Thursday , March 30 2023
Students school

LGUs kumilos laban sa ‘illiteracy’

MATAPOS  lumabas ang ilang mga ulat ukol sa mababang literacy rate sa iba’t ibang bahagi ng bansa, itinutulak naman ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang paigtingin ang pagkilos ng mga local government units (LGUs) upang makamit ang zero illiteracy.

Sa nagdaang education summit sa Baguio City, lumabas na apat lamang sa 10 mag-aaral sa lungsod mula Grade 4 hanggang Grade 7 at may edad na 9 hanggang 12 ang nakakapagbasa at nakakapagsulat sa Ingles. Batay ito sa naging resulta ng mga pre-tests at post-tests na ginawa noong 2021 hanggang 2022. Lumabas din sa mga test na ito na wala pa sa kalahati ng mga mag-aaral mula Grade 3 hanggang 7 sa lungsod at may edad na 8 hanggang 9 ang marunong bumasa at sumulat sa Filipino.

Sa Cagayan naman, lumabas sa isang survey na naka-post sa website ng probinsya na 12.72% o 29,529 sa 231,667 na mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang hindi marunong bumasa. Lumabas din sa 2017-2018 Early Language, Literacy, and Numeracy Assessment (ELLNA) na 49.52% lamang ang literacy rate sa probinsya.

Isinusulong ni Gatchalian ang National Literacy Council Act (Senate Bill No. 473) upang italaga ang mga Local School Boards (LSB) bilang de facto local literacy councils. Layon ng naturang panukala na patatagin ang Literacy Coordinating Council (LCC) na patuloy na mamumuno ng mga programa para maging literate ang bawat Pilipino. Itinatag ang LCC sa bisa ng na-amyendahan nang Republic Act No. 7165.

Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mandato sa pinatatag na LCC na bumuo ng three-year road map para sugpuin ang illiteracy o kamangmangan sa mga komunidad. Magiging tungkulin naman ng mga LSB ang pagpapatupad ng lokal na roadmap batay sa three-year roadmap ng council.

Samantala binigyang diin naman ni Mayor Benjamin Magalong ang papel ng mga komunidad upang tulungan ang mga batang nahihirapang bumasa at sumulat. Inilabas naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang Executive Order No. 1 na nagbibigay direksyon sa mga alkalde na suportahan ang mga plano ng Department of Education (DepEd) para sa learning recovery.

“Ang isang batang hindi marunong bumasa ay problema ng buong bansa. Sa pagsugpo natin ng illiteracy, mahalaga ang papel ng mga lokal na mga komunidad. Kaya naman palalawigin natin ang papel ng ating mga Local School Boards sa pagpapatupad ng mga programa upang matiyak na bawat bata ay matutong bumasa at umintindi ng kanilang binabasa,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.   (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …