilalim ng state of calamity. Ayon kay Vergeire sa kanyang mensahe matapos dumalo sa DOH PinasLakas CoVid-19 vaccination program, dapat igiit …
Read More »Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act
ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang benepisaryo ng Rice Tariffication Act (Republic Act 11203). Sa Senate Bill 231, iminungkahi ni Padilla na palakihin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para maging mas competitive ang mmga magsasakang Pinoy.’ “This measure also proposes to increase the amount earmarked for RCEF from P10 billion …
Read More »PPP sa LGUs suportado ni Angara
SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga pamahalaang lokal (LGUs) na makipag-ugnayan sa pribadong sektor sa pagpapatupad ng development projects sa kani-kanilang mga nasasakupan. Ayon kay Angara, chairman ng finance committee ng Senado, napapanahon ang public-private partnerships (PPPs) lalo sa panahong ito na nananatiling mabagal ang pagbangon ng ekonomiya sa hagupit …
Read More »
Simula sa Lunes, 15 Agosto
SENADO LOCKDOWN SA LOOB NG 21 ARAW 
MATAPOS magsunod-sunod na magpositibo ang ilang mga senador sa CoVid-19, nakatakdang magpatupad ng tatlong linggong lockdown ang senado sa mga bisita. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri magsisimula ang lockdown sa mga bisita sa darating na Lunes, 15 Agosto 2022. Tanging ang mga resource person sa mga pagdinig ang kanilang maaaring tanggapin ngunit limitado rin. Tinukoy ni Zubiri, tatlo …
Read More »Civil Service Eligibility isinulong ni Sen. Robin, pabor sa mga casual
SA WAKAS ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga ‘casual’ o ‘contractual’ na emplyeadong matagal nang naninilbihan sa gobyerno na maging regular at magkaroon ng karapatan sa mga karampatang benepisyo bilang kawani ng pamahalaan. Ito ay batay sa nilalaman ng Senate Bill 234 na inihain ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na naglalayong magbigay ng civil service eligibility sa mga casual at …
Read More »
FM Jr., walang klarong direktiba
PNP KABADONG MAGPATUPAD NG ‘WAR ON DRUGS’ 
ni Niño Aclan INAMIN ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nangangamba ang Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng kampanya sa ‘war on drugs’ at iba pang mga uri ng mabibigat na krimen tulad ng terorismo dahil sa kawalan ng maliwanag na deklarasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay Dela Rosa, kung siya ay isang …
Read More »Pagbuhay sa kaso ng ICC target si Digong — Bato
TAHASANG sinabi ni Senador Renato “Bato” dela Rosa na tanging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang target ng pagbuhay muli ng isinampang kaso sa International Criminal Court (ICC) ukol sa paglabag sa karapatang pantao alinsunod sa kampanya ng dating administrasyon laban sa ilegal na droga sa bansa. Ayon kay Dela Rosa, kung talagang mayroong naganap na paglabag sa karapatang pantao …
Read More »PH gov’t may sapat na pondong pantugon sa kalamidad — Angara
TINIYAK ni Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance sa ilalim ng 18th at 19th Congress, mayroong sapat na pondo ang pamahalaan sa taong ito para tumugon sa mga kalamidad , matulungan ang mga naapektohan nito, at maging ang mga impraestruktura lalo ang mga national heritage. Ayon kay Angara, nakapaloob sa ilalim ng 2022 General Appropriation Act (GAA) …
Read More »19 panukalang batas pinapapaspasan ni FM Jr.
LABING-SIYAM na panukalang batas ang hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na gawing prayoridad upang pag-aralan at maipasa. Sa unang State of the Nation Address (SONA), agaran niyang hiniling sa kongreso ang pagbibigay ng pansin sa kanyang mga prayoridad na panukala na nais niyang maging batas, gaya ng mga sumusunod: National Government …
Read More »
Sa 19th Congress
PAGTUGON SA KRISIS SA EDUKASYON PRAYORIDAD NI GATCHALIAN 
NAIS ni Senador Win Gatchalian na pagtuunan ang pagtugon sa krisis sa edukasyon ngayong 19th Congress kasunod ng mga inihain niyang priority bills para sa sektor ng edukasyon. Si Gatchalian ay mananatiling Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture. Naghain siya ng isang resolusyon upang repasohin ng Senado ang pagpapatupad sa Enhanced Basic Education Act of 2013 …
Read More »
Sa pagbubukas ng 19th Congress
ZUBIRI BAGONG SENATE PRESIDENT 
PORMAL ng uupo ngayong araw, 25 Hulyo, si Senador Juan Miguel Zubiri, bilang ika-24 Presidente ng Senado kasabay ng pagbubukas ng 19th Congress sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Si Zubiri ay iluluklok ng super majority sa Senado kasunod ang paghalal ng bagong Senate President Pro-Tempore sa katauhan ni Senadora Loren Legarda, gayondin ang Senate Majority Floor …
Read More »
Sa nagbabantang food crisis
STATE OF EMERGENCY PANAWAGAN KAY MARCOS
NAGKAISA ang iba’t ibang samahan ng mga magsasaka na manawagang magdeklara ng state of emergency on food crisis si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kaugnay ng kakulangan sa pagkain at pagtaas ng mga pangunahing bilihin gaya ng manok, itlog, baboy, at pandesal. Ayon kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist Representative Nicanor Briones, malaki ang magagawa ni Pangulong FM …
Read More »Direktibang refund ng ERC sa Meralco pinuri ni Gatchalian
UMANI ng papuri mula kay Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) matapos magbaba ng kautusan sa Manila Electric Company (MERALCO) na i-refund sa mga customer ang P21.8 bilyong katumbas ng 87 sentimos kada kilowat hour (kWh). Ibig sabihin, para sa karaniwang household na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, magkakaroon ng P174 refund sa singil sa koryente simula …
Read More »124 panukalang batas, Isang resolusyon Inihain sa senado
EKSAKTONG 4:16 pm nang makapagtala ng bills and index ng senado ng 124 inihaing panukalang batas at isang resolusyon. Nabatid, ang nagbabalik na si Senator Loren Legarda ang kauna-unahang senador na naghain ng panukalang batas. Tulad ng kanyang pangako noong kampanya, inihain niya ang panuklanag batas na isang mesa para sa bawat mag-aaral. Sa unang ikot ng paghahain ng panukalang …
Read More »
Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid
ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill 7575 o ang panukalang batas na may kaugnayan sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority. Naniniwala ang panganay na Marcos, mayroong nagmarunong o naggaling-galingan sa Palasyo sa veto ng pangulo. Batid ng lahat na si Senator Imee …
Read More »‘Vape bill’ pekeng malasakit sa health ibasura
‘FAKE health act’ ang kontrobersiyal na Vape Bill, kung kaya’t dapat itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang kanyang termino sa 30 Hunyo 2022. Ito ang nagkakaisang posisyon nina Senadora Pia Cayetano at isang grupo ng mga doktor na mariing tumututol sa pagsasabatas ng naturang panukala. Nauna rito, kinastigo ni Cayetano ang aniya’y ‘last-minute transmittal’ ng Kamara ng …
Read More »
Kompiyansa sa sining ng Filipinas,
CAYETANO TIWALANG KAYANG MAGING WORLD-CLASS NG LOCAL ARTISTS
TIWALA si Senator-elect Alan Peter Cayetano na katulad ng South Korea, sisikat din sa buong mundo ang sining at kultura ng Filipinas. “Alam mo ‘yung pinagdaanan natin pagdating sa performing arts, sa [visual] arts, sa maraming bagay, sa mga produkto, pinagdaanan ng Korea ‘yan,” pahayag ni Cayetano sa kanyang talumpati nang pasinayaan ang “Back in the Day,” isang art exhibit …
Read More »Pakikilahok ng LGUs sa edukasyon dapat paigtingin
ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang mas aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa paghahatid at pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Tinukoy ni Gatchalian ang ilang mahahalagang papel na ginampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Ayon sa senador, mas agarang natutugunan ng mga lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng …
Read More »